Episode 8 (Vinz POV)

1028 Words
Galit na sinipa ko ang basurahan na nasa gilid ng daan. Kung puwede lang talagang manakit ng babae, baka kanina ko pa ginawa. That nerd? Saang kumuha ng lakas ng loob iyon para ipahiya ang isang Vinz Liam Ho?! O sadyang 'di niya kilala kung sino ang binabangga niya. Pabalibag kong isinara ang pintuan ng dorm ko. Nang bigla akong mapalingon sa pintuan. May narinig kasi akong lumagapak na ewan. Mukha ni Carl ang bumungad sa akin habang matalim ang tingin sa 'kin at hawak-hawak ang noo nito. "'Di ka naman yata galit sa amin ano bro?" Pang-aasar nito. Pansin ko rin ang pigil na tawa ng tatlo. Marahas akong napabuntong-hininga sabay upo sa single sofa. Sa inis ko sa nerd na babaing iyon, nakimutan kong kasama ko pala ang mga kaibigan. Rinig ko ang pagtikhim ni Paul na siyang ikinatingin ko rito ng seryoso. "What?" "Anyari bro? Hinayaan mo lang ang nerd na iyon?" sambit nito. "Grabi, lakas ng loob noon. Sampalin ka ba naman. Pinahiya ka pa sa lahat," segunda naman ni Carl habang hinahaplos-haplos pa rin ang noo na tinamaan ng pintuan. "Tapang nga ng babae eh. Baka 'di ka niya kilala, bro," wika naman ni Rey. "Sabihin mo hindi noon matanggap na mga mukha silang nerd at ayaw natin sa kanila," natatawang sambit ni Kenneth. Mabigat pa rin ang paghinga ko sa mga nangyari. Nang mapabaling ako sa mga ito. "Walang sagot?" wika ni Carl. Tumiim-bagang naman ako. "Titiyakin kong hinding-hindi niya makakalimutan ang matinding paghihiganti ko sa kaniya. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang niya sa mga paghihirap na gagawin ko. Sisiguraduhin kong bilang na lang ang araw ng pagpasok niya sa University na ito." "Woahhh!" sabay-sabay ng mga ito. "Grabi ka bro. Mukhang nakakaexciting ang gagawin mo ah. Baka naman puwede naming malaman," nakangising wika ni Paul. Ilang minuto ng banggitin ko sa mga ito ang plano na gagawin ko para sa babaing nerd na iyon. "Sisiguraduhin kong luluhod at magmamakaawa siya sa akin." Sabay ngisi ko habang nai-imagine ang mga mangyayari sa babaing nerd na iyon. "Baka isang araw pa lang, sumuko na iyon," natatawang wika ni Kenneth. "O baka mangkukulam iyon at kulamin tayo!" Sabay hagalpak ni Paul. Tiningnan ko naman ito ng matalim na ikina-peace sign nito. "Mas mukhang maeenjoy natin ang taong ito ah! Unang beses na magiging bully ang babaerong kaibigan natin!" Palatak naman ni Carl. Nagsi-appear pa ang mga ito sa isa't isa maliban nga lang kay Rey. Na siyang ikinatingin namin dito. "Sa nakikita ko hindi siya ang tipo ng babaing basta magpapatalo," wika nito. Bumungisngis naman ang tatlo kong kaibigan. Tiningnan ko naman si Rey ngunit nagkibit balikat lamang ito. Araw ng lunes.. Sumisipol-sipol ang mga kaibigan ko habang hinihintay ang mga mangyayari. Kitang-kita namin sa 'di kalayuan ang babaing nerd na naglalakad. Himala nga at hindi yata kasama ang isang nerd na patay na patay sa 'kin. Lalo tuloy akong nakaramdaman ng tuwa at mag-isa lang ito. Para naman maramdaman nitong wala itong karamay. "Start begin," bulong ko. Nakade-kuwatro pa ako habang nakaupo at hinihintay ang magaganap. Napaupo ng matuwid ang mga kaibigan