Chapter 2: Odessa Mari Verde's Diary

960 Words
Binuklat ko ang notebook, at pinindot ang ballpen para makapagsimula na akong magsulat sa Diary ko. Dear Diary, September 20, 2019 Nagising ako na naghahabol ng hininga ngayong umaga at ginising ako ni tita. Napanaginipan ko ulit si mama. Nag-iyakan kami ni tita bago siya bumaba. Ang sakit pa rin. Pareho pa rin kaming hindi maka-move on sa nangyari sa mama ko. Hindi ko talaga makakalimutan lahat ng pighating dinaranas namin ni tita dahil sa hayop na pumatay sa mama ko. Sisiguraduhin kong magdurusa ang gumawa nito sa kanya. Mararanasan niyang mapahirapan ng husto bago siya bawian ng buhay. Hindi sapat ang simpleng kamatayan lang bilang kabayaran sa lahat ng idinulot nilang kalbaryo sa buhay namin ng pamilya ko. Iisa-isahin ko ang mga taong sangkot sa paglibing sa hustisya na para kay mama. Gagawin ko ang lahat para makapaghiganti. After writing my newest entry in my diary, I turned the pages backwards. Binasa ko ulit ang pangalan ng mga taong nakalista sa diary ko na sangkot sa krimen. Pagkatapos ay isinara ko na ang notebook at ibinalik ito sa nakatagong drawer sa loob ng walk-in closet ko. Dumiretso na ako sa CR para maghilamos. I tied my hair into a bun. Medyo nakakairita tong buhok ko sa sobrang haba. Napatingin ako sa salamin, at sandaling pinatong ang dalawa kong kamay sa magkabilaang gilid ng sink. Napayuko ako at napapikit ng mga mata saglit. Huminga ako nang malalim at tumingala. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Maya-maya pa ay sinimulan ko nang maghilamos ng mukha. Pagkatapos ay lumabas na ako ng cr at nagpunas ng mukha gamit ang twalya. Bumaba na ako sa kusina, at naabutan kong kumakain na nga si tita Via. Nang makita niya ako ay inangat nito ang suot niyang salamin sa bandang gitna gamit ang kanyang dalawang gitnang daliri. "Ano ka ba, Oari? Ang tagal mo! Lumamig na yung pancakes mo oh!" Medyo naiinis niyang sabi habang sinusundan ako ng tingin palapit sa mesa namin. Si tita ang nag-aasikaso sakin. Dalawa lang kami dito sa bahay. Sobrang laki ng bahay namin, pero kaming dalawa lang talaga yun nandito. Kumbaga, parang isang malaking kweba, tapos kami lang yung kwagong tanging nakatira rito. Minsan, may pumupunta na kasambahay para tulungan si tita sa mga gawaing-bahay. My aunt's already half a century old. Pero hindi halata. Bata kasi siyang tignan. Dalawang taon lang ang agwat nila ni mama. Kung buhay pa si mama ngayon, malamang hindi rin mahahalata na mags-singkwenta na rin siya. Maganda siya. Maganda silang pareho ni tita Via. May kaya rin ang pamilya nila mommy. Family house nila itong mala-mansion na tinitirhan namin ngayon ni tita. Pina-renovate lang to nung si tita na ang namamahala rito. Namatay sa katandaan ang lolo at lola, kaya ipinamana na noon itong bahay kay tita Via, tutal wala siyang asawa at anak. Puno ng mamahaling mga vases at halaman ang bahay. Medyo makaluma pa rin ang style kahit na na-renovate na. Gusto kasi i-maintain daw ni tita yung original na itsura nitong bahay at huwag totally baguhin. Para na rin daw kasi niyang binura yung mga ala-ala na binuo nila ng mama ko simula nung pagkabata nila dito kapag binago nang tuluyan ang bahay. Businesswoman din ang tita ko. Marami siyang hina-handle na mga business establishments. Nariyan yung kanyang Resort, Spa, tsaka Hotel na pagmamay-ari niyang lahat. Siya lang lahat nagma-manage ng mga business establishments na yan. Sobrang busy niya sa buhay. Pero kahit ganun pa man, she always finds time for me. Lagi siyang may oras ipagluto ako at kamustahin ang araw ko pagdating niya ng bahay sa gabi. Kinupkop na niya ako simula nung mawala si mama at siya na ng tumayong nanay ko. Sobrang naa-appreciate ko siya. Habang kumakain ako, biglang may naalala si tita at kinuwento niya sakin habang nasa mesa kami. “Siya nga pala, iha. May balita ka na ba sa tatay mo?” tanong niya. Napahinto naman ako sa pagsubo sa hiniwa kong piraso ng pancake. Tumingin ako sa kanya at umiling. Bago pa man mamatay si mama, nawala na si Papa. Ang pagkakaalala ko, sinabi ni mama noon na may business trip lang si papa sa abroad. Mga ilang buwan lang daw siya mawawala. Pero kahit kailan hindi na siya bumalik. Iniwan niya rin kami. Madalas kong isipin kung nandun kaya si papa noong gabing pinatay si mama, mag-iiba kaya ang sitwasyon? Maililigtas niya kaya si mama noon? O pareho silang papatayin nung lalakeng walang awang pinagbabaril ang mama ko? Hindi ko pa rin alam kung anong motibo ng lalaking pumatay sa mama ko. Kung bakit niya iyon ginawa. Isang dekada na ang nakalipas pero hindi pa rin malinaw samin ni tita kung bakit ganun na lang ang galit ng lalaki sa mama ko. Hindi nahuli ang lalaki. Pero ang usap-usapan noon ay isa siyang anak ng mayamang pulitiko at tinulungang umalis agad ng bansa ng kanyang pamilya bago pa man makapag-imbestiga ang mga pulis. Natakasan niya ang karumaldumal na krimeng ginawa niya sa mama ko sa tulong ng kanyang pamilya. Pare-pareho silang mga walang kaluluwa. Ibinasura rin ng korte ang kaso noon dahil wala daw sapat na ebidensya laban sa lalaki. Pinagtakpan at tinabunan ng buong pamilya niya ang mga naging kagagawan niya. “Tita, hindi ba Fuentes ang apelyido ng pamilya nung lalaking pumatay kay mommy?" Natigilan si tita sa pagkain. Tumingin siya sakin at maya-maya'y bumaba ang tungo ng tingin ng kanyang mga mata. Napansin ko ring napahigpit ang hawak niya sa kutsara at tinidor na hawak niya. “Oari, kumain ka na muna. Mamaya na lang natin to pag-usapan ha?" sagot niya pagkatapos pilit na pakalmahin ang sarili. Tinapos ko na nga ang pagkain ko, at tinanong ko ulit si tita tungkol sa mga Fuentes pagkatapos naming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD