"Bes! Nasa labas si Vinz!" wika ni Less. "Paalisin mo," walang ganang wika ko. "Ang harsh, naman." Sabay hawak sa dibdib nito. Ang drama din ng isang 'to. "Hindi mo kakausapin?" Pangungulit pa nito. Tiningnan ko naman ito ng malalim. "Sabi ko nga." Sabay labas nito sa kuwarto ko. Napabuga naman ako ng hangin. "Sorry Vinz. Ayaw ka niya talagang makausap eh!" rinig kong wika nito. "It's okay. Pakibigay na lang nito. I have to go." At tulad ng dati isang bouquet of roses ang ibinigay nito at maraming chocolates. Mapupuno na yata ang refrigerator ng mga chocolates nito. Nagmukha ring flower shop ang maliit naming dorm dahil sa mga bulaklak nito. Kailan kaya ito titigil sa kalukuhan nito? Pagpasok ko sa ibang subject nagtaka ako ng halos nakaputing damit ang mga classmate namin. "

