CHAPTER 38: MARUPOK

1108 Words

Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakailang gulong na lang ako dito sa kama pero hanggang ngayon ay kinikilig ako. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ko kanina si Fred. Akala ko ay nananaginip lang ako pero totoo pala. Naupo ako sa kama at hinawakan ang dalawang pisngi at alam kong namunula iyon at ramdam ko ang paginit nito sa tuwing maalala ang nangyari kanina. Bumangon ako at napagpasyahan na bumaba para uminom ng tubig. Nang makababa ay naabutan kong naroon si nanay na mukhang iinom din ng tubig. "Nay bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya at kumuha ng baso at tumabi sa kanya. "Alam kong mahal mahal mo pa siya." sabi ni nanay at hindi ko alam kung bakit niya iyon binaggit. Nagkunwari ako na hindi alam ang sinasabi ni nanay at hindi narinig iyon. Nagsalin ako ng tubi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD