Nang mga sumunod na araw ay talaga namang nakaka bagot para kay Martin, hindi man 'lang maka labas at mapuntahan ang mga nais puntahan, hindi rin niya ma-take over ang kumpanya dahil sa kalagayan niya.
Mag-iisang buwan na siya sa kanyang bahay nang muling maka tanggap ng kahon ng kanyang supply. Sa pagkakataong ito ay may kalakip na liham, nakasaad dito nakailangan niyang mag-ingat dahil nag-leak ang ilang impormasyon tungkol sa project X at pinaghahanap ang mga carrier ng virus. Ibig sabihin hindi lamang siya ang nasa ganitong sitwasyon. medyo gumaan ang loob niya sa isiping iyon.
Ilang araw din siyang hindi natahimik sa nalamang iyon. Nang sumunod na dinalaw siya ng kanyang ate Gail ay sinabi niya ang nais dito, nag-aatubili man ay pumayag naman ito sa bandang huli.
Financialy, stable naman siya. Lalo pa ngang lumaki ang perang pumapasok sa kanyang mga acounts dahil nagsimula nang kumita ang lahat ng kanyang mga invesments. Isa na siyang secret billionaire. Natawa siya sa isiping iyon.
Madali lang para sa kanya ang magpalit ng identity. Sa koneksyon ng kanyang ate Gail ay madaling napalitan ang kanyang pagkakakilanlan. Hindi rin niya ipinaalam ang tungkol dito sa kanyang nobya. Para siyang naka piring sa gitna ng kadiliman sa kanyang sitwasyon ngayon, hindi niya alam kung sino ang iiwasan at kung sino ang tatakbuhan.
Nagpaalam siya sa kanyang nobya na magbabakasyon lamang sa kanilang probinsya sa La Union ng ilang linggo. Nais ng kasintahan na kunin ang address ng kamag-anak na kanyang pupuntahan ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Dahil ang totoo ay wala naman talaga silang kamag-anak sa lugar na iyon. Sinabi lamang niya ito para na rin sa seguridad ng dalaga. He felt sorry for this woman, alam niyang mahal siya nito ngunit wala siyang ibang chioce kundi iwan ito.
Lumabas ng bansa si Martin bilang si Gabriel Montemayor, at bilang isang small time businessman lamang. Nagpalipat-lipat siya ng mga bansa, kung saan-saan hinanap ang katahimikan ng isip at kung saan mitatago ang katauhan. Sa patuloy na paghahanap ng lugar ay dumaan sa kanyang screen nang minsang nagba-browse siya sa internet ang isang lugar sa bansang Romania, ang Transylvania. Nag hanap siya sa internet ng mga bahay o properties na for sale sa lugar na ito. Hindi naman siya nabigo, isang villa sa liblib na bahagi ng isang maliit na village ang nakita niya sa murang presyo. No wonder na mura, bukod sa napaka layo nito sa kabihasnan ay luma at masukal na ang daan patungo dito, halatang napabayaan sa mahabang panahon. Kinontak agad niya ang kumpanyang nag-post nito. Nagkasundo naman agad sila at sa loob ng ilang linggo ay nasa pangalan na niya ang villa. "Villa Montemayor," ito ang bagong pangalan ng villa. Ilang oras na biyahe mula sa pinaka malapit na Village sa lugar. Naka tayo ito sa isang dulong bahagi ng bundok, bangin na nga ang mismong likod nito, at halos natatakpan naman ng naglalakihang mga puno ang villa.
Nang puntahan niya ito para makita ng personal ay sinamahan lamang siya ng ilang tauhan ng kumpanyang nagbenta nito. Lumang luma na ito kung titingnan sa labas ngunit pagpasok sa loob ay napa-awang ang kanyang mga labi nang makita ang fully furnished na sala, may fire place na nakaharap sa magara ngunit lumang luma nang sala set at maluwag ito kumpara sa inaasahan niya. Makikitang luma na ang mga gamit dito, malinis naman, siguro ay ipinalinis ito nang magkaroon ng buyer. 3 storey ito, sa unang palapag ay ang maluwang na sala, at ang halos kalahati nito ay animo library sa dami ng libro sa mga shelves doon. Sa gitnang bahagi ng unang palapag ay naroon ang napaka luwang na hagdan patungong ikalawang palapag. Kusina at ilang silid ang naroon. Hindi na niya pinag abalahang tingnan. Dumiretso sila sa ikatlong palapag, ang master's bedroom ay napaka gara. Maluwag ito may maliit na bar sa isang sulok at siyempre may mga book shelves ulit, nasa gitnang bahagi ang hugis bilog na kama na tila kay lambot. Malaking banyo at palikuran naman ang nasa kabilang bahagi ng silid. At ang malaking veranda kung saan tanaw ang malawak na kagubatan sa malalim na bangin. Ewan niya pero parang itinadhana ang bahay na ito para sa katulad niya.
Matapos ang pag-lilibot sa buong bahay ay may ilang mga gamit ang nais niyang idagdag. Ilang modernong appliances at ilang gamit sa silid. Nangako naman ang mga ito na idedeliver kinabukasan ang mga ito.
Nagpasya siyang doon na manatili nang gabing iyon dahil dala na naman niya ang kanyang konting gamit at nag check out na rin siya sa hotel kung saan siya namalagi habang inaayos ang mga papeles ng nabiling villa.
Nang maka alis ang mga tauhan ng kumpanya ay pagod niyang tinapon ang sarili sa gitna ng malaking kama. Halos lumubog siya sa lambot niyon.
Pakiramdam niya ay kahit ilang libong taon siyang manirahan sa lugar na ito ay hindi siya maiinip. Ngunit nangungulila siya sa nobya. Ang kawawang si Bea. Nalungkot siya sa isiping iyon. Siguro ay hindi siya nito mapapatawad. Maging ang kanyang ate ay hindi alam kung saan siya naroon. Napagkasunduan na nila ito, para sa seguridad ng lahat. Hindi niya kayang ipahamak ang natitirang kapamilya. Napagkasunduan nila na putulin muna ang komunikasyon para siguradong walang trace kahit na imbestigahan pa ang kanyang ate Gail.
Bilang tagapagmana niya ay matagumpay na naibenta ng kanyang ate Gail ang lahat ng kanyang shares sa iba't ibang kumpanya sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan at unti-unting binili pabalik gamit ang kanyang bagong identity. Kaya diretso pa rin ang pasok ng kanyang milyones kahit na wala siya. Siyempre paminsan minsan ay dumadalo pa rin siya sa mga online or phone meetings kapag kailangan.
Kinabukasan nga ay dumating ang isag delivery truck dala ang ilang appliances at ilang gamit para sa kanya. Karamihan ay gamit sa kusina, lutuan, oven at ang pinaka importante ang kanyang malaking refrigerator.
Bumili din siya ng sariling sasakyan dahil paminsan minsan ay kailangan pa rin niyang lumuwas sa kabihasnan.
Sa wakas ay natapos din ang kanyang bagong sanctuary. Kumportable siya dito, sa mga panahong ito ay bihirang magpakita ang haring araw na tila ba nakikisama sa kanya.
Hindi niya akalain na masusubkan niyang mangaso sa lugar na ito. Hating gabi noon at muling nagising ang kanyang pagka sabik sa dugo. Namumula ang kanyang mga mata at parang isang magic ay lumabas ang kanyang mga pangil. First time niyang makita ang sarili na mag transform bilang isang ganap na vampire. Dahil ngayon lamang siya nauhaw ng ganoon at wala nang laman ang kanyang supply.
Humarap siya sa malaking salamin, maliban sa kanyang pulang mata, mahahaba at matutulis na pangil ay wala namang masyadong ipinagbago sa kanyang mukha, dati namang mapula ang kanyang maninipis na labi. "Guwapo pa rin naman," usal niya sa sarili. Pakiramdam nga niya ay lalo siyang kumisig, bukod sa malakas,mabilis at matalas na pang amoy at pandinig ay kaya din niyang makita ang mga bagay bago ito mangyari.
Handa na siya, madilim ang paligid ngunit hindi iyon alintana ng gutom na mga ngipin ni Gabriel. Lumabas siya sa kanyang veranda at tumanaw sa malawak na kagubatan. At dahil nga nasa napakataas na bahagi ang villa ay tila siya isang hari na nakadungaw sa kanyang kaharian. Tumingin siya sa ibaba ng bangin, makapal ang kahoy ng kagubatang iyon siguradong may mga ligaw na hayop doon. Alam niyang wala sa abilidad niya ang lumipad ngunit kaya niyang kontrolin ang kanyang pagbagsak kung tatalon man siya. Kaya niyang bumagsak sa lupa ng walang ano mang ingay at bakas.
Maya-maya pa ay walang pagdadalawang isip na tumalon. Sa isang iglap ay nasa baba na siya, pinili niyang bumagsak sa likod ng isang malaking puno.
Nakita niya ang isang maliit na hayop, na palapit sa kanya, " 'pag sinuswerte ka nga naman," aniya sa sariling naka ngiti na animo ay naka jackpot sa lotto. Ngunit isa lamang itong fox, hindi sapat ang dugo nito para pantawid uhaw. Mabilis ang takbo nito na tila may humahabol. Mabilis niyang dinakma ang maliit na hayop at itinapat sa kanyang mukha, kulay berde ang mga mata nito at tila takot na takot na nakatingin sa kanyang mga mata. Nagtama ang kanilang paningin at tila may kakaiba siyang naramdaman nang mabasa sa mga mata nito ang pagsusumamo. Marami itong sugat na tila kalmot ng malaking hayop amoy niya ang mabangong dugo na nagmumula sa mga sugat nito ngunit bigla niya itong naihagis nang maramdaman ang parating na malaking hayop. Sinalubong niya ang isang malaking Lobo at sa lakas ng kanyang puwersa isang iglap lamang ay bitbit na niya ang malaking hayop.
Isinampay niya ito sa isang malaking sanga ng puno at doon ay pinatid ang uhaw na kanina pa nagpapahirap sa kanya. Akmang aalis na siya ay bumagsak ang isang katawan mula sa itaas ng punong iyon, mabuti na lamang at mabilis ang kanyang repleksyon bumagsak ito sa kanyang mga braso. Isang hubo't hubad na babae, marami itong sugat at wala itong malay. Nagtaka siya, "saang langit ka naman galing?" aniya sa sarili. Pinagmasdan niya ang babae, napaka kinis ng maputi nitong kutis, mahaba ang pula nitong buhok at kahit naka pikit ay makikitang napakaganda nito, "hulog ka ba ng langit?" pilyong ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.
"hindi ka siguro tinanggap sa langit sa sobrang ganda mo, madedemonyo ang kahit na sino'ng anghel sa'yo," wala sa loob na sambit niya saka ngumisi.