Chapter 3

1176 Words
C3 ASIAA “Bakit mo gagawin ‘yon sa taong nagpalaki sa akin? ganyan ba kayo ka walang puso?” Iyak kong wika sa harap nang taong kinasusuklaman ko. bakit ba nila ginawa sa akin ‘to? hindi pa ba sapat ang ginawa ni lang pagtakwil sa akin? “Mamili ka,” walang emosyon niyang wika sa akin kaya lalo akong nakaramdam nang galit sa kanya. “Mama..” mahina at hikbing wika ko kay Mama Emily. Simula no’ng maliit pa lang ako ay hindi ko naranasan ang malayo sa kanya, ano ang gagawin ko? ayoko na makulong si Mama dahil sa akin. “Anak, ayos lang kahit makulong ako,” “Hindi po Mama, ayoko po susunod po ako sa kanya basta ‘di lang po kayo makulong Ma,” Iyak kong wika habang niyakap si Mama nang mahigpit. Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan ko siyang sundin para kay Mama. KAHIT malayo na ang sasakyan sa amin ay panay pa rin ang aking paglingon. Parang gusto kong bumaba at tumakbo kay Mama pero hindi ko ‘yon magawa dahil kasama ko ang taong kinasusuklaman ko. bakit ba kasi siya bumalik? “Stella,” sambit niya sa aking pangalan pero hindi ko siya tiningnan. “Ano’ng kurso ang gusto mong kunin?” tanong niya pero hindi pa rin ako kumibo sa kanya. Bumuntong hininga naman siya siguro dahil wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula sa akin. GABI na nang makarating kami sa bahay nila. Hindi ko rin maiwasang mapatingala dahil sa laki nang kanilang bahay. “Daddy!” Napatingin naman ako sa babaeng tumatakbo papunta sa amin. Agad siyang yumakap kay Sir Victor habang niyakap niya rin ito. Oo Sir ang tawag ko sa tunay kong ama, pero hindi ko naman siya itinuturing na ama dahil hindi niya rin naman ako itinuturing na anak. Wala naman kasing magulang na itakwil at itapon lang ang anak. “Who she is Daddy?” kunot-noo namang tanong sa akin nang babaeng nasa tabi ni Sir, siguro anak nila ito. Pero bakit mukhang magka-edad lang kami? “Victor,” Muli akong napatingin nang makita ang isang magandang babae na papalapit sa amin. Humalik naman sa kanya si Sir Victor bago ito tumingin sa akin. “Dinah, si..” “Stella po Ma’am, bago ninyong maid.” Putol ko sa sasabihin ni Sir. Hindi ko naman mapigilan ang mailang dahil sa tingin niya sa akin. “Daddy, bakit ka kumuha nang bagong maid?” maarte namang wika nang anak nila sa akin. tsk anak ba talaga nila ‘to? mukha naman kasing hindi. “Are you hungry?” wika nang asawa niya habang nasa gilid lang ang aking paningin. Ayoko kasi si lang tingnan dahil naiinis ako at kinasusuklaman ko sila. “S-Stella,” Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. “Gutom ka na ba?” muling tanong niya na ikina-iling ko. “Daddy, meron pala akong ipapakita sa ‘yo,” Hinila naman no’ng babae ang kamay ni Sir habang papasok sila sa loob nang kanilang mansion. Kanila..kanila lang ‘yon. “Ahm, S-Stella,” tsk nandito pa pala ‘to? “K-kumusta ka?” Napa-atras ako nang lumapit siya sa akin. “Ayos naman po Ma’am,” balewala ko namang sagot sa kanya. “Nasa’n po ang servants quarter niyo? Pagod po kasi ako at gusto kong matulog.” Ani ko “Ah, hindi mo naman kailangan sa servants quarter matulog, you have a room upstairs,” “’Di po, do’n lang po ako, doon naman dapat natutulog ang mga katulong ‘di ba?” kita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. “Madam nakahanda na po ang lamesa,” Tumingin naman ako sa babaeng nagsalita, hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil naalala ko si Mama sa kanya. Magkasing edad lag kasi yata sila. Hindi ko naman alam bakit tulala siyang napatingin sa akin kaya benalewala ko na lang ito at nagpasya na kunin ang aking bag sa loob nang kotse. “Milda, ikaw na ang magdala niyan,” Utos niya habang hawak ko ang aking bag. ‘di ko naman ito binigay dahil kaya ko naman itong buhatin. “Ako na lang po,” Ani ko habang titig na titig pa rin siya sa akin. “Saan po pala ang higaan ko?” Tanong ko habang naglalakad kami. “Sa taas yata Ma’am,” Napalingon naman ako sa kanya dahil sa tawag niya sa akin. “Hindi po ako Ma’am nag-apply rin po ako nang katulong dito para sa pag-aaral ko,” ani ko na ikinatigil niya. “A-akala ko.” “Milda bilisan mo na,” bakas naman ang galit sa boses ni Madam habang nagsalita. Tsk Madam huh? Ismid ko naman. “Stella, kumain ka muna bago ka matulog,” Wika sa akin ni Aling Milda habang nakahiga ako sa aming silid. Ayaw sana nila akong payagan na rito matulog sa servants quarter pero wala si lang nagawa dahil hindi ako nakinig sa kanila. isa pa bakit naman ako makikinig sa kanila eh ayoko sa mansion nila tumira. “Ayoko pong kumain Aling Milda.” Walang gana kong wika sa kanya habang tinalikuran ito at ipinikit ang aking mga mata. “Pero,” Binalot ko naman ang kumot sa aking sarili at tinakpan ang aking mga tainga. Hindi ko pa rin mapigilang umiyak dahil hindi ako sanay na wala si Mama. Gustuhin ko mang tumakas ay hindi ‘yon pwede dahil ipapakulong nila si Mama. KINABUKASAN ay nagising akong wala na si Aling Milda sa kanyang higaan, siguro maaga siyang nagising. Tumayo naman ako at inayos ang higaan. Kumuha rin ako nang gamit sa aking bag at pumasok sa banyo. NANG matapos akong maligo ay hindi ko maiwasan na mailang sa mga tingin nang mga taong nakasalubong ko. “Oh Stella, halika na, kumain ka na dahil hindi ka kumain kagabi,” Tumango naman ako kay Aling Milda at sumunod sa kanya. “Bakit po tayo nandito?” taka ko namang tanong sa kanya nang dalhin niya ako sa loob nang mansion. “Kasi kumain ka na,” “Dito din po ba kayo kumakain?” kunot-noo kong tanong sa kanya kaya napayuko siya. “Hey! Why are you here?” Nilingon ko naman si Ella dahil sa tanong niya sa akin. “Bakit bawal ba ang katulong pumasok dito?” hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil sa sagot ko sa kanya. Tsk hindi porket anak kunwari siya ay kaya na niya akong pag-salitaan nang kahit na ano. “You didn’t know me?” asik niya habang tinuro ang kanyang sarili. Napaismid naman ako sa kanya. “Kilala naman, anak ka nang amo ko, pero bakit naman hindi kami pwede pumasok dito? Sino ang maglilinis kung bawal pala ang katulong dito.” Namilog naman ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad ko na siyang tinalikuran. Wala akong pakialam kung palalayasin niyo ako dahil ‘yon ang gusto ko ang maka-uwi sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD