C5 ASIAA
Inagahan ko ang pagpunta nang university para hindi ko makita si Dinah at Victor. Mabuti na lang din at gising na si Mang Saldo at hinatid ako sa university na papasukan ko. hindi ko pa kasi kabisado ang daan dahil unang araw ko pa lang ito.
Mabuti na lang din at mababait ang mga estudyante rito at itinuro sa akin ang classroom ko.
“Hey you!” Napalingon ako nang marinig ang isang boses nang lalaki. Nailing naman ako nang maalala siya. siya lang naman ang lalaking tinadyakan ko do’n sa books store. Hindi ko naman mapigilang magtaka nang mapansin na pa rang tanga ang ibang students kakatitig sa mokong na ‘to.
“Ano?” Kunot-noo ko namang tanong sa kanya habang bumalik sa pag-subsob sa aking upuan. Kailangan ko kasing makahanap nang trabaho para hindi ako aasa sa pera nila. Gusto ko rin sana na lumipat nang paaralan dahil ayoko na may maisumbat sila sa akin.
“Eros!” kahit hindi ko nakita ay kilalang-kila ko ang boses ni Ella. Tsk bakit ba nandito rin siya? ‘wag niyang sabihin na magka-klase kami? Tsk.
“Hey, hi,” Kinuha ko naman ang earphone ko at nilagay ito sa aking tainga. Naiingayan kasi ako sa kanila at ayoko si lang marinig.
Ngunit nag-angat ako nang tingin at napahawak sa aking ulo dahil may bumato sa akin. tinanggal ko naman ang aking earphone kaya naririnig ko ang malakas na tawanan nang mga kaklase ko.
“Miss. Dela Cruz!” sigaw nang panot na nasa harapan namin. Napatingin naman ako sa binato niya sa akin at nakitang marker pala ito. Inis naman akong tumayo nang mapulot ko ito.
“Wala kang karapatang batauhin ako.” Ani ko sabay bato rin nito sa kanya, pero hindi ko siya tinamaan kawawa naman baka iiyak. Kinuha ko naman ang aking bag at walang imik na lumabas nang classroom. Kung ganun naman lang din ‘yong professor, mas mabuti pang ‘di na lang ako papasok.
Naisipan ko naman ang pumunta na lang sa library at doon matulog wala na kasi akong gana na pumasok pa.
HINDI ko mapigilang magulat nang makitang ako na lang ang mag-isa ang narito sa loob nang library agad ko namang kinuha ang aking bag at lumabas. Mabuti na lang at nandito pa ang librarian.
“Ikaw na naman?” kunot-noong wika nang lalaking nabangga ko. nang makita ko naman ang kanyang mukha ay hindi ko mapigilang mainis dahil ito na naman ang lalaking nakabangga ko.
“Sorry na, kailangan ko lan.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko at bigla ko na lang siyang hinila. Agad akong nagtago sa kanyang likod dahil nakikita ko ang panot na professor kanina. Lagot ako.
“Teka lang! ano ba ‘yang ginagawa mo?” Hindi ko naman siya pinakinggan at mas hinila pa ang kanyang damit.
Nang makalampas na ang professor sa harapan namin ay agad ko na siyang binitawan. Pero namilog ang aking mga mata nang makitang napunit ang harapan nang kanyang damit.
Galit na galit naman siyang tumingin sa akin at mukhang sasabog na siya sag alit dahil umuusok na pati ang kanyang ilong.
“ID mo.”
“Wala pa ako nu’n ‘di mo ba alam bago pa lang ako rito?” balewala ko namang tanong sa kanya.
“Ibigay mo na sa akin kung ayaw mong ipapapulis kita!” Inis naman akong napalingon sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Bakit mo naman gagawin ‘yon? Ano naman ang nagawa kong kasalanan sa ‘yo?” Galit ko namang wika. Kaya lalong umusok ang kanyang ilong. Tsk gwapo sana kaso malaki lang ang butas nang kanyang ilong.
“Stella!” Agad akong napalingon at nakita si Mang Saldo. Agad naman akong tumakbo patungo sa kanya dahil baka totohanin nong lalaking nakabangga ko ang sinasabi niya.
“Kanina pa kita hinahanap, tinawagan na rin nina Madam ang adviser mo pero hindi ka raw pumasok.” wika ni Mang Saldo habang binaybay namin ang daan pauwi.
“Nakatulog po ako,” balewala ko namang sagot sa kanya.
NANG makarating kami sa mansion ay hindi ko maiwasang mapatingin sa loob dahil sa dami nang ilaw na nakabukas.
“Ano’ng meron?” Tanong ko naman kay Mang Saldo nang bumaba kami.
“May bisita kasi sila ngayon, ‘yong mapapangasawa ni Ma’am Ella,”
“Ang bata pa niya para mag-asawa,” Iling ko namang wika habang iniwan si Mang Saldo at pumasok sa maids quarter.
“Naku Stella, mabuti at dumating ka na, alam mo ba na kanina pa mainit ang ulo ni Madam dahil hinahanap ka,” Wika naman nang isang katulong nang makapasok ako sa kusina. Kailangan ko na kasing magtrabaho at tulongan sila dahil ‘yon ang dapat kung gawin bilang katulong.
“Ito, dalhin mo ‘yan sa loob,” Utos niya habang inabot sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. Agad ko naman itong inabot at pumason na sa dining area.
Narinig ko naman agad ang masaya ni lang tawanan habang nag-uumpisa nang kumain. Nang mailangay ko na ang pagkaing dala ko sa tray ay agad na akong tumayo sa tabi katulad nang mga kasamahan ko.
“You know what you did our new maid Mom,” Napa-angat ako nang tingin at saktong nagkasalubong ang mga mata namin nang lalaking nakabangga ko.
“That’s enough Ella,” saway naman sa kanya ni Sir Victor.
“Alam mo ba balae, excited na talaga ako na makasal na si Eros at Ella, naalala ko pa talaga noon no’ng mga buntis pa lang tayo at pinagpla-planohan ang kasal nila kahit nasa tyan pa lang natin si lang dalawa,” hindi ko naman mapigilang masaktan nang marinig ang sinabi nang babaeng kaharap nila. Ikakasal? E-Eros, Eros pala ang pangalan niya?
D-dapat pala kami ang ikakasal at hindi sila. Hindi ko naman mapigilan ang aking mga luha na bumagsak kaya lihim ko itong pinupunasan.
Bakit ba lahat na lang ipinagkait sa akin? bakit ba lahat na lang napunta kay Ella? Hindi ba niya alam na akin ang lahat nang ‘yan? Na pati si Eros ay akin simula pa lang.
“Stella, ayos ka lang ba?” Bulong naman sa akin ni Marie, kaya umiling ako sa kanya.
“Sumama kasi ang pakiramdam ko,” pagsisinungaling ko naman sa kanya dahil hindi ko na kaya ang sakit habang naririnig ko sila.
“Sige magpahinga ka na lang kami na lang dito,” Agad naman akong umalis dahil hindi ko alam bakit apektado ako sa kanila.