[TPP]
"Hala. Ano nangyare? San nawala?" Nag-aalalang tanong ni Asha.
Ang gabi niya ay nabuhayan nang malaman niya na si Sebastian ang nagpadala ng mensahe.
Nang malaman niya ang nangyare ay nakaramdam siya ng konting pag-aalala ngunit halata na mas nangingibabaw ang kilig na nararamdaman.
Nang makita pa nga lang ang pangalan ni Seb, halos pigain niya na ang kanyang telepono habang gumugulong sa kanyang kama. At nang buong mabasa pa ang nilalaman ay talagang napangiti ang kanyang mga mata.
Saksi ang apat na speaker sa kanyang kwarto sa labis niyang kagalakan.
Kagalakan, dahil nag-update sa kanya si Sebastian.
Hindi kasi biro mawalan ng isang telepono, naranasan niya na ito noon. Hindi siya magkandaugaga sa paghahanap habang sinusubukang tawagan ito gamit ang telepono ng kanyang mga kaibigan.
At syempre, sino ang kanyang unang pinagsabihan ng nangyare?
Sino pa ba?
Kundi ang mga taong malapit sa kanya. Ang tatay niya, ang Lola niya at ang mga pinakamatatalik niyang kaibigan.
Sila lamang ang papasok sa kanyang isip na i-text kung siya ang nasa kalagayan ni Seb. Kaya ang pag-text at pag-update sa kanya ng binata ay talagang nagbigay ng malalim na kahulugan.
He updated me, so I think I'm special to him now. Of course I am! Ganda ko kaya!
Kinikilig na sabi ng kanyang isipan. Buti nga at hindi ito personal kaya hindi niya kailangang magpigil ng kilig. Hindi pa naman siya sanay magtago ng ganitong damdamin. Isa pa ay hindi niya maitatago ang malalim na mga dimpol sa kanyang mga pisngi.
Ilang sandali lang ay dumating na rin ang sagot ni Sebastian.
"Habang sumasakay ako ng bus, may naramdaman akong dumudukot sa bulsa ko. Kinapa ko naman agad. Tapos may nahawakan akong kamay. Nakaholding hands ko pa yung dumukot, tapos nakatitigan din. Ang romantic no? Hahahaha! Kaso ‘yon, ang bilis ng pangyayare. Naipasa niya na sa mga kasama niya, kaya hinayaan ko na."
"Sayang naman.. pero ang importante naman ay okay ka lang."
"Oo naman, kaya ayon burahin mo na ang number kong yon. Ikaw, kamusta ka naman?"
"Okayy, eto actually I am about to sleep na nga eh.. "
"Ohh okay, good night!"
"Pero pwede naman ding maya-maya na, 'di pa naman din talaga ako inaantok."
"Okay. Kamusta ka nga ulit? I mean kamusta ang araw mo?"
"Uhmm, okay naman. Puro work syempre, and still adjusting. Big help nga dahil mabait at madali i-approach ang mga kasama ko sa office. So yun.. ikaw, how was your day, bukod sa nawalan ka ng phone."
"Okay lang din. Galing ako sa base namin kanina."
"Base?"
"Yup, Base. Yan ang tawag namin sa studio namin ng mga kaibigan ko at ka-banda."
"Bakit Base ang tawag niyo?"
"Wala namang special reason. Doon lang kami dumidiretso kapag nagka-cutting kami noong highscool at college. Nasa abroad kasi ang parents ng tropa namin na 'yon, ang mga ate naman niya ay madalas ding wala. Kaya doon kami nagtatago parati."
"Pasaway kayo! Hahaha So ano ginawa niyo do'n kanina? Did you record na ba?"
"Ikaw ba, 'di mo pa na-try mag cutting class?"
"Kaya nga tayo nag e-enroll sa school para matuto 'di ba? So bakit ako mag ka-cutting class?"
"Sorry po. Pero Ma'am, marami rin naman tayong matutunan sa labas ng klase."
"HAHAHAHAHA. Joke lang. Ang seryoso mo naman po, Sir. Oo naman nakapag cutting class naman na ako, pero college ko na siya na-try. Never noong high school."
"Akala ko, isa ka ring kj. Masaya kaya mag cutting noong highschool."
"Maybe it's not right na tawagin mo ring kj ang mga taong nag-aaral nang mabuti at ayaw mag cutting class. Iba't iba naman ang happiness ng mga tao.."
"Oo nga, sabagay. My bad."
"Pero yun nga, for me mas masaya sa klase noong highschool. Tsaka nakapalda kami so 'di kami makaka-akyat sa bakod like you guys!"
"Oo nga no, 'di ko naisip yon. Hahaha"
"Mukhang solid din ang highschool days mo ah."
"Oo naman, highschool was the best. Doon ko nakilala ang mga bestfriends ko."
"Sila Kamilla ba yan?"
"Yup, lima kaming magbebestfriends. We're inseparable na simula noong highschool. Dapat pati college nga eh, kaso ayaw nila ng engineering."
"You mean ayaw mo ng ibang course. Haha"
"Oo, If you put it that way. Pero yun, madalas pa rin kami magkita-kita noon. Kaya may mga times din na nagka-cutting ako... Ikaw kamusta 'yong sa'yo?"
"Puro kalokohan lang kami noon. Di ko maalalang nag-aral ako nang matino. At siguro naman pansin mo na madalas mag-cut ng klase si Lawrence noon. Seventy percent chance na kami ang reason kung bakit siya absent."
"Oo nga madalas 'yon absent. Pero kahit naman gano'n 'di naman niya pinabayaan ang studies niya."
"Oo naman. Kapag importante ang klase, papasok pa yon kahit lasing. Bilib din ako sa kanya."
"Ako rin bilib sa kanya. Pero speaking of Lawrence, biggest kasabwat ka niya 'di ba?"
"Saan? Kasabwat kasi namin ang isa't isa sa halos lahat ng kalokohan."
"Alam mo na yun, madalas na 'yon kasi ang reason kung bakit sila nag-aaway ni Kamilla. Lagi kayang umiiyak ang kaibigan ko. At ikaw! Ikaw nga ang kasama at kausap niya madalas kapag nambababae! Tsk."
"May pruweba ka po ba, Miss? Haha"
"Oo marami. Mga screenshots, teka nga. Andito 'yon sa chatbox namin ni Kamilla. Jk."
"Okay, okay 'di ko na po itatanggi. Ako nga po lagi ang kasama niya."
"Okay, good. Ganyan dapat, honest."
"Bakit sa tingin mo, hindi ba ako honest?"
"Paano ko masasabing honest ka if kasabwat ka ng isang taong nag-che-cheat?"
"Woah, biglaan naman yata akong napunta sa hotseat."
"Oh, 'di ka makasagot no : )))"
"Hindi naman sa gano'n. Pero bago kita sagutin, tell me, ano gagawin mo kapag alam mong nag-che-cheat kaibigan mo?"
"Pagsasabihan ko."
"Na?"
"Na masama ‘yon. Na makakasakit siya ng feelings ng isang tao. I’ll even ask him, what if sa kanya gawin 'yon? Maybe magbibigay ng sense sa kanya 'yon."
"Eh paano kung 'di nakinig?"
"Uhmmm pano nga ba. Then bahala siya. If I'm friends with his or her partner then maybe, just maybe lang naman. Isusumbong ko sya.. pero before yun, I will really try to persuade him to stop cheating. For me iyon ang gagawin ng isang true friend."
"Oh? Kahit pag-awayan nila ang sasabihin mo, okay lang sa’yo? Kahit masira ang pagkakaibigan niyo dahil ang pagsusumbong mo ang naging reason nila ng break up?"
"Bakit 'di pa ba sapat na reason yon? Oh sagutin mo na ang tanong ko kanina, paano mo nasabing honest ka if kasabwat ka?"
"Una sa lahat pinagsabihan ko naman 'yon. Bago kasi maging sila ni Kamilla, sanay naman na kami sa casual dating. Kaya nang naging sila, sa totoo lang, nakaramdam naman ako ng guilt na hindi ko mapigilan sya na itigil na ang pakikipagkita sa iba.. lalo na noong nakilala na namin si Kamilla."
"Did you even try your best na pagsabihan ang kaibigan mo? Do you even know how much he hurt Kamilla?"
"Na-experience mo na ba magkaroon ng kaibigan na nagkaroon ng third party?"
"Hmmm. Wala pa naman, well wala pa naman sa pagkakaalam ko ah. So anong kinalaman non sa tanong ko sa'yo?"
"See. Di mo pa na-experience kaya medyo 'di mo maiintindihan."
"Hindi maiintindihan ang what? Kung bakit nagche-cheat? Siguro 'di ko nga maiintindihan kasi wala rin naman akong intention na intindihin sila or ang mga kasabwat nila. ?"
"Ganito na lang, put yourself in my situation. Friend mo sila both. Tapos ang isa may kinikita bukod sa partner niya. Isusumbong mo ba siya kahit alam mong malaki ang chance na masira ang pagkakaibigan niyong dalawa?"
"Hindi ba't that's the right thing to do? Kung parehas mo silang friend, sa tingin mo, what will the other one feel kapag nalaman niyang you knew everything but you did not choose na sabihin 'yon sa kanya?
Hindi ba't malaki rin ang chance na masira ang friendship niyo because you have denied her the truth? In simple words, hindi ka naging honest sa kanya."
"Ayan malapit mo na makuha ang point. Ang gusto kong iparating sa'yo."
"Huh? Di kita maintindihan."
"Isipin mong maigi, maiipit ka lang sa gitna. Kung parehas mo silang kilala at kaibigan, 'di ka pipili sa kanilang dalawa."
"You don’t need to choose between them, Seb. Ang kailangan mong piliin is kung what is the right thing to do. To tell them the truth. And since you didn't choose to do that, you even lied to Kamilla. Then you're not just dishonest, mali pa ang pinanigan mo.."
"Noong sinabi kong honest ako, hindi 'yon tungkol sa kung sinabi ko ba ang totoo o hindi kay Kamilla. Ang ibig sabihin ko ay, honest ako sa kung anong nararamdaman ko, kung ano ang tama para sa'kin.
Walang kinalaman ang morality dito dahil blurred ang line sa pagitan ng tama at mali pagdating sa relationships.
Dahil love will always be a choice.
Isipin mong maigi. Kung sinabi ko kay Kamilla na may inuwing babae si Lawrence. Syempre mag-aaway sila, pwedeng tuluyan na silang maghiwalay o pwedeng magbati lang din ulit. Tapos kung magbalikan man sila ulit, pwedeng magbago na nang tuluyan si Lawrence, pwede rin namang hindi. Kung magloko man siya ulit maghihiwalay lang din ulit sila, this time pwedeng final na 'yon o pwedeng tanggapin lang ulit siya ni Kamilla.
Nasira ang pagkakaibigan namin ni Lawrence pero in the end 'di rin nagmatter kung sinabi ko man ang totoo o hindi kay Kamilla. Dahil Love will always be a choice.
Nasa sa kanila kung pipiliin ba nila ang isa't isa—kung paano nila aalagaan ang isa't isa. At ang tama para sa'kin ay hayaan silang pumili kung ano ang kahihinatnan nila."
"Nooo, mag ma-matter 'yon. Tama ka sa part na love will always be a choice, pero paano magiging tama ang decision ng isang tao if hindi naman niya alam na may tinatago pala ang partner niya? Hindi ba't napaka-unfair naman 'non?
At kung totoo kang kaibigan sa kanilang dalawa, hindi ba't dapat maging gabay ka sa kanila. You should always help them see the right path. For Kams, help her see the truth. While for Lawrence, help him na magbago. That’s the meaning of true friendship."
"Baliw lang ang naniniwala na ang life or love ay magiging fair sa kanila.
