“Odessa Mari. Oari, for short" sambit ko naman habang nakangiti pa rin sa kanya.
“You know, I really think you're more beautiful than any other celebrity here. By the way, it's nice meeting you! And I really appreciate your tip about the guy. Malaking tulong yun." sabi nito habang inaabot ang kanang kamay niya sakin para makipagkamay.
Inabot ko naman ang kamay nito at nagkamayan na nga kami.
“That's no problem! Sana nga mahuli niyo na yung lalaki." sagot ko sa kanya.
Maya-maya'y nakita kong nakatulala na naman siya sakin habang nagsasalita ako. Ilang segundo nang tapos ang kamayan namin bilang pagpapakilala at hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.
“Ehem! Yung... yung kamay ko, sir." I cleared my throat and I awkwardly reminded him of the prolonged handshake. Muling gumilid ang mga mata ko at nang tumingin ulit ako sa kanya, dun niya lang na-realize na nakahawak pa pala siya sa kamay ko.
“Oh, God! I'm... I'm sorry. I..uh.. didn't mean to.” sagot naman nito habang kumukurap ang mga mata nang mabilis at tila umiiwas sa tingin ko.
Binitawan na nga nito ang mga kamay ko at muli nang nagpaalam. Lumabas na ito ng pinto, at nang makailang hakbang nga ito mula pagkakalabas ng pinto namin ay lumingon ulit ito sa akin at ngumiti.
Kumaway naman ako sa kanya at ngumiti pabalik.
Makalipas lamang ang ilang segundo, bumalik si ate Jane sa counter kung san ako nakabantay. She kinda looked disappointed as she saw that the assumed customer left.
“Ay, ma'am, umalis na pala yung customer? Akala ko magpapa-massage din eh. Sayang naman. Di bale na, inihanda ko na yung isang kwarto para sa susunod na customer po natin, ma'am Oari."
“Actually, hindi siya customer, ate. Pulis daw siya. Tsaka may hinahanap siyang tao na nandito daw kahapon bilang customer. Kaya ayun, tinulungan ko na lang siya. Sangkot daw kasi yung lalaki sa isang kaso."
“Pero in fairness, ma'am ha? Ang pogi niya! Tsaka naabutan ko kayong nag-uusap dito kanina. Bagay kayo! Naku, mukhang natutulala pa nga ata siya kanina sayo, ma'am Oari habang kinakausap ka. Malamang, na-love at first sight sayo yun!"
Pang-aasara sa akin ni ate Jane. Medyo weird nga na makilang huli ko siyang nahuling nakatulala sakin habang kausap ko siya.
“Ikaw talaga, ate Jane! Wala akong panahon para mag-boyfriend. Marami po akong kailangan gawin sa buhay. Gaya nito, itong pagtulong ko sa pagma-manage sa mga business ni tita Via. Alam mo namang siya lang mag-isa sa buhay, ate" mahinahong pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Eh... ma'am, matanong ko lang, bakit nga ba walang asawa si Ma'am Via? Eh maganda naman siya, tsaka mabait. Ni hindi nga halatang singkwenta na siya eh. Ang ganda pa rin niya.”
“Eh kasi po, ate, si tita, mas pinili niya noon na mag-focus sa mga negosyo niya. Tsaka wala daw talaga siyang balak mag-asawa noon pa. Natatakot nga daw ang lolo at lola noon na baka tumanda at mamatay siyang dalaga dahil wala siyang asawa tsaka anak. Pero, tignan mo naman, okay lang naman sa kanya diba, ate? At tsaka napaka-successful niya sa buhay."
“Ahhh, kaya po pala. Ang tapang ng tiya mo, ma'am Oari. Iilang mga babae lang ang hindi nag-aalala sa pagiging matandang dalaga. Eh, ikaw? May balak ka rin bang tumandang dalaga?” Pabirong tanong nito.
"Ikaw talaga, ate! We'll see. Kung hindi ko maaabot yung mga pangarap ko sa buhay, o di kaya kung hindi ko matatapos yung misyon ko, hindi muna ako magla-love life. Kailangan kong mag-focus sa mga kailangan kong unahin."
“Wow ha? Parang andami mo naman yatang kailangan tapusin sa buhay, ma'am Oari? Ano ba yang mga tinutukoy mo?”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko. I wish I could tell her na ang mga misyon ko sa buhay ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy ko at maparusahan ang mga taong gumawa non sa kanya, na pangarap kong magtagumpay sa mga plano kong iyon nang matahimik na kami ng pamilya ko.
Pasimple kong hinawi ang buhok ko na nasa gilid ng noo ko gamit ang hintuturo ko at napatingin nang saglit sa gilid. I cleared my throat and looked back at her. I put on another smile and simply answered her “Basta, ate. Secret na muna yun.”
“Sige ba, ma'am. Hindi kita pipilitin. Sige ma'am, balik na po ako sa pag-aasikaso at baka may dumating nang ibang customer." pagpapaalam nito. Umalis na nga ito at tuluyan na akong mag-isa ulit sa counter.
Ipinangako ko sa sarili ko na tsaka lang ako magfo-focus na sa sarili ko kapag nagawa ko na lahat ng gusto ko. Tsaka ko na lang gagawin lahat ng gusto ko kapag nagtagumpay na ako sa mga paghihiganti ko. Hindi ako papayag na walang mangyari.
Hindi ko rin pwedeng sabihin ang plano ko kahit kanino. Not ate Jane, or any of my friends, or even tita can know about it. I can only trust myself and I'm so convinced about it. I won't let anything or anyone stop me. Handa na ako sa kahit na anong mangyari, makamit lang ang hustisya na para sa mommy ko.