C2 ASIAA
“P-pinagloloko mo ba ako Emily?”
“H-hindi Sir, siya po talaga si Stella ang anak niyo,”
“Pero b-bakit?”
“Bakit gumanda siya? hindi ko rin alam Sir, nagtataka rin po ako sa malaking ipinagbabago niya,” paliwanag ko sa kanya dahil kahit ako ay hindi ko alam bakit nagbago ang itsura nang anak ko.
Taka namang tumingin si Stella kay Sir Victor nang lapitan niya ito.
“H-hi,” Ngiting wika niya habang hinahawakan ang kamay nang anak ko.
“Mama..” Agad kong nilapitan si Stella at kinarga ito dahil natakot siya sa ginawa ni Sir Victor.
“P-pasensya na po Sir, hindi po kasi niya kayo kilala,” bakas naman ang lungkot sa mukha ni Sir Victor dahil sa sinabi ko sa kanya.
NANG makatulog na ang anak ko ay muli na akong lumabas nang kwarto nakita ko naman si Sir na tinitingnan ang mga picture ni Stella mula noong baby pa lang ito.
“Napabinyagan mo na pala siya,” Aniya habang umupo ako sa tapat niya. hindi ko rin mapigilan na laruin ang aking mga kamay dahil hindi ako komportable na nandito si Sir. ‘di ko rin naman pwedeng itakas si Stella dahil alam kong mayaman sila at kaya nila akong ipakulong.
“O-opo,” mahina ko namang sambit.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Napapitlag ako nang muling lumakas ang kanyang boses. Hindi ko rin mapigilan na mapalingon sa kwarto dahil baka magising ang anak ko.
“T-tinawagan ko ho, k-kayo Sir, pero wala pong sumasagot,” Napayuko ako dahil ayokong tumingin kay Sir Victor lalo na at mukha itong galit sa akin. bakit ba siya nagagalit? ‘di ba dapat ako ang magagalit sa kanya, dahil hindi niya sinagot ang tawag ko noong binyag ni Stella.
Napahinga naman siya nang malalim habang napahilot nang kanyang noo.
“S-Sir, h-hindi niyo naman po dapat kunin sa akin si Stella,” hindi ko mapigilang maiyak habang naiisip ‘yon. Hindi ko kasi mapigilang mag-isip nang ganun lalo na ngayon na pa rang gusto niyang kunin si Stella sa akin.
“At bakit hindi ko pwedeng kunin ang anak ko?” asik niya kaya lalo akong kinabahan.
“Binabayaran lang kita para bantayan ang anak ko, Emily, hindi ko sinabi na angkinin mo siya,”
“Mahal ko na po ang anak ko Sir, isa pa hindi mo po siya pwedeng iuwi sa inyo dahil alam kong magagalit si Madam,” hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na sagotin siya. matapos nilang itakwil ang anak nila, ngayon gusto na nila itong kunin. Hindi naman siya nakasagot sa aking sinabi sa kanya. Napatingin na lamang ako habang tumayo si Sir Victor at naglakad ito papuntang pinto.
NANG marinig ko ang tunog nang sasakyan ay hindi ko mapigilang mapa-iyak nang husto. Hindi ko kasi inaasahan na pupuntahan niya kami rito lalo na si Stella. Akala ko nga nakalimutan na niya ito.
A FEW YEARS LATER
“Stella anak, ilang beses ko namang sinabi sa ‘yo na ‘wag na ‘wag kang makikipag-away sa paaralan niyo!” Napahawak ako sa aking noo habang nasa harapan si Stella. Simula kasi noon ay basagulera na ito lalo na noong inamin ko sa kanya ang katotohanan.
“Tsk Ma, alam mo naman na mabait ako ‘diba,” Ngiting wika niya habang niyakap ako.
“Anak naman, ilang beses ko nang sinabi sa ‘yo na ‘wag mo nang intindihin ang iba,”
“Mama, ayoko naman na ma bully ako sa school namin, hindi naman pwede na dahil ampon niyo lang ako ay ganun na lang ang gagawin nila sa akin ‘di ba?”
“Anak, ‘di ba sinabi ko na sa ‘yo na kalimutan mo na ‘yan,” Napayuko naman siya dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Patawad po Mama, ‘yan po kasi ang lagi ni lang sinasabi sa akin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na patulan sila,” Napahinga naman ako nang malalim at niyakap siya.
“Patawad anak,” Wika ko kaya nag-angat siya nang mukha.
“Wala naman po kayong dapat ihingi sa akin nang tawad Mama, alam mo naman na malaki ang pasasalamat ko sa inyo dahil inalagaan niyo ako at itinuturing na pa rang anak, ‘di tulad nila,” Malungkot niyang wika kaya hinaplos ko ang kanyang buhok.
“Basta ito lang ang tandaan mo anak mahal na mahal kita,”
“Mahal na mahal din po kita Mama,” Napangiti naman ako sa sinabi ni Stella at hinalikan ko siya sa kanyang noo.
MASAYA naming ipinagdiwang ang graduation ni Stella. Masaya ako dahil kahit napaka-basagulera niya ay nakapagtapos pa rin siya nang senior high school.
“Anak, saan mo gusto mag-college?” Tanong ko sa kanya habang binuksan ko ang pinto nang bahay. Pero napahinto ako nang mapansin na bukas na ito.
Nang makapasok kami sa bahay ay agad akong nakaramdam nang kaba habang nakita ko si Sir Victor na naka-upo sa kawayan naming upuan.
“Sino ka? Bakit ka pumasok sa bahay namin?” Galit na wika ni Stella habang hinaharang niya ang kanyang katawan sa akin.
“A-anak, s-siya ang D-daddy mo,” Mahina kong wika sa kanya at dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. bakas naman ang pait at galit sa mukha nang anak ko kaya agad ko siyang niyakap dahil baka ano pa ang masabi niya sa kanyang ama.
“S-Sir, ano po ang ginagawa niyo rito?” Tanong ko naman sa kanya habang tahimik lamang si Stella na nakikinig sa amin. Napatingin naman ako kay Sir Victor nang makita ko siyang tumayo.
“Gusto kung sa Manila na si Stella mag-aral.” Ma-awtoridad niyang wika na ikinabilog nang aking mga mata habang napatingin sa akin si Stella.
“B-bakit naman ako do’n mag-aaral? Ayokong iwan si Mama rito.” Galit na wika ni Stella habang tumayo ito. Hinawakan ko naman siya sa kanyang kamay para huminahon siya.
“Wala kang magagawa dahil ‘yan ang gusto ko.” Nag-angat ako nang tingin kay Stella nang marinig ang kanyang pagtawa.
“At sa tingin niyo naman SIR, sasama ako sa inyo.” Madiin niyang wika kaya napatingin sa kanya si Sir Victor.
“Sasama ka sa akin, sa ayaw at gusto mo, dahil kung hindi ipapakulong ko ang babaeng ‘to!” Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Sir Victor.
“B-bakit niyo po gagawin ‘yon Sir? W-wala po akong ginawang masama sa inyo!” Iyak kong wika habang niyakap ako nang anak ko.