ASIAA C11 ANITA POV “Dinah, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya dahil hindi naman ito mahilig pumunta sa bahay. “Binisita lang kita. Hindi na kasi kita nakita matapos dumating ang asawa ko,” ‘di ko naman mapigilang magtaka habang napapansin na para siyang may hinahanap. “Mommy, tingnan mo!” Napatingin ako kay Stella Marie, habang papalapit ito sa akin. “Ikaw talaga, pinapaki-alaman mo na naman ‘yan,” ngiting wika ko rito dahil pinapaki-alaman na naman nito ang bini-bake kong cookies. “’Di ba Mommy ang cute.” Hinawakan ko naman ang kanyang buhok dahil sa kanyang sinabi. “Anyway, say hi! To your Tita Dinah.” Nag-angat nang tingin ang anak ko bago ngumiti habang nakatitig pa rin sa kanya si Dinah. “I-ilang taon na siya?” Tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. “Twen

