SIMULA
Maaga akong nagising para pumasok sa aking trabaho ngunit heto ako ngayon naiipit sa traffic dahil sa banggaan kanina, naku ate marami ang nadamay sa banggaan saad ng aking kapatid na si mia.
Yan ang nangyayari kapag hindi ganon kaingat ang mga driver sagot ko dito upang matahimik .
Nagsimula ng umusad ang traffic dahil naalis na sa daanan ang mga pasyente nang muntik na akong maka bangga ng ale.
Bumaba ako agad para tignan ang matandang babae
nang maka lapit ako ay nakahinga ako ng maluwag dahil mukang hindi naman sya nasaktan
tinanong ko ito kung may masakit ng ako ay maka lapit ,hindi kumibo ang ale
madami nang tao kaya tinulungan ko na itong itayo at humugot ako ng isang libo sa aking pitaka upang iabot dito at saka umalis
***
Tanghalian na ngunit ako ay lutang pa din dahil sa kakaisip sa aking muntik nang mabangga kanina,tulala ako ng bigla akong siniko ni michael "dai mahal ka non" saad nito ,natawa na lamang ako sapagkat pagkatapos nya itong sabihin ay umalis na ito ng may kasama pang pag kembot ,si michael ay isang parte ng l***q kaya masarap kasama dahil lagi kang hahalaklak pag ito ay iyong kausap.
Ako nga pala ay nag tatrabaho sa isang kumpanya na gumagawa ng mga damit.
PIA ANGELA MERCADO! sigaw ng kunsino kaya ako ay napalingon sa pinanggalingan ng tunog at ng ako ay maka harap na ay nakilala ko kaagad ku sino ang tumawag ito pala ang aming supervisor na ubod ng sungit minsan naiisip ko na baka wala itong kasintahan kaya laging highblood natawa na lamang ako dahil sa kung ano ano na ang iniisip ko.
Nang ako na ay maka lapit gaya ng dati ay tinaasan nanaman ako nito ng kilay "tss tataasan mo ko ng kilay eh drawing lang naman yung iyo" sabi sa aking sarili
MA'AM ano po iyon?tanong ko sa aming supervisor, GO TO MY OFFICE RIGHT NOW MS.MERCADO puno ng otoridad na sabi nito kaya naman ay sumunod ako kaagad.
Ms.Mercado your going to ormoc this weekend, mayroong magaganap na bigayan para sa mga mahihirap.
Pag katapos nitong sabihin ang mga yon ay umalis na din ako para ipag patuloy ang ginagawa.
Pag kabalik ko sa aking mesa ay tinignan ko na agad ang aking schedule kung may mga gagawin ba ako para maipagpaliban ko na muna ang mga ito at gagawin na lamang pag balik.
Nakita ko na birthday na ni mama sa linggo kaya nag isip na ako kaagad kung paano namin ito maipag didiwang dahil mayroon nga akong pupuntahan.
Nang maka uwe gaya ng kadalasan kong ginagawa ay nag mano na ako kay mama at papa ,kamusta araw mo nak tanong ni papa , madami akong na kwento tulad na lamang nang muntik na akong maka bangga kaya naman heto ako ngayon nilalasap ang sermon.
Sa susunod anak mag iingat ka lalo na't baka maka sakit o masaktan ka galit na sabi ni papa,buti na lamang at andito si mama para kahit papaano ay may mag papakalma kay papa.
Oh sya mahal mamaya mo na ituloy yang pag sermon kay piyaya kumain na muna tayo,maaaaaa pia po piyaya kayo ng piyaya eh di na po ako bata sabi ko kay mama upang papatigil ito sa pang aasar, naku naku kahit mag ka apo pa ako sayo ikaw pa din ang baby piyaya ko saad ng aking ina.
Kumakain na kami ng dumating si mia ,oh mia sumabay ka na sa amin,gaya ng dati sinabi nanaman nyang busog sya ,di nalang kase sabihing galet sya kay papa , may galit pa din si mia kay papa dahil noon ay nahuli namin itong may ibang babae kaya naman siguro ay nagtanim ito ng galit,lagi naman na itong di sumasabay sa amin kaya nasanay nalang kami.
Nang matapos ay pumunta na ako sa akong kwarto para maligo at magpahinga.
Habang naliligo ay inalala ko ang matandang muntik ko ng mabangga "sana pala ay di na lamang ako nagbigay ng pera may babayadan pa pala ako"sabi ko na lamang sa aking sarili.
Tapos na akong maligo at ako na ay nakahiga na ng ako ay maka tulog.
Nagising ako sa panaginip na nakakatakot ,ako daw ay na r**e at pinatay kaya naman ganoon na lamang kalakas ang kabog ng aking dibdib sa sobrang kaba.
Babalik na sana ako sa pagtulog ng makita kong 4 am na pala kaya naman ay nagpalit na ako ng damit pang jogging.
Nag suot lamang ako ng leggings at sports bra para comfortable sa pag takbo,hindi pa ako nakakalayo sa aming tahanan ng mapansin kong lumabas ng bahay si papa.
sinundan ko ito at nakitang sumakay sa isang sasakyan na naka tigil hindi kalayuan sa aming bahay.
Nang makalapit ako ng kaunti ay naaninag ko na babae ang nag mamaneho.