2 years after... Dalawang taon na ang nakalipas simula nang magkita at magkausap kami ni Fred. Ni isang impormasyon ay wala akong narinig pa tungkol sa kanya peeo hiling ko na sana ay nasa mabuting kalagayan siya. Kinabukasna nang mangyari ang lahat, ang oagalis ni Fred ay doon ko lahat nalaman ang paghihirap ni Fred. Totoo nga ang sinabi ni Pat na nasasaktan din si Fred tulad ko. Ikwinento sa akin ng mga kapatid ko at pati na rin ni Pat ang nangyari kay Fred noong umalis ako. Sa pamamagitan noon ay nalaman ko kung bakit naggawa ni Fred na subukang patayin ang sarili niya. Noong umalis ako ay alam ni Fred na buntis ako at si Pat ang nagsabi. Sinubukan daw akong lapitan ni Fred pero pinigilan siya ni Pat. Sinububukan ako ni Fred na hanapin pero hindi niya ako natagpuan hanggang sa nalam

