C4 ASIAA
“Daddy, ‘di ba maid lang siya? pero bakit doon n’yo siya balak pag-aralin sa pinapasukan kong paaralan?” ‘di ko naman mapigilang mapa-ismid habang naririnig ang sinasabi ni Ella.
“Mas mabuti kung magkasama kayo Ella,”
“Pero Dad,”
“Tama na ‘yan Ella, sige na kumain ka na,” Nag-angat naman ako nang mukha at tumingin sa kanila habang kumakain. ‘di ko alam pero nakakaramdam ako nang selos dahil sa pagmamahal na ibinigay nila kay Ella, samantalang ako? ako na tunay ni lang anak ay basta na lang nila itinapon na pa rang basura.
Dahil ba pangit ako? maganda naman ako ah! Sabi ni Mama ang ganda-ganda ko. lagi nga akong muse sa school namin.
“Stella,” Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ng kasamahan kong katulong.
“Ano?” balewala ko namang sagot sa kanya.
“Tinawag ka ni Madam,” bulong niya naman sa akin, kaya tumingin ako kay Madam Dinah.
“Stella, tapos ka na bang kumain?” Tanong niya sa akin kaya tumango ako. bakit ba kasi paulit-ulit na lang ang tanong niya?
“Gusto kung sumama ka sa akin mamaya bibili tayo nang uniform mo,” Napalingon naman si Ella dahil sa sinabi nang magaling niyang ina sa akin.
Wala naman akong nagawa kun’di ang tumango sa kanya. Ayaw ko sanang sumunod kaso baka magtataka na nang husto ang mga kasamahan ko kung lagi akong magsusungit sa mga amo ko.
TAHIMIK lamang akong naupo sa front seat habang nasa likod si Dinah. Nasusuklam talaga ako kahit sa pagbanggit sa kanyang pangalan. ‘di ko naman maiwasan na mamangha habang nakikita ang mga malalaking building kaya panay ang tingin ko sa taas. Marami rin namang ganito sa probinsya namin pero hindi ganito kalaki.
“Stella,” tsk ano na naman kaya ang itatanong niya?
“Oh,” walang gana ko namang sagot kaya lumingon sa akin ang driver.
“Po,” Ulit kong wika habang hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi.
“Ano ang mga hilig mo?” napahinga ako nang malamin bago sumagot sa kanya.
“Mag-design nang mga damit,” ani ko.
“Talaga?” ‘di ko alam pero pansin ko ang excitement at tuwa sa kanyang boses.
“Opo,” ani ko.
“’Yan ba ang kukunin mong kurso?” matagal bago ako sumagot sa kanya dahil hindi ‘yon ang gusto ko. kasi ang ibang kusro kaysa do’n.
“Madam, nandito na po tayo,” Wika nang driver habang bumaba ito. Bumaba na rin ako at hinintay na lang si Madam sa labas.
NANG makalabas na si Madam ay pinauna ko siyang maglakad habang nasa likuran niya lang kami nang kanyang driver.
Hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa bawat nadadaanan namin lalo na sa mga stuff toys dahil ‘yon ‘yong mga paborito ko, kaso ‘di ako nagpapabili kay Mama dahil alam kong hindi na sapat ang kinikita niya dahil pinag-iipunan niya ang pag-aaral ko nang college. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ulit nang galit dahil sa ginawa nila. Bakit ba kasi nila ako kinuha kay Mama Emily? Siguro sobrang lungkot na ni Mama ngayon, paano na siya? sino na ang makakasama niya?
“Dinah! How are you?” Napatingin ako sa babaeng lumapit kay Dinah at humalik sa kanyang pisngi.
“I’m good Cora,”
“Oh ito na ba si Ella? Napakagandang bata at higit sa lahat manang-mana siya sa ‘yo,” Ngiting wika niya habang nilapitan ako kaya umiwas ako sa kanya.
“Hindi po ako si Ella, at hindi po ako anak ni Madam Dinah Ma’am,” Namilog naman ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko habang hindi makapaniwala na tumingin kay Dinah.
“Pero kamukha mo siya?” Turo niya naman sa mukha ko kaya nagyuko ako.
“Cora, ‘wag na nating pag-usapan ‘yan,” Wika ni Dinah habang hinawakan ang kaibigan niya. hmmp akala niya naman masasaktan ako kung ‘di niya pa rin ako aangkinin na anak. Kahit kailan hindi ko pinangarap na kilalanin niyo. Dahil simula pa lang itinakwil n’yo na ako.
Lihim ko namang pinunasan ang aking pisngi dahil sa mga luha na pumapatak. Nakakainis ka Stella. Bakit ka ba umiiyak?
Pinili ko naman na humiwalay sa kanila dahil hindi ko kaya ang sumunod at makinig sa usapan nila. Nakita ko naman ang isang books store dito sa loob nang mall kaya naisipan kong pumasok. Nakakamiss din kasi ang magbasa nang mga libro.
“Damn! Tanga ka ba!?” Galit na wika nang lalaking nabangga ko kaya nag-angat ako nang tingin sa kanya.
“Sorry,” Walang gana kong sagot sa kanya at tinalikuran siya. pero napapikit ako nang bigla na lamang niyang hawakan ang aking braso.
“Ang bastos mo ha? Ikaw na nga itong may kasalanan ikaw pa ‘tong tatalikod?” asik niya habang namumula at gumagalaw ang kanyang panga na tumingin sa akin.
“Nag-sorry na nga ako ‘di ba? isa pa sorry kung malambot ‘yang katawan.” Mas lalo naman siyang nagagalit sa sinabi ko, kaya sa sobrang inis ko sa kanya dahil mas hinigpitan niya ang pagka-kahawak sa akin ay tinadyakan ko ang kanyang itlog.
Nang mabitawan niya ako ay agad akong tumakbo papalayo sa kanya. Tsk tingnan lang natin kung hindi mapipisa ‘yon. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang naalala ang mukha niya na namimilipit sa sakit kanina.
“Stella!” Napahinto ako nang marinig ang boses ni Dinah. Tsk nakalimutan ko pala na kasama ko sila.
“Saan ka ba nanggaling ha? Bakit ka ba ganyang Stella? Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghahanap sa ‘yo!? Akala ko kung nasa’n ka na? akala ko napaano ka na!” Napayuko naman ako nang aking ulo dahil nahihiya ako sa ginawa niyang pagsigaw sa akin. at isa pa ano naman ang pakialam n’ya kung ano ang mangyayari sa akin? simula noon wala naman siyang pakialam.
“Ano bang itinuro sa ‘yo at ganyan ang ugali mo ha?” Nag-angat ako nang tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Wala kang karapatan questionin ang pagpapalaki sa akin nang magulang ko.” Madiin kong wika sa kanya na ikinabilog nang kanyang mga mata. ayaw ko nang makapagsalita pa sa kanya dahil baka ano pa ang maisumbat ko sa harap nang taong nag-luwal at nagtapon sa akin.
“Sa’n ka pupunta Stella!? ‘wag kang bastos! Amo mo pa rin ako!” Napahinto ako dahil sa sinabi niya. kasabay nang paghinto ko ang mga butil nang luha sa aking mga mata. ‘yan ang tandaan mo Stella. Amo mo lang siya at wala nang iba, kaya umayos ka.