ASIAA C7 STELLA POV “Ano’ng kailangan mo?” kunot-noo kong tanong sa lalaking kanina ko pa napapansin na sumusunod sa akin. Napatingin naman ako sa kanyang kamay nang iabot niya sa akin ang isang tshirt. “Ano ‘yan?” “Isuot mo, nakaka-ilang kasi ‘yang itsura mo, tinititigan ka nang mga lalaki.” Napayuko ako at doon lang ako nakaramdam nang hiya dahil sa kanyang sinabi. Hinablot ko naman sa kanyang kamay ang hawak niyang tshirt at mabilis akong tumakbo sa restroom. “Kainis, nakalimutan ko tuloy na basa pala ‘yong damit ko.” Namilog naman ang aking mga mata dahil paglabas ko sa restroom ay nando’n pa rin ang lalaking nagbigay sa akin ng tshirt. “Bakit ka sumunod dito? Siguro sinisilipan mo ako no?” Napakamot naman siya sa kanyang ulo dahil sa aking sinabi. Napatingin din ako sa kanyan

