Matapos ang yakapan ay nag-aya na si Christian na pumasok na kami sa loob ng bahay. Ang kwento pa nila ay naghanda sila para sa pagbabalik ko. Nasabi raw kasi ni Fred kahapon na uuwi na ako kaya naman pinaghanda talaga nila itong araw na ito. Masaya ako dahil hindi ko akalain na ganito ang sasalubong sa akin. Ilang taon akong nangulila sa pamilya pero ngayon, muli kong naramdaman ang pagmamahal galing sa kanila. Muling nanumbalik sa akin yung saya na kasama mo ang pamilya at walang problema. Nauunang naglalakad si Nanay at nakaalay sa kanya si Christian habang kami naman ni Chrsitina ay nasa likuran. Si Crisha naman ay nauna nang pumasok at may kasamang batang lalaki na hindi ko kilala. Nanlaki ang mata ko nang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Christina na kapatid ko na ngayo

