Chapter 2

1518 Words
Nagtaka si Martin nang isa-isang nawawala ang mga naka bantay sa facility, wala na ang mga doktor na naka maskara at mga armadong bantay sa mga pinto ng gusaling iyon. Sa tatlong taong pamamalagi sa lugar ay hindi niya naranasang makita ang labas ng pasilidad. Alam niyang facility iyon dahil sa mahigpit at guwardiyado ang lugar, mga laboratory equipments at mga doktor ang naroon. Ang hindi malinaw sa kanya ay kung para saan ang experiment ng mga ito. Legal kaya ito? Alam ba ito ng gobyerno? Bakit pinapayagang tao ang gawing subject sa mga experiments? Nakarinig siya ng ugong ng tila maliit na sasakyan, at mamaya pa ay ang mga yapak ng tila kung sinong naglalakad. Nagtaka siya halos 30 minutos na ang naririnig niyang yabag ngunit hindi pa rin niya maramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto o gate ng gusali. Mula makulong siya sa gusaling ito ay naging sensitibo ang kanyang pandama. Maging ang kanyang pandinig ay napaka lakas din. Ayon sa mga doktor siya infected ng isang virus na tinawag nilang V-X o VIRUS X. At ang tawag sa kanya ay si patient 01X. Noong una ay pumapalag siya at ilang beses na nagtangkang tumakas ngunit nabigo siya. At sa tuwing nagtatangka siya ay lalong dinaragdagan ang mga serum at gamot na ipinapasok sa kanyang katawan. Sobrang sakit na halos mawala na siya sa katinuan. Ang tanging nagpapalakas lamang sa kanya ay ang ala-ala ng kasintahan, nais niyang hanapin ito. Ayon sa isang doktor ay natagpuan siyang palutang lutang sa karagatan at ayon sa recorded news na ipananood sa kanya ay sumabog ang yate na sinakyan nila ng kanyang kasintahan habang kinukumpuni ito, suwerte namang nakaligtas si Bea at ang kapitan ng yate. At ayon sa ulat, si Martin Vilicaria na kasintahan ng nakaligtas na si Beatrice Lau ay nawawala pa rin at patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers. Halos dalawang buwan siyang walang malay, at sabi ng doktor, marami siyang bali sa katawan at damaged organs dulot ng pagsabog at nang mga oras na iyon ay ang virus X lamang ang naging paraan para maligtas siya dahil may kakayahan itong hilumin o ibalik sa dati ang anumang damage tissues sa katawan ng tao. Kung tutuusin ay malaki pa ang utang na loob niya sa mga ito dahil iniligtas ng mga ito ang kanyang buhay. Tumagal siya ng tatlong taon dahil na rin sa mga epekto ng virus sa kanyang katawan. Ang sabi ng mga doktor ay magiging allergy siya sa ultraviolet rays na dala ng sikat ng araw, at ayon sa mga ito maaring masunog siya dito at kanyang ikamatay. Kaya’t nanatili siya sa loob ng pasilidad hanggat wala pang nadedevelop na gamot dito. Sa pagdaan ng mga araw ay tila hindi na siya isang pasyente kundi isa nang experiment subject. Unti-unti ay dumistansiya sa kanya ang mga doktor at mga taga bantay na naroon na tila ba takot sa kanya. Nitong huling taon ay halos wala nang lumalapit sa kanya. Ni hindi niya kilala ang mga taong ito, lahat sila ay naka maskara simula pa nang una niyang makita ang mga ito. Pinukaw siya ng ingay ng bumukas na pinto. Ang kanyang silid ay napapalibutan ng glass wall at mayroon pang rehas na nakapaligid sa silid. At lahat ng iyon ay naka kandado. Nagtaka siya nang isang lalaki ang bumungad at wala itong suot na maskara. Tila ninerbyos ito dahil hindi magkanda-ugaga sa pagbukas sa pintuang bakal gamit ang malaking susi. "Nasaan sila?" tanong niya dito ngunit sumenyas lamang ito at patuloy na binuksan ang silid. Isang card ang idinikit nito sa automatic door ng kanyang silid at bumukas ito. Nagmamadali itong tumalikod ngunit lumingon ito nang maramdamang hindi siya sumunod. Sumenyas na lumabas siya at sumama sa kanya. Nagtataka man ay tumayo at sumama siya dito. Wala siyang sapin sa paa at tanging turning puting pajama o mas tamang hospital clothes lamang ang kanyang suot. Tinungo nila ang isang automatic door. Muli nitong itinapat ang dalang card at kusa iyong bumukas noon lamang niya napansin ang card, kulay puti ito at may naka sulat na "project X" ngunit ang X ay naka sulat ng malaki na tila isa itong logo. At isa pang pinto, nasundan pa ng isa, dalawa, tatlo, hindi na niya matandaan kung ilang pinto sila lumusot at lahat ng iyon ay automatic locked. Sa wakas ay narating nila ang isang maliit na elevator. Nagtaka siya, bakit mayroong elevator doon. Nagsimulang tumaas ang elevator, tantiya niya ay umakyat ito sa ika-dalawampung palapag ngunit paglabas nila ay tila isang maliit lamang na guest house na nasa gitna ng kagubatan. Madilim na noon ngunit napaka talas ng kanyang paningin, tila mas maliwanag pa ang kanyang mga mata sa dilim kumpara sa loob ng pasilidad na puno ng mga ilaw. Iniabot sa kanya ng lalaki ang isang maliit na kahon na kanina pa nito bitbit at isang maliit na sobre. Sumenyas ito sa kanya na umalis na at tumakbo. Naintindihan naman niya ito. Kasabay ng paalam ng lalaki ay naglaho rin siyang parang bula sa loob ng kagubatang iyon. Sa isag iglap ay narating noya ang kabilang bahagi ng isla. Naalala niyang buksan ang sobre, isang mensahe ang naroon at ilang pirasong lilibuhin. Naroon ang paalala na huwag siyang lalabas sa sikat ng araw at gamitin ang halagang naroon para lumayo. Ngunit nasa isip niyang hanapin ang kanyang nobya. Ang maliit na kahon ay isang ice chest, ilang naka pack na inumin ang naroon tila karton ng gatas. Napangiti siya. Napaka maalalahanin naman ng taong nagbigay nito. Binuksan ang isa at nagulat nang makitang dugo ang laman niyon. Ngunit nang maamoy ito at napalunok siya. Biglang nakaramdam ng kakaibang uhaw, pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang buo niyang katawan at kailangan ang pulang likido na kanyang hawak. Hindi na nag-isip pa at tuluyang inibsan ang kanyang uhaw. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng malakas na tunog ng sasakyang pang himpapawid, patungo ito sa kagubatan kung saan naroon ang maliit na guest house na nagsilbing lagusan ng facility. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit unti-unti ay nawala ang mga tao sa pasilidad. Ang ibig sabihin pala nito ay siya ang huling lumabas o pinakawalan. Pagkatapos ayusin ang kanyang mga dapat ayusin ay ipinangako sa sarili na hahanapin niya ang mga tao sa likod ng project X na iyon. Sa tulong na rin ng perang mula ibinigay ng kung sino man ang nagpa laya sa kanya ay naka uwi siya sa kanyang bahay sa Maynila nang walang nakakaalam maliban sa kanyang pinsang si Gail. Tulad ng inaasahan ito ang sumalo sa mga responsibilidad na naiwan niya. Halos maiyak sa tuwa nang tawagan niya ito. Ito na ang tumayong guardian niya mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang. "Salamat Dios ko dininig mo ang panalangin ko!" usal nito nang malamang maayos ang kanyang kalagayan. "Hindi ako naniniwalang wala ka na," dagdag pa nito. At kahit late na ay pinuntahan pa rin siya nito. Humahangos ito nang mapagbuksan niya ng pinto. "Oh my God, buhay ka!"sabi nitong niyakap siya ng mahigpit. "What happen to you?" sabi nitong hindi pa rin makapaniwala. "Its a little bit complicated ate," simula niya. "Ipangako mo muna na mananatiling lihim ang pagbalik ko," patuloy niya saka isinalaysay ang mga nangyari nang magbakasyon sila ng kasintahang si Bea. "Ate," aniyang nag aalangan kung sasabihin ba ang tungkol sa kalagayan niya. "Huwag kang mag-alala ano man ang malaman ko ay asahan mong sa ating dalawa lamang ito," sabi nitong naka ngiti. "Tayo na lamang dalawa ang magkapamilya, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo rin?" "Ate, I am no longer normal human. I turned into vampire the day that those people saved me from that accident," malungkot niyang sumbong sa pinsan. Hindi ito naka imik sa pagka bigla. "Are you kidding me?" maya-maya ay nakabawi ito. "N-no, ofcourse not," sagot niya. Humagulgol ito, "Martin!" tanging na sambit nito at muli siyang niyakap. "Don't worry gagawin lahat ni ate para tulungan ka," sabi nito habang nagpupunas ng luha. Tumawa lamang siya, " pa kagat na 'lang ate," biro niya. Tumawa naman ito," sira ka pa rin talaga, andiyan na nga ang problema eh nakukuha mo pang mag biro." Hindi naman ito nag tagal, nagpaalam na rin ito dahil baka mag tanong pa ang asawa nito. "Mag-iingat ka," sabi nito bago lumabas ng bahay. "Sila ang mag-iingat sa akin," sagot niyang ipinakita pa ng bahagya ang kanyang ngipin. "Naku Martin iyan ang huwag mong gagawin," banta nito sa kanya. "Makukurot talaga kita sa singit," sabi nitong tumatawa na habang pasakay ng kanyang kotse. Nang maka-alis ang kanyang ate Gail ay pagod na ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang naging resulta ng virus X sa kanya, ramdam niya ang pagbabago ng kanyang katawan mula nang maka recover sa aksidente. Noong una ay hindi niya ito matanggap, ngunit kalaunan ay unti-unti din niyang na kumbinsi ang sariling tanggapin ang bagong pagkatao. Kung hindi naman dahil sa virus na ito ay baka patay na siya ngayon kaya mabuti na rin siguro ang nangyari. Nakatulugan na niya ang isiping iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD