Chapter 6

1656 Words
ASIAA C6 STELLA POV “Stella!” Napalingon ako sa pinto nang marinig ang tawag ni Sharon. Tumayo ako at binuksan ang pinto. “Bakit?” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Hinahanap ka ni Madam Dinah,” “Bakit daw?” “Aba! Stella, bakit ka nagtatanong? Malamang may i-utos sa ‘yo?” Napahinga ako nang malalim habang tinalikuran ako ni Sharon. Hindi ko rin maiwasang mapahawak sa aking noo dahil nakalimutan kong katulong lang pala ako rito. “Stella, kumain ka na ba?” lalong kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Dinah. Hindi ko kasi mapigilang mainis habang nakikita siya lalo na kapag nakangiti siya sa akin. “Sino siya?” rinig ko namang tanong nang babaeng katabi niya, habang lumapit ako sa may pader at sumandal. Iniwasan ko ring tingnan si Ella, dahil inis na inis ako sa kanya. “Katulong namin Tita.” Nag-angat ako nang aking mukha at tumingin kay Ella. Nilakihan pa niya ako nang kanyang mga mata nang magsalubong ang mga paningin namin. Nagyuko akong muli nang aking mukha habang pinipigilan ang aking mga luha na bumagsak. Hindi man lang nila ako kayang angkinin na anak, kahit si Victor. Pero ayos lang ‘yon ayoko rin sila na maging mga magulang. “Hey.” Napalingon ako at nakita si Eros. Tumingin din ako sa paligid at tiningnan kung sino ang tinatawag niya. Nang mapansin na wala namang ibang tao kun’di ako lang ay tinuro ko sa aking daliri ang aking sarili. Tumango naman siya at suminyas na lumapit ako, pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagpasok sa kusina. “Stella, kumain ka na, ito oh may binigay na pagkain si Sir. Victor, para sa ‘yo raw ‘yan.” Kinuha ko ang plato na inabot sa akin ni Manang at naglakad malapit sa may trash can. Inapakan ko ito para bumukas at tinapon ang pagkain na hawak ko. Narinig ko naman ang pagsinghap nang mga kasamahan ko dahil sa ginawa ko, ngunit ang hindi ko inasahan ang makita si Eros na nakatingin sa akin. “Bakit mo ‘yon tinapon? ‘di mo ba alam na marami ang mga taong nagugutom, tapos ikaw…ikaw na katulong lang.” Hindi ko siya pinansin habang kumuha ako ng tubig. “Hey! Alam mo kanina ka pa?” Walang emosyon akong tumingin sa kanya dahil naiingayan na ako sa kanya. “Ang ingay mo.” Ani ko habang tinalikuran siya, pero napahinto ako at napatingin sa aking braso nang hawakan niya ako nang mahigpit. “Bitawan mo ako,” madiin kong wika habang tinitingnan siya. “Alam mo, masyado kang matapang, kung umasta ka daig mo pa ang may-ari nitong bahay.” Lalo akong nainis sa sarili ko nang marinig ang sinabi niya. Ano ka ba Stella, tama na kasi ang pagiging mataas mo, alam mo naman na katulong ka lang dito. “Bitawan mo ako, wala kang karapatang hawakan ako, baka nakalimutan mo rin, hindi ikaw ang nagpapasahod sa akin dito baka nakalimutan mo?” Taas kilay kong wika sa kanya habang tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha nang pinagpagan ko ang braso ko na kanyang hinawakan. “Baka mahawaan mo ako,” “What?!” Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran ko na lang. wala akong balak makipag-away sa kanya. gwapo lang pala ‘yon, pero bakla naman. Muli akong humiga sa kama at nakatingin lang sa dingding. Kailangan kong makaisip nang paraan para maka-alis dito, dahil habang nandidito ako ay lalo lang akong masasaktan. Naisipan kong tumayo at pumunta sa kusina, tumunog na kasi ang aking t’yan at mukhang ‘di ako makakatulog kapag hindi ko ito lagyan ng pagkain. NANG makababa ako ay napatingin ako sa paligid. Mukhang naka-uwi na ang kanilang mga bisita dahil tahimik na ang buong bahay. Papasok na sana ako sa kusina pero nakita ko ‘yong Eros sa may garahe. Nag-uusap sila ni Ella at nakatalikod sa kotse. Napangiti naman ako nang magkaroon ako ng idea paano makatakas sa bahay na ‘to. Agad akong dumaan sa likuran papunta sa garahe. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse at mabilis akong napatakip sa aking bibig ng bumukas ito. Sa wakas makakalaya na ako sa bahay na ‘to at hindi na muling babalik pa. Mabilis akong nagtago sa back seat, habang hindi pa rin maalis sa aking labi ang ngiti. Bahala na kung saan ako makarating basta ‘wag lang dito sa pamamahay nila. Tinakpan kong muli ang aking bibig nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kotse. “Bye, please take care.” Ginaya ko naman ang sinasabi ni Ella habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking bibig. “I will, thanks,” hmm, akala naman nila bagay sila. “Baba,” halos pinigilan ko ang aking paghinga nang marinig ko ang sinabi ni Eros. s-sino ba ang sinabihan niya? hindi naman siguro ako dahil hindi niya naman ako nakita kanina. “Ang lakas naman nang loob mong sumakay sa kotse ko? baka mahawaan ka?” kainis ako pala ang sinabihan niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ahhh! Kainis paano niya ba ako nakita? “Stella,” napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Victor. “Sir?” sagot ko sa kanya habang hindi ko pa rin siya nilingon. “’Wag mo nang balakin na umalis.” Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Paano….paano niya nalaman ang balak kong pagtakas? “Gusto mo bang mapahamak si Emily?” Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa kanyang sinabi. “’Wag na ‘wag mong saktan ang Nanay ko?!” hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa galit ko sa kanya. “Dad, anong nangyari rito?” Tinalikuran ko sila nang makita ko si Ella na lumapit kay Victor. wala akong paki-alam kong ano ang iisipin niya. KINABUKASAN ay hindi ko mapigilang magtaka nang makita ang isang lalaki na nakatayo kasama nong driver ko. Alam kong nagtataka rin ang ibang katulong dahil may driver akong taga hatid at sundo ko. “Tara na po.” Ani ko habang binuksan ang pinto sa front seat. “Stella, sa likod ka na,” taka akong napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “Bakit po?” “Si Gerry na d’yan.” Tumango ako sa kanya at binuksan ang back seat. Siguro hindi na sila magtataka dahil may iba na akong kasama sa kotse. “Nag-aaral ka rin ba do’n?” tanong ko nang maka-upo siya sa front seat. “Hindi,” “Bakit ka sumama?” “May ipapabili kasi sa amin si Sir Victor.” Napatango naman ako dahil sa sinabi ni Manong. Tsk…akala ko pa naman nag-aaral din siya kasi mukha pa siyang bata. Nang makarating ako sa university ay agad na akong dumiritso sa class room ko. Napahinto ako nang makapasok dahil nakita kong si Ella na ang naka-upo sa aking upuan. Lumingon naman ako sa paligid at naghahanap ng pwede kong maupu-an dahil wala akong balak na makipag-away muna sa kanya. kailangan ko kasing pag-isipan kung paano ako makakalayas sa bahay nila. Napapikit ako nang aking mga mata nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumaloy sa aking katawan. Napahilamos ako habang naririnig ang kanilang tawanan. “’Yan ang nababagay sa ‘yo.” Maarte niyang wika habang pina-ikot-ikot ang kanyang daliri sa kanyang buhok. Tumayo naman ako habang kinuha ang aking tumbler. “’Paano ba ‘yan, parehas na tayo?” Ani ko matapos ko siyang buhusan din nang tubig. Napasinghap naman ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. “Ano’ng ginawa mo?!” Napadaing ako nang matumba ako at tumama ang aking likod sa upuan. Nag-angat ako nang aking mukha at nakita ang galit na mukha ni Eros. “Sumosobra ka na, ang yabang mo.” Napadaing akong muli nang tadyakan niya ako. sa sobrang inis ko sa ginawa niyang pananakit sa akin ay kinuha ko ang isang upuan at binato sa kanya. “Ang kapal nang mukha mo wala kang karapatan saktan ako! hayop kayo!!” Sigaw ko habang muli ko siyang binato nag mga upuan. Inis…poot at galit ang nararamdaman ko sa kanila. pare-parehas lang silang lahat! “Tama na ‘yan Dela Cruz!” Hindi ako makagalaw nang mahigpit na hinawakan ang aking dalawang braso ng guard. “Bitawan niy-.” Napabaling ang aking mukha nang malakas akong sampalin ni Ella. “How dare you to do that to me,” “Tama na ‘yan.” Hinila ako nang guard palabas sa classroom namin, habang pinagtatawanan ako nang mga kaklase namin. “Bakit mo ginawa ‘yon?” hindi ako sumagot at nagyuko lang. ayokong makipag-usap nang kahit na sino, dahil silang lahat…silang lahat ay kinasusuklaman ko. “Miss. Stella Garcia.” Napa-angat ako nang mukha dahil sa sinabi niya. “A-ano? A-anong sabi mo?” “I mean Miss. Stella Dela Cruz, hindi mo dapat ginawa ‘yon,” “Ang alin? Sino ka ba? alam mo ba ang sinasabi mo? Nandu’n ka ba?!” hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko wala akong paki-alam kung sino pa siya, kahit princepal pa siya rito. “Enough!!” Napalingon ako nang marinig ang sigaw mula sa pinto. Bakas naman sa kanyang mukha ang galit habang papasok ito at lumapit sa misa. “Mr. Garcia, humihingi po ako nang paumanhin dahil sa nangyari,” “Paumanhin? Tingnan mo ang itsura niya?!” “Anak niyo po ang may gawa niyan.” Nag-angat ako nang mukha at nakita si Victor na hapahawak sa kanyang noo. Alam ko…alam ko na hindi niyo ako kayang ipagtanggol….lalo na kapag si Ella ang involve. Tumayo ako at walang paalam na iniwan sila sa loob. Mas mabuti pang lumayo muna kaysa marinig ang sasabihin ni Victor dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan kung marinig ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD