"What the hell bro, are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ni Paul. Nasa loob kami ng bar. Gusto kong magpakalasing ngayon. "Talagang lumuhod ka?" Si Kenneth. "Hindi mo naman iyon kailangang gawin ng dahil lang sa pustahan natin. Marami pa namang paraan. Bakit nagawa mong lumuhod sa babaing iyon?" Sabay buntong hininga ni Carl. Alam kong gulat na gulat ang mga ito sa ginawa ko. Ngunit wala silang alam sa tunay kong nararamdaman. "Tapos ang resulta, napahiya ka lang. Ang laki ng pinagbago mo, bro. Nang dahil lang sa nerd na iyon, binaba mo pride mo?" hindi pa rin makapaniwalang sambit ni Paul. Nang mapansin kong may papalapit na mga babae. "Huwag kayong lalapit ngayon at mainit ang ulo namin!" masungit na sambit ni Paul. Napayuko ako habang natatawa. Ganito ba ito kagal

