[TPP]
October 20, 2021
8:20pm
Cheers!
At sabay-sabay itinaas nila Asha ang kanilang mga baso na may lamang pineapple juice. Gustuhin man kasi nilang uminom ng alak ay Miyerkules pa lang at maaga pa ang pasok ng lahat kinabukasan.
"How's Seb?" Nakangiting tanong ni Iya bago niya ibaba ang hawak na baso sa lamesa.
"He's okay. Confirmed ko nang babaero siya pero.. I am ninety percent sure naman na he doesn't cheat," kumpiyansang tugon ni Asha. Pagkatapos ay tumingin siya kay Kamilla at muling nagsalita. "He carefully explained his side naman kung bakit he didn’t tell you the truth noon. Medyo naintindihan ko na ang reason niya."
"Nagkausap naman na kami tungkol don noong sunday. Kaya huwag mo na rin siyang awayin," pabirong sagot ni Kamilla.
"Actually-y.. I'm about to start a war na nga noong mag-katext kaming dalawa," paglalambing niya kay Kamilla.
"Aww, I love you babe." Maluha-luhang yakap ni Kamilla kay Asha.
Si Mika naman na nakangiting nakatingin sa kanila ay biglang nantukso. "So may something na ha."
Naningkit ang mga mata ni Asha. "Hmm, sabihin na lang natin na nag-up ng one level ang curiosity ko sa kanya."
"One? Hindi ba two?" Nakngising singit ni Iya.
"I think three nga eh, ibang klase ang kilig niya ngayon," dagdag na pang-aasar ni Mika.
"Okay, fine! Five levels!" Nakangiting sambit ni Asha habang mahinhin niyang nilalaro ng straw ang mga yelo sa kanyang baso.
Biglang nagbago ang atmospera ng paligid.
Buti nga at nauna magsalita si Asha kaysa sa pag-inom ni Iya dahil kung hindi ay baka naibuga nito ang laman ng kanyang bibig. Si Kamilla naman na bahagyang nakasandal kay Asha ay itinuwid ang postura, at tsaka diretso siyang tinitigan. At si Mika ay nanlaki ang mga mata at tenga, nananabik sa parating na kwento.
Noong hayskul kasi si Asha, bukod sa 'paninindigan' niya sa pagbibigay ng numero sa mga kakilala. Meron din siyang tinatawag na 'Levels of Curiosity'.
Ito ay para sa lahat ng mga nagpapakilala sa kanya o may balak manligaw. At tanging silang magkakaibigan lang ang nakakaalam.
Meroon itong labintatlong antas.
At kapag hindi nalagpasan ng isang lalake ang labintatlong lebel ay mapupunta siya sa tinatawag na friendzone.
Lvl 1: Syempre dito sila lahat nagsisimula at madadagdagan lamang depende sa mga nakikita o maririnig ni Asha.
Plus 1 level agad ang mga may katangkaran. Si Asha kasi ay may taas na 5 feet at 6 inches. Sa totoo nga ay 80 percent ng mga manliligaw niya ang hindi nakukuha ang puntos na 'to, ang minimum height kasi na gusto niya ay 5' 10".
Plus 1 din kapag type niya ang physical appearance. Automatic naman ata yon sa lahat ng tao. Ang mga tipo ni Asha ay yung may medyo singkit na mga mata. Turn on din para sa kanya yung sobrang litaw na adams apple, yung tila naghihintay na lang na pitikin. Yung fit at maganda manamit at higit sa lahat syempre, yung boses. Oo kasama sa itsura ang boses. Yung malalim na boses na bagay sa mga binanggit sa itaas.
Isa pang dagdag na puntos ay kapag kapareho niya ang trip pagdating sa musika. Another plus 1 kapag tumutugtog ng mga instrumento, yung talagang tumutugtog, hindi yung marunong lang.
At pagdating sa academics, may plus 1 yung kalapit sa kanyang kurso ang tinatahak. Architecture, interior design, o kahit na ano pang engineering profession.
Yan ang mga dagdag na puntos na nakukuha sa unang impresyon. Kaya ang pinakamataaas na curiosity level ni Asha na pwedeng makuha ng isang lalake sa unang limang minuto ng pag-uusap ay hanggang level six lang. Anomang bagay na higit pa doon ay makukuha na habang nanliligaw o kinikilala nila ang isa't isa.
Noong hayskul at kolehiyo, ang pinakamataas na nakuha ng isang manliligaw niya ay Level 12. Yun ay si David.
Yung hanggang ngayon naman na nangungulit sa kanyang si Kevin ay hanggang lvl 6. Sa totoo lang, ang lahat ng puntos nito ay dahil sa unang impresyon lang. Matangkad, tumutugtog ng instrumento, kasundo niya rin sa musika, engineer, at gwapo. Kaso hanggang dun nalang yun, wala kasi talaga silang koneksyon, yung tipong napaka-awkward nila mag-usap. Kaya hindi rin siya masyadong ine-entertain ni Asha.
Tapos ngayon ay si Seb. Na sa unang impresyon ay nakakuha ng lvl 5. At sa unang buong gabi nilang pagkukwentuhan ay agad ding nadagdagan ng dalawa.
Level 7 sa unang gabi? Hindi na masama. Kaya naging espesyal ang turing niya dito. At nang magka-text pa sila ng ilang gabi ay agad ulit itong nadagdagan ng limang puntos.
Kaya ang kabuuan ay labindalawa.
"Ang bilis naman! Parang kaka-chat mo lang nun na sabi mo nasa level 7 na siya, plus 5 then 12 na? Seryoso ba?" Bukang-bibig at nanlalaking mga mata na tanong ni Iya.
Ngumiti lang at hindi sumagot si Asha habang patuloy na nilalaro ang mga yelo sa kanyang baso.
"So isa na lang pala. Hmm. Inaya ka naman na niya magdate?" Dagdag na tanong ni Iya.
Namumulang sumagot si Asha. "Yup. Sa Saturday, magkikita kami."
Marahan siyang binangga ni Kamilla bago nang-asar. "Last one, magagaya kaya siya kay David?"
"We’ll see.." Mahinhing sagot ni Asha.
Napangiti silang lahat kay Asha. Sa totoo nga, kahit na alam nilang babaero ang posibleng mapusuan ng kanilang kaibigan ay mas nababahala pa sila para sa lalakeng iyon.
Kilalang-kilala kasi nila si Asha at alam nila kung paano niya subukin ang mga taong nagbabalak sungkitin ang puso niya.
Kung iisipin nga ay malapit nang tuluyan na makuha ni Seb ang loob ni Asha dahil naabot na nito ang ikalabindalawang lebel ngunit hindi ganoon ang sitwasyon.
Ang nahuhuling lebel kasi ay do or die. Binansagan nga nila itong Level Fireday the 13th dahil kapag nagkamali nang kahit kaunti ang manliligaw ni Asha sa parte na ito ay siguradong friendzone agad ang bagsak niya.
Maihahambing ang buong proseso sa isang taong nagbabalak kunin ang napakaganda at namumukod-tanging bulaklak ng isang matayog na puno.
Ang mga unang hakbang paakyat ay maaaring masabi na madali, lalo na para sa mga taong biniyayaan ng talento at magandang katangian o pangangatawan.
Sa kalagitnaan naman ay susubukin ang kanilang pasensya at kung ano ang kanilang nalalaman.. Kung ano ba ang mga sangang dapat nilang kapitan o panghawakan. Dapat din ay maging maingat sa kanilang mga tatapakan. Karamihan ay bumabagsak na sa parteng ito ngunit may iilan pa rin namang nakayang lagpasan.
At kung malapit na sa itaas ay aakalain ng iba na nalagpasan na nila ang pinakamatinding pagsubok.
Ngunit dito sila labis na mabibigla. Dito kasi, kanilang dadatnan ay ang mga pinakamaninipis na mga sanga, mahaharap sila sa mabigat na desisyon kung ano ang kanilang pipiliin panghawakan. Dagdag pa ang matinding kaba dahil sa labis na pagkalula. Ang iba ay pinili na lang na bumalik paibaba dahil sa takot mahulog at masaktan habang ang mga nagpatuloy naman ay nagkamali at lumagpak sa kanilang pinanggalingan.
Ang huling hakbang ay talagang susubukin ang kanilang lakas ng loob. Ang kanilang paninindigan. Ang kanilang pagkatao. At sa paglipas ng mga tao ay wala pang nakakaabot sa bagay na ito—
Ang namumukodtanging bulaklak na nasa pinaka-nakakakilabot na 13th level ng curiosity ni Asha.
At dahil nasasabik na ang kanyang mga kaibigan na makita siyang umibig, sa kanilang isipan ay sana naman, magtagumpay na si Sebastian.
. . . .
10:13 pm
Ang gabi ay napuno ng masasaya nilang kwentuhan hanggang sila ay isa-isa nang magpaalam umuwi. At dahil parehas ng direksyon ng uuwian sina Asha at Mika, sila ay magkasabay.
"San pala kayo magkikita?" Tanong ni Mika kay Asha.
"Di pa niya sinabi, he said sa Friday na lang niya sasabihin."
Binangga niya si Asha. "May pa-suspense ang peg."
"Or maybe wala pa siyang naiisip at nag-pa-plan pa lang dahil kinakabahan."
"Ikaw, 'di ka ba kinakabahan?" Nakangiting tanong ni Mika.
Si Asha ay napatigil sa paglalakad. "Alam mo.." Hinintay niyang mapatingin sa kanya si Mika. "You know naman na I'm usually confident pagdating sa mga ganitong bagay, pero right now kinakabahan talaga ako."
"Maybe dahil.. this is something really special?" Nantutuksong tugon ni Mika.
"Or maybe dahil mabilis?"
"Maybe?"
"Asar! Puro maybe!" Natatawang tapik ni Asha kay Mika.
Napangiti sila sa isa’t isa bago sabay ulit na naglakad.
Tanong ni Mika, "About saan ka ba kinakabahan?
"Everything! May pasok pa kasi ako ng sat di ba? So I’m thinking, need ko pa ba magbaon ng extra shirt? What should I wear then? Tapos what should I do kapag magkasama na kaming dalawa.. ano pa ba.. what test should I give him, ang dami, ang daming tanong sa isip ko ngayon. Argghh!" Kagat labing panggigil ni Asha.
Pinakikinggan lang siya ni Mika habang patuloy siyang nagsasalita. Hindi nga namalayan ni Asha na huminto pala isi Mika sa paglalakad.
"...What if maubusan kami ng topic? What if maging awkward.. What if mag-attempt siya ng mga alam mo na. s**t! What if..."
Naputol ang kanyang pagsasalita nang mapansin niya na wala na sa kanyang tabi si Mika.
Pag lingon niya sa likuran ay nakatayo lang ito, ilang hakbang mula sa kanya, nakalapat ang palad sa bibig at mistulang nasusuka.
Dali-dali niya itong nilapitan at tinanong. "Hala.. Anong nangyare? Okay ka lang?"
At siya ay nagulat sa naging reaksyon nito.
Biglang tumawa si Mika nang malakas.
"Huy, anong meron? Bat ka tumatawa?" Iling ni Asha.
Si Mika naman na hinihingal sa pagpigil ng pagtawa ay sumenyas na saglit lang. Bahagya pa itong napakapit kay Asha habang hinahabol ang hininga.
Naningkit ang mga mata ni Asha nang muling nagtanong. "Huy, anong meron!?"
"Teka.." Sagot ni Mika habang pinapakalma ang sarili at pinupunasan ang mga mata dahil tila naiyak siya sa katatawa. "Ikaw kasi.."
"Hoy! Anong ako?!"
Ngumiti si Mika. "First time kasi kita makita mag-overthink nang ganiyan pagdating sa isang guy."
Naniningkit ang mga mata ni Asha, kaya pinagpatuloy pa ni Mika ang pagpapaliwanag.
"Honestly, iisipin ko na sanang hindi ka normal na babae, kasi you're always almost composed pagdating sa love. Kaya I always look up to you, actually pati rin naman sila Iya. Ang mga paninindigan mo pagdating sa relationship and dating. Mga cool mong payo at saway sa'min. Ang chill mo lang, kahit na kaharap mo na yung ultimate crush mong nagbabalak manligaw sayo."
Nakangiting napatitig si Asha kay Mika habang nagpapatuloy ito sa pagsasalita.
"...Para kang unreachable star tