Chapter One (THE BEGINNING)

1326 Words
Georgina was busy tidying up the medical equipment when her superior came to tell the bad news. Her youngest sibling just passed away. A motorcycle accident? Hindi ito kaagad na nag sink in sa kaniyang isipan. Tama ba ang narinig niya? She was shocked and it seems her surroundings suddenly stop. Parang nag-e-echoes sa kaniyang tenga ang balita. Ramdam niya ang sakit na parang unti-unting pumipiga sa kaniyang puso. Ang mga magulang niya ang una niyang naisip. For her she can not accept it, how much more her elders? Hindi pa rin siya makagalaw at makapag-salita, totoo ba ang narinig niya? Wala na ang kapatid niyang pinakaiingat-ingatan ng pamilya nila? A tear escape from her eyes, isa, dalawa hanggang sa hindi na mabilang ang nag-uunahang bumabagsak sa kaniyang mga mata. She is crying but there was no sound. Sa araw ding 'yon ay bumiyahe siya ngunit hanggang sa kaniyang paglalakbay ay walang ampat ang kaniyang mga luha. Wala na siyang pakiaalam sa paligid kahit pinagtitinginan siya ng mga kasama sa loob ng eroplano. Pagkarating niya ng NIA ay may sumundo na sa kaniyang sasakyan pauwi sa kanilang bayan. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang kapatid niya. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng mapansin niya ang pag-ilaw ng kaniyang cellphone. Iniaangat niya ito at pinasadahan ang screen, mensahe ito galing sa kaniyang kuya sa kanilang group chat. Binuksan niya ito at laking pagkakamali niya ng makita ang laman nito. Larawan at video ito na kuha sa bangkay ng wala ng buhay nilang bunso. Isa siyang nurse normal na sa kaniya ang makakita ng mga ganito at mas higit pa nga pero iba pa rin pala talaga kung kapamilya mo ito. Muli ay naglandas na naman ang mga luha sa kaniyang mga pisngi. Pinigilan niya lang na mapahikbi. Tahimik siyang umiyak. Nakita niya ang malaking putok sa bandang kaliwa ng ulo ng kapatid, bahagya siyang napakunot ng noo dahil nag-iba ang pakiramdam niya. Alam niya ang mga klase ng sugat, aksidente man ito o sinadya. Hindi niya napigilang magtipa ng mensahe. George: Why is that wound in his head? You said kuya na aksidente, how come ang tama niya ay sa likod? Kuya: I dont't know. Anong ibig mong sabihin? Me: Look at his abrasions kuya, i'm sure he got that from the accident but the big open wound in his head? It's strange," kuya: So, you are saying that it is not an accident? Me: Yes. But, lets just talk pagdating ko diyan kuya. And she turned off her phone. Naging palaisipan sa kaniya ang mga nakita. Papaanong nagkaroon ng mga ganoong klase ng sugat ang kapatid niya? Hindi iyon sugat na gawa ng isang aksidente lang. Sa ilang taon niya ng paninilbihan bilang nurse ay marami na siyang nakitang namatay at mga naaksidente. Alam na alam niya kung my foul play na naganap. Sa loob ng ilang oras na biyahe ay hindi man lang siya dinalaw ng antok. Lutang na lutang ang kaniyang pakiramdam dahil sa dami ng bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan. Umaga na ng makarating sila sa kanilang probinsiya. Hindi muna siya dumeretsiyo sa kanilang bahay bagkus pinuntahan niya ang kaniyang kuya na nasa morgue na nag-aasikaso sa bangkay ng kanilang kapatid. Kaagad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ng kapatid. Niyakap niya ito pabalik. Inilalayan siya nito papasok sa loob para punahan ang kapatid na nilang inaayusan dahil mamaya lang ay iyuuwi na nila ito. Mabibigat ang hakbang niya habang papalapit sa kinaroroonan ng kapatid, pakiramdam niya ay bumibigat rin ang paghinga niya. Kung maari ay ayaw niya ng umiyak ngunit ng makita niya na ang nakabarong tagalog na nakahandusay na kapatid ay doon na nag-unahang pumatak ang mga luha niya. Naging malabo na ang paningin niya dahil sa kaniyang luha. Ilang beses siyang lumunok dahil sumasakit na ang kaniyang lalamunan sa pagpipigil na paghikbi. Naramdaman niya ang kamay ng kaniyang kuya na nakaakbay sa kaniya na pumisil sa kaniyang balikat. Nilapitan niya ang kabaong na nakabukas. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang nakahiga ay ang kanila ng bunso at pinakamamahal na kapatid. "I can't still believe that this is really happening, kuya." "Ako rin naman." Pinunas niya ng kaniyang mga kamay ang basa niya ng pisngi. Nakita niya ang taong nag-assist sa bangkay ng kaniyang kapatid. Ineksamina niya ang muka ng kaniyang kapatid. Kahit nalinisan na ito ay kita ang namamaga nitong pisngi, wala ni isang gasgas ang muka nito. Ayon sa sinabi ng kuya niya na ang sanhi ng pagkamatay nito ay ang malaking putok sa kanang bahagi ng ulo nito. Hindi na sila nagtagal pa para maiuwi ang kapatid. Naka-convoy sila sa service na ponirarya dahil dala ng kuya niya ang sarili nitong sasakyan. Sa daan ay isinalaysay sa kaniya ang nangyari. Ang sabi sa report na nakuha ng mga pulis ay naaksidente raw ito dahil lasing. Narinig niya na lahat ngunit hindi siya kumbinsido dahil may mga bagay siyang hindi maintindihan pinaniniwalaan. Gusto niyang magtanong ngunit pinigilan niya na lang ang kaniyang sarili dahil ayaw niya na maging palaisipan pa sa kaniyang pamilya ang nangyari. Masyado pang imosyonal ang lahat kaya isasantabi muna niya ito, ang importante sa kaniya ngayon ay ang kapakanan ng kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kalagayan ng kanilang ina. Napuno ng iyakan at hinagpis ang bahay nila ng dumating siya at maibaba ang bangkay ng kanilang bunso. Bumuhos ang emosyon sa lahat ng naroon. Nang makita niya ang kaniyang mama na umiiyak na ay kaagad niyang dinaluhan ito sa pag-aalalang mawalan ito ng malay. Alam ng lahat na may karamdaman ito kaya hindi nila maaring hindi ito bantayan. Mahigpit silang magkayakap ng kaniyang mama at humahagulgol ito sa pag-iyak, alam niya na hindi nito matatanggap ang maagang pagkawala ng bunso at pinakamamahal nitong anak. Paano pa kaya kung malaman nito na hindi ito namatay sa aksidente? Hinagod niya ang likod ng ina at pilit pinapakalma. Nakaantabay naman ang papa nila na tahimik ring umiiyak sa kanilang tabi. Ito ang unang beses niyang makita ang kaniyang mga magulang na masaktan at umiyak ng ganito. "Bakit!? Bakit... anak? Napakaaga mo kaming iniwan..." malakas na palahaw ng kanilang mama. "Napakabat mo pa... ang dami mong pangarap, anak... Paano pa matutupad iyon..." Ilang beses pa itong nagsalita at malakas na umiyak hanggang sa nawalan ito ng malay. Nataranta at nabahala ang lahat, mabilis nila pinaypayan at binigyan ng hangin ang ina. Kinarga nila ito kasama ang kaniyang kuya at dinala sa loob ng kwarto para magkaroon ng kaginhawaan. Maayos na ihiniga ito sa kama kinalas at hinubad niya ang damit ng ina upang makahinga ito ng maayos. Sinuri niya ang pulso at t***k ng puso nito. Mabilis ito dahil sa pinagdadaanan kaya nababahala siya dahil may sakit pa ito sa puso. Kailangan niyang bantayan ang kalusugan nito. Hindi niya na kaya pang mawalan pa ng isang meyembro ng kanilang pamilya. Nagpaalam ang kaniyang kuya na lalaban na muna upang tumulong sa mga staff ng Funeral homes. "Okay lang ba ang mama mo, anak?" nag-aalalang tanong ng ama. Tinignan niya ang ama. "Yes, pa. Hayaan lang muna natin si mama na magpahinga. Dala lang ito ng pinag-dadaanan niya ngayon." "Kahapon pa umiiyak ang mama niyo anak," pagpapabatid ng ama. Bakas sa muka at mga mata nito ang lungkot at pagdadalamhati. Doble ang sakit sa kaniya na makitang ganito ang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Lumapit ang kaniyang papa sa kaniya at niyakap siyang mahigpit. Hindi niya na napigilang umiyak at mapahikbi. Magkasabay naumalog ang kanilang mga balikat dahil sa sobrang bigat nang emosyon na naipon sa kanilang dibdib. Nag-ngangalit ang kaniyang mga ngipin sa pagpipigil ng pag-iyak. Basa na rin ang kaniyang suot na puting t-shirt dahil sa kaniyang mga luha. Alam niyang hindi maganda ang kaniyang iniisip. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na pagkatapos ng libing ng kapatid ay mag-iimbistiga siya. Sa ngayon ay dadamayan muna niya ang kaniyang pamilya. Mananagot ang dapat managot sa oras na mapatunayan niya ang kaniyang hinala.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD