Chapter 3: Louis Perez

1297 Words
Tinanong ko ulit si tita Via pagkatapos naming kumain tungkol sa mga Fuentes. Pero bago niya sinagot ang mga tanong ko, pinaupo niya muna ako sa sofa namin sa sala. Magkaharap na kami ngayong nakaupo sa sofa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumingin sa akin. "Ayoko na sanang alalahanin mo ang mga taong ito. Akala ko nakalimutan mo na sila. Akala ko nakalimutan mo na ang pangalan nila. Oari, mga makapangyarihang tao ang mga Fuentes. Hindi natin sila pwedeng basta-bastang banggain. Mapapahamak lang tayo! Mapapahamak ka lang! Makinig ka sakin. Alam kong gusto mong bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mama mo. Pero ayokong pati ikaw ay malagay sa kapahamakan. Hindi rin gugustuhin ng mama mo na mapahamak ka! Naiintindihan mo ba ako, Oari? Mangako ka sakin na wala kang gagawin. Ayokong pati ikaw ay mawala sa akin. Hindi ko kakayanin! Para na kitang tunay na anak, Oari!" Paiyak na binitawan ni tita ang mga salitang ito. Tumango na lang ako bilang tugon. At para na rin mapanatag ang loob niya na wala nga akong gagawin. Pero hindi ako papayag na walang mangyayari. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa mga plano ko at mapapabagsak ko lahat ng mga taong nagpahirap sa amin. Mga walang kaluluwa! Hindi ako aatras! Tumayo na si tita at nagpaalam na siya sakin na maliligo na siya dahil kailangan na niyang pumunta sa Resort at may aasikasuhin siya doon. Ngumiti naman ako at bumalik na rin ako sa kwarto ko. I went straight to my bathtub and filled it with water. I need a cold shower. Hinubad ko na nga ang mga suot kong mga damit na pampatulog at diretso na akong nagbabad sa bathtub. Napapikit ako ng mata. Naguguluhan ako. Gusto kong ituloy ang paghihiganti ko sa mga Fuentes, but at the same time, I don't want to break my aunt's heart. I don't want to disappoint her. Pagbukas ko ng aking mga mata, nakapag-decide na ako. ITUTULOY KO ANG PLANO KO SA PAGHIHIGANTI. ----------------------------------------------------- Nagpalit na ako ng damit pagkatapos kong maligo. Nagsuot ako ng isang simpleng itim na bestida na hanggang taas ng tuhod ko ang haba. Inayos ko na rin ang strap nito dahil isa itong spaghetti style na strap. May Ribbon itong palamuti sa likod ng baywang. Hinagod ko ang satin na tela nito para mawala ng kaunti ang mga gusot dito. Nag-ayos na rin ako ng buhok at nagsuot ng sandals. Lastly, I put on the pearl earrings that my mom gave me on my 12th birthday. I wear these everyday. Sobrang halaga sakin ng mga hikaw na to. Ito kasi yung pinakahuling regalo sakin ni mama bago siya mawala. Pagkatapos kong makapag-ayos ay umalis na rin ako ng bahay. Ni-lock ko na ang gate at sumakay sa kotse ko. Sinimulan ko na ngang paandarin ang kotse at umalis na ng bahay. Ganito ang araw-araw na buhay ko. Wala akong trabaho pero tinutulungan ko si tita Via sa pag-manage ng mga negosyo niya. Mas pinili ko na wag i-pursue sa sarili kong career at tulungan na lang si tita dito. Pagkadating ko sa Spa Salon ni tita na mina-manage ko, binati kaagad ako ng mga staff dito. “Good morning po, ma'am Oari! Talaga namang ang ganda mo lagi, ma'am!" “Good morning, din! Naku, ate Jane! Lagi mo na lang din akong binobola!" Nagtawanan kami ng mga ilang staff dito sa Spa. Isa si ate Jane sa mga matagal nang nagt-trabaho dito sa Spa Salon ni tita Via. Mabait naman siya. At medyo malapit na rin ang loob ko sa kanya. Pinagkakatiwalaan din siya ni tita. “Sige na ma'am, mamaya na po ulit kita bobolahin ha? Mukhang may kliyente na po tayo! Naku, ang aga-aga pa pero may kliyente na agad! Ikaw talaga ang lucky charm namin dito, ma'am Oari!" pabiro nitong sambit bago pumasok sa isa sa mga kwarto dala-dala ang mga tuwalya. "Sige po, ate Jane. Wag niyong kakalimutan mag-meryenda mamayang alas nuwebe ha?" paalala ko naman sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas ay narinig ko ang chimes sa pinto ng salon na tumunog. Senyales na may taong pumasok. Nakita ko ang isang mestisong lalaki na nakasuot ng itim na leather na jacket at puting panloob na t-shirt. Naka-pantalon din siya at bitbit ang helmet niyang itim sa tagiliran. Kung tatantsahin ay nasa 6'2 ang tangkad nito. Maputi ang balat at malinis ang pagkakaayos ng kanyang buhok. He also had a thin portion of his hair fringe hanging on his forehead. He kinda looks like Tom Cruise when he was younger. Sandaling lumingon-lingon ito sa kanyang paligid at nang makita niya ang counter kung saan ako nakaupo, ay dali-dali itong lumapit sa akin. Maya-maya pa'y nakapatong na ang kanyang kaliwang braso sa counter, habang ang isa niyang braso ay bitbit pa rin ang kanyang helmet sa tagiliran niya. Tumingin siya sakin at napansin kong natulala ito nang ngumiti ako sa kanya. Binati ko naman ito nang nakatayo na siya sa harapan ko. “Good morning, sir! Welcome to Heaven's Touch Spa Salon!" pagbati ko nang nakangiti. Hindi ito kumibo at nagmistulang parang mannequin sa pagkakatulala niya sakin. Nangilid naman nang dahan-dahan ang mga mata ko at unti-unting pinunasan ang mukha ko gamit ang mga palad ko. I cleared my throat and looked back at him. I smiled once again. “Ehem! Sir? Okay lang po ba kayo? May dumi po ba sa mukha ko? Kanina pa po kayo nakatulala eh." sabi ko nang nakangiti sa lalaking ilang segundo nang nakatulala sa akin. I snapped my fingers right in front of him. And that was the only time he blinked. He finally realized kung gaano na siya katagal na nakatulala. He blinked many times and then finally spoke. “Uh, sorry miss. Uhm... May hinahanap kasi akong tao. May uh..." pautal-utal itong magsalita at kinamot ang gilid ng kanyang noo gamit ang kanyang hinlalaki. “May? May ano po?" I interrupted him. “May nakapagturo kasi sakin na yung taong hinahanap ko eh pumunta daw dito kahapon. Baka pwedeng pa-confirm kung nandito nga siya kahapon, miss." pagtatapos nito sa kanyang balak sabihin. “May problema po ba?" naiintriga kong tanong sa kanya, pero nakangiti pa rin. “Well, uh, you see, I'm a cop. I'm looking for this guy that came here yesterday. You might give me some information about him?" sagot nito, sabay bunot ng badge niya mula sa likod na bulsa ng pantalon niya para ipakita sakin na isa nga siyang pulis. May inilabas din siyang picture ng isang lalaki na nandito nga kahapon bilang kliyente namin. May accent yung english nitong kausap kong lalaki. Mukhang lumaki ata sa abroad. “Louis Perez. Hmmmm. Sure. Nandito nga siya kahapon. He was wearing a black shirt and a white cap. He was here for around an hour. Tapos nung tapos na siya magpa-massage, nagmamadali siyang lumabas." sagot ko sa kanya. Napansin kong habang nagsasalita ako at nakatingin sa litratong hawak niya sa taong hinahanap niya, nakatingin lang siya sakin. Nang tapos na ako magsalita ay ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya. Tiniklop na niya ang dalawa niyang larawan at ibinalik sa bulsa nito. “I see. Thank you, miss! You're such a big help! May ongoing investigation kasi kami ngayon at isa tong lalaking to sa mga sangkot sa kaso." pagpapasalamat nito. “Oh, that's fine. It's no problem!" sagot ko naman na nakangiti sa kanya. Nang akmang tatalikod na sana siya para umalis ay biglang bumalik ito sa pagkakaharap sa counter. He snapped his fingers and asked me. “By the way, do you mind if I ask for your name, miss?" tanong nito sa akin. Nakangiti siyang nagtanong sa akin. He looks cute. Especially with that smile. He could be a celebrity if he ever wanted to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD