EPISODE 1
" Anong nagawa kong mali? Bakit nagawa mokong saktan ng ganto? Mahal na mahal kita pero bakit moko niloko? Ginawa ko lahat para sayo! Taga-gawa ng assignments mo, projects mo, at sinuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin. Hindi kita pinagbawalan sa kahit na anong bagay! Kahit wala kang oras sakin, ni minsan hindi ako nagreklamo! Bakit moko n-niloko????!!" marami pa akong gustong itanong pero hindi na ako makapagsalita dahil napaluhod nalang ako habang humahagulgol. Tahimik naman si Steven pagkatapos marinig lahat ng sinabi ko. Kita ko sa mukha nya na niiyak na din siya, namumula ang kanyang mga mata. Tanging 'sorry' nalang ang nabanggit niya at umalis.
Kita ko ang pagpunas niya sakanyang mga pisngi habang tumatakbo papalayo. Iniwan nya akong mag-isa sa klasrum. lunchbreak noon at naabutan ako nga mga kaibigan ko sa sahig. Inalalayan nila akong umupo at hinatid narin sa bahay nung tapos na ang klase.
**
Nakahiga ako nang marinig ko si mama na may kausap sa telepono, " Yes, mam. Gagawa nalang ako mg excuse letter ng anak ko. Isasama ko na din ang mga hospital records ni Akira. Matatagalan pa siyang makabalik base sa kanyang doctor "
**
Pagka-uwi ko sa bahay ay nawalan ako ng malay ngunit ilang oras ay gumising din ako. Kinabukasan ay hindi na ako pumasok dahil masama ang aking pakiramdam. Halos maghapon akong umiyak. Tatlong araw ang lumipas , walang maayos na kain at puro iyak hanggang sa mawalan ulit ako ng malay at pagkagising ko nasa ospital nako.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasilayan ko agad ang pagod na mukha ni mama. Tumulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan siya. Grabe yung sakripisyo niya at narealize ko na grabe yung dulot ng lungkot ko na pati pamilya ko nadamay.
" Oh, anak. Gising kana pala. Kain kana, nagluto ako ng paborito mong pakbet na maraming kalabasa. Mayron din adobong atay. Kumain ka ng marami kailangan mo yun para lumakas." Bigkas biya habang pinipigilan ang kanyang luha.
**
Pagkatapos kumain ay humiga ulit ako at pumikit....
" Huy, Bes! May bagong studyante daw grade 8. Dalawa sila,mga pogiii." sambit ni Jane habang nakapila kami sa canteen. Tiningnan ko lang 'yong mukha niyang namumula na sa kilig. Wala kasi akong pakialam sa mga lalaki kasi may boyfriend na ako.
Then suddenly napatingin ako sa isang lalaking chinito na kumukuha ng lumpia at nakikipagtawanan sa mga kasama niya. Biglang tumigil ang paligid at tanging nasa kanya lang ang atensyon ko. Ang ganda ng mga mata nya, antangos ng ilong niya at mukhang masaya kasama.
" Huy, Bes!" bumalik ako sa katauhan sa pagyugyog sakin ng besfren ko. Tinuro nya si Mr. Chinito at sinabing yun ang bagong studyante.
**
Nagkaklase na kami ng masilip ko mula sa bintana ng klasrum si Chinito na nakasunod lang sa klasmeyt nitong maganda at maputi. Hindi ko alam kung nililigawan niya o gf na niya. Grade 9 nga pala ako at mas matanda ako sa kanya. Diko alam pero parang may kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ko siyang nakasunod sa babae habang bitbit nito ang mga gamit niya.
" By, may problema ba?" nabaling ang atensyon ko sa nobyo ko na nasa tabi ko, since magkaklase kami. " Wala,by" ang tanging nasagot ko lang.
**
Tumunog na ang Bell bilang hudyat na uwian na.
" By,tara. Akin na yang bag mo" as usual lagi ako hinahatid ni Steven tuwing uwian pero hanggang sa kanto lang kasi sikreto lang yung relasyon namin.
Habang naglalakad kami ay nakasabayan namin sina Chinito at yung kaklase niyang maganda. Bitbit din nito ang gamit nung babae.
**
Nakikipagtitigan lang ako sa kisame habang inaala yung mga nangyari sa maghapon. Hindi matanggal sa isip ko si Chinito. Hindi ko alam kung bakit siya yung naiisip ko samantalang may nobyo naman ako at mahigit limang buwan na kami.
" Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ako nagkakaganto?" tanong ko sa sarili ko.