Noong isang araw, kahapon at hanggang ngayon ay hindi ako mapakali ngayong nandito na si Fred. Palagi kong naiisip na anong gagawin at sasabihin kapag nagkita kami ulit dito sa loob ng school. Nitong mga nakaraan naman ay nagtataka ako kay Crisha dahil sobrang saya niya. Hindi naman sa kung ano pero may iba akong nararamdaman sa kanya. Iba kasi iyong saya na nararamdaman niya kumpara noon. Nandito ako ngayon sa faculty at may inaayos na kakailanganin para sa pagtuturo mamayang hapon. Kakatapos ko lang na magtanghalian at napagpasyahan ko na dumiretso dito. Inilibot ko ang paningin ako sa paligid at may ilang mga teacher din na naririto at busy katulad ko. Agad naman nakuha ng atenyson ang pagbukas ng pintuan dito sa faculty room. Narinig ko ang tawanan at ang kwentuhan ng dalawang teach

