ASIAA C12 STELLA POV “Stella, ayos ka lang ba?” Napatingin ako kay Ate Almira dahil sa tanong niya sa akin. “Ayos lang naman ako Ate,” “Magpahinga ka kaya muna, ang putla mo kasi,” “Dahil siguro matagal akong natulog kagabi,” ngiting sagot ko naman sa kanya. “Halika muna rito, ang putla mo na kasi. Baka bigla ka na lang matumba d’yan.” Sumunod ako kay Ate Almira at naupo sa tabi. “Buntis ka ba?” nagulat ako dahil sa tanong niya sa akin, ngayon ko lang din naalala na hindi pa pala ako nadatnan nang buwanan kong dalaw. “H-hindi ko alam,” mahina kong sagot sa kanya dahil nahihiya ako. “May gumalaw na ba sa ‘yo?” Nag-angat ako nang tingin habang dahan-dahan tumango. “Naku Stella, baka buntis ka nga, sasamahan kita mamaya sa kakilala kung Ob-gyne ha?” Tumango ako sa kanya dahil gusto