ko ng makitang binuhusan ng malamig na tubig ang babaing nerd mula sa itaas. Rinig na rinig ko ang hagalpakan ng mga studyante habang pinagmamasdan ang babaing nerd na mukhang sisiw na basang-basa ang itsura. Hiyawan, tawanan at kantiyawan ang maririnig sa paligid. Hanggang sa makita pa namin ng batuhin ito ng itlog. Kitang-kita ko ang pagtama sa ulo, braso, mukha at sa iba pang katawan ng babaing nerd. Ngunit nanatili lang itong nakatayo at hindi man lang kumilos o umalis. "Mukhang matatag yata si Miss Nerd, bro ah. 'Di man lang natitinag sa kinatatayuan," wika ni Carl. "Matapang siya ah!" sambit naman ni Kenneth na para bang enjoy na enjoy sa pinapanuod. "Alam niya sigurong pakana mo ang lahat ng ito, bro. Kaya nagtatapang-tapangan siya," nakangising wika ni Paul. Napatiim-bagang naman ako habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakayuko lang ito habang hinahayaan ang mga studyanteng bumabato sa kaniya ng itlog. Matapang ka ah? Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mong iyan. Hanggang sa mapansin ko ang isang kaibigan nitong nerd. Tumatakbo ito palapit sa kaibigan at kaagad hinila palayo sa lugar na iyon. Akmang susundan ng mga kababaihan ang dalawang nerd ng sumenyas akong hayaan na muna. Tutal, iyon pa lang ang umpisa at patikim ko sa babaing malakas ang loob na kalabanin ang isang Vinz Liam! "Mukhang 'di tumalab sa babaing nerd ang first step natin bro ah!" nang-aasar na wika ni Carl. "Simula pa lang iyon. Patikim pa lang iyon sa kaniya," wika ko. "Mahihirapan kayo sa kaniya," biglang wika ni Rey na ikinalingon namin dito. Humikab ito at biglang tumayo. "Nakakagutom!" dugtong nito. Sa inis ko, ibinato ko rito ang can ng coke na ininuman ko. Napa-aray naman ito habang hawak ang ulo. Matalim naman itong tumingin sa 'kin na siyang nginisihan ko lang. "Mukhang 'di sang-ayon ang isang kaibigan natin iyon ah!" natatawang wika ni Kenneth. "Wala siyang magagawa." Sabay tayo na rin. "Nakaka-excite ang bukas!" malakas na sambit ni Paul na ikinatawa ng dalawa. Gumuhit naman ang ngisi sa labi ko. Ito yata ang unang beses na nangyaring nang-bully ako. Hindi naman totally na ako ang nangbu-bully ngunit ako naman ang lahat na nag-uutos sa mga studyante kung anong dapat nilang gawin sa babaing nerd na iyon. Pabagsak akong humiga sa kama. Nang bigla kong maalala ang itsura ng babaing nerd kanina. Bigla akong napatayo at kaagad tinawagan ang babaing minsan ko nang nakalampungan. "Do you know what her name is?" tanong ko. "Bakit kailangan mo pang alamin ang pangalan ng nerd na babaing iyon?" wika ng nasa kabilang linya. "Sagutin mo na lang ang tanong ko. Kung ayaw mong mawala sa listahan ko." "Okay, okay babe. Her name is Princess Sofia," wika nito. Princess Sofia? Kung gaano kaganda ang pangalan nito, kabaliktaran naman sa itsura. Kaagad kong naipilig ang ulo. "Okay." Akmang ibababa ko na ang cellphone nang.. "Babe, puwede ba akong matulog diyan tonight?" maharot na tanong nito. Lihim naman akong napangisi. "C'mon," wika ko na ikinatili nito. Princess Sofia pala ha.. Let's see kung hanggang saan ang tapang mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD