bc

HER COLD REVENGE

book_age18+
32
FOLLOW
1K
READ
revenge
kickass heroine
twisted
bxg
mystery
small town
crime
nurse
brutal
like
intro-logo
Blurb

Georgina Hope is a calm, timid, simple and unpretentious army nurse. Until one day. Shocking news will change her into a fearless and dangerous woman.

Her youngest brother was killed by anonymous people. The police who investigate the case declared it was an accident but there were no signs of crushing injuries. Instead, they found a broken arm, shoulder and a big wound on his head that caused his death.

She swore to his brothers grave to destroy all the people who is behind his brutal death. She will do everything even she will sacrifice herself to marry the one who broke her heart 4 years ago.

And that person is no other than his ex, the Mayor, soon to be her husband and the MASTERMIND.

Does the love of her husband mend her broken soul? Can she find forgiveness in her heart? Or she will continue her plan to obtain the justice she desires for her brother.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isa pong kapapasok na balita! May isang bangkay ang natagpuan na palutang-lutang sa Carmona River at pinaghihinalaan na ito ang may-ari ng motorsiklong sumalpok sa barrier ng tulay sa Villia Sitio nitong nakaraang araw. Kamakaylan ay nakita ang motorsiklo na wasak ang harapan na nakasadsad sa gilid ng tulay ngunit pinaghihinalaang tumilapon ang driver nito. Sa nakuhang impormasyon ng 97.9 Brigada News FM Carmona kinilala ang biktima na nasawing si Brandon Santiago, may asawa na residente ng Purok 3, Sitio Villa. Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Carmona Police Station, nanggaling si Santiago sa isang inuman sa isang kaibigan nito sa Sta. Ana ang nasabi ng mga nakasama nito ay pinilit nitong umuwi kahit ito ay lasing na. At dahil dito ay nawalan ito ng kontrol sa manubela at sumalpok sa barrier at tumilapon sa ilog. Ayon sa mga nakakita sa bangkay ay palutang-lutang ito at halos hindi na makilala dahil sa natamong matinding sugat sa ulo at muka. Napangiti si Georgina sa narinig na balita. Ngunit itinago niya ito upang hindi makita ng mga kasama niyang nakaupo sa kanilang teresa. Kadarating niya lang kagabi at masayang nakikipag-kwentohan sa kaniyang pamilya habang nakikinig ng balita sa radyo. Pilit nilang kinakaya ang kanilang pinagdadaanan kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakausad ang pamilya nila. Nakaramdam siya ng saya at satisfaction sa una niyang misyon. Sino ba naman ang mabubuhay sa malakas na hampas ng dos por dos sa muka pagkatapos nitong sumemplang sa barrier at nalunod marahil sa ilog ng ihulog niya ito? Kahit sino ay aakalaing aksidente ang nangyari. Walang mag-aakalang pinatay ito. Muli ay nanumbalik ang sakit na nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Ganitong-ganito ang pinalabas nilang nangyari sa bunsong kapatid niya pitong buwan na ang nakararaan. Mabuti na lang at wala ang mama niya dahil nasa silid nila ito kasama ang mga dalawang apo at manugang. Naka bed rest ang mama niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makausad sa nangyari sa kanilang bunso at may karamdaman ito. Naging matamlay na rin ito at hindi naglalabas ng bahay simula ng mailibing ang kapatid niya. "Iyan na nga ang sinasabi ko. Kaya ikaw Geoffrey 'wag magmamaneho ng nakainom, tiganan mo ang nangyari sa taong 'yan," sabi ng papa nila sa kaniyang kuya. Bilib talaga siya sa kaniyang ama sa pagiging mahinahon nito kahit nasa sitwasyong hindi na kanais-nais. Marahil namana niya ang ugali nito. Napangisi naman ang kuya niya ng makahulugan. "Hindi naman po ako ganyan, pa. Mabait po akong tao at patawarin ako ng ama dapat lang sa kaniya 'yan dahil mayabang ang taong 'yan," sabi nito. Ayon sa kaniyang mga naririnig ay talagang mayabang ang taong 'yon sa kanilang lugar, sa katunayan ay sakit ito ng ulo pero walang naglalakas loob na suplahin ito. Kaya tama lang ang ginawa niya ngayon ay tapos na ang maliligayang araw nito at wala ng mapepermiso. "Mga anak. Mag-iingat kayo, lalo ka na Georgina dahil hindi pa natin alam ang totoong nangyari sa kapatid niyo. Kung ano ang totoo nilang motibo." Alam ko na pa, nais niyang isatinig. Alam niya kung bakit ganito ang sinasabi ng ama, kilala siya ng mga ito bilang tahimik, mahinhin at laging hindi naimik. Akala ng mga ito ay isa siyang hindi makabasag pinggan, pero mali sila. Hindi niya naman masisi ang mga ito dahil pinalaki siyang ganon at nag-iisa pang babae sa pamilya nila. "Opo, papa. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Palagi naman po akong nag-iingat," sagot niya. Umakbay ito sa kaniya. "Dapat lang anak. Hindi na namin kakayanin ng mama niyo kung isa pa sa inyo ay mawala." "Hindi ka na talaga babalik sa trabaho mo kapatid?" tanong ng kuya niya. "Nakapag-paalam na ako kuya. Aalagaan ko na lang muna si mama, mas kailangan ako dito." "Mainam naman anak kung 'yan ang disisyon mo. At 'yan din naman ang gusto ng mama mo, lagi na lang nag-aalala ang mama mo sa tuwing nasa battle field ka. At isa pa ay gusto ng mama niyo ang magkakasama tayong lahat. Sana ay unti-unting matanggap ng mama niyo ang pagkawala ng bunso natin," malungkot na pahayag ng kanilang ama. "Hindi bale pa at nagsimula na ang karma nila. Hindi na nila matatakasan ang nagawa nila kay bunso," makahulugang sabi ng kuya niya. "Alam ko anak at umaasa rin ako na sana ay hindi na ito maulit sa kahit kaninong pamilya dahil napakasakit... Kung may sapat lang sana tayong ibedensiya," pabuntong hiningang sinabi ng ama. Tahimik lang siya pero maraming bagay na ang naiisip niyang gawin, hindi niya hahayaang walang mangyari. Hindi siya titigil hanggat hindi nakakaganti sa mga taong pumatay sa kaniyang kapatid. Kahit pa ang mabahiran ng dugo ang sarili niyang mga kamay ng paulit-ulit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

It Was Always You (book 2)

read
15.1K
bc

Deadly Mafia Bonds

read
20.5K
bc

The Alpha Assassin

read
54.2K
bc

Billionaire's Wrong Bride

read
943.5K
bc

Vengeance is Mine

read
5.1K
bc

The Billionaire's Private Nurse

read
63.3K
bc

Alpha King Mysterious Mate

read
11.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook