"Anong titigan iyon bestie?" Ang mapanuksong ngiti ng baliw kong kaibigan. "Anong titigan ang sinasabi mo?" Sabay iwas ng tingin. Nawala na rin ang pananakit ng puson ko kaya heto na naman 'tong isa, nanunukso na naman. "Ay sus! Kunwari pa ito!" Sabay sundot sa tagiliran ko habang kinikilig. "Kung hindi pa ako pumasok baka nagtukaan na kayo eh!" Sabay halakhak nito. Para yatang nagkulay kamatis ang mukha ko sa mga pinagsasabi nito. "Wala ka na naman sa sarili. Tingin mo naman papatulan niya ang itsura ko kanina? Hindi ka na naman nag-iisip!" Sabay bangon sa higaan upang makaiwas sa mga mata nitong mapanghinala. "Kaya pala hinalikan iyong kamay mo!" Bigla naman akong natigilan. Ngiting-ngiti ito at halos mapunit na ang bibig nito sa kilig. "Anong hinalikan?" nalilitong tanong ko