Pagdating naman sa paggabay sa kanila, kahit na anong sabihin natin sa isang tao, kung ano ang gusto niyang gawin, iyon ang pipiliin niya.
Isa pa, kailangan ba natin malaman ang lahat para makapag-decide? At kung malaman man ng isang tao ang lahat, sa tingin mo ba tama na ang magiging decision niya?"
"Not exactly fair and right, what I mean is at least that person will not look like a fool dahil pinagkaitan siya ng katotohanan. At least kahit masaktan siya nang sobra sa malaman niya ay makapipili siya. Makakapili siya based on the truth. That is the most important thing."
"Makapili based on the truth?
Life and love ay talagang unfair paminsan-minsan, actually mas madalas pa nga.
Kaya hindi sa lahat ng pagkakataon ay malalaman natin ang totoo. Kaya nga tayo may instinct at sariling understanding, para makapili kahit na hindi natin malaman lahat ng detalye, dahil most of the time ipagkakait sa atin ang totoo.
At kung malaman man natin ang totoo, it doesn't mean na it will lead to right choices. May mga pagkakataon nga na ang ignorance pa natin sa situation ang magbubunga ng tamang decisions. May mga oras din na mas mabuti na hindi na natin malaman ang lahat at totoo.
Hawak nila ang buhay at damdamin nila. Kahit ulit-ulitin ko ang pagpapayo kung hindi naman pipiliin ni Lawrence na magbago, wala rin. Gano’n din kay Kamilla, kahit ilang beses akong magsumbong o kahit lagi niyang mahuli si Lawrence, nasa sa kanya pa rin 'yon kung pipiliin niyang manatili sa relationship nila. Kaya pinili kong huwag silang pakealaman.
Hindi rin nagma-matter kung nagmumukha na ba tayong tanga o kung ano mang isipin ng iba.
Dahil pagdating sa pagmamahal, we'll always be a fool, Asha."
"Wait, time out. Don't say my name! Ang weird pag galing sa'yo. Huhu"
"Good weird or bad weird?"
"Weird weird!! Haha
Ang weird kasi parang naririnig ko ang boses mo kahit magka-text lang tayong dalawa."
"Oh? Akala ko, ako lang! Hahaha!"
"Pero sa mga sinabi mo kanina, I think, mga lessons yan sa past relationship mo. Kailan ba kayo nag-break?"
"So ngayon inaassume mong dahil lang 'to sa break up. Haha"
"Am I wrong, Sir?"
"Ba't ikaw, kailan ba ang last relationship mo?"
"Ang galing mo magbalik ng tanong eh no? Pansin ko."
"Mas nangingibabaw lang siguro ang curiosity ko sayo : ))"
"Sabagay crush mo nga pala ako no. K. I never had one."
"Talaga? Tingin ko hindi ka naman iyong tipong hahayaang ma-miss 'yong fun."
"Yup, tama ka naman. So maybe I can see no fun dating my suitors noon. Kaya 'di rin worth it subukan. Don't know actually."
"Paano po ba nagiging worth it para sa'yo, miss?"
"Find it out yourself, mister."
"Oh, is that a challenge?"
"Nope, it will be a punishment for those who will dare to try. 'insert evil laugh'"
"Hahahaha! Btw, kailan ka free?"
"Woah there. Nice transition... Are you asking me out?"
"I'm asking, 'kailan ka free?' : )))"
"Let me rephrase. Are you asking when I am free so you can ask me out ba?"
"HAHAHAHAHA! Okay, fine. Im asking you out on a date. O, kailan ka ba free?"
"Saturday pa, around 3 pm."
"Gano'n ba. Sige, kita tayo sa sat ng 4pm."
"Wait wait, umoo ba ako?"
"Let me rephrase din. Kita tayo ng saturday, 4pm?"
"Sorry, pero I can't."
"Ganon ba, okay lang : )"
"Jk. Fine. Saturday, 4pm."
At natapos ang gabi na puno ng ngiti ang kanilang mga labi.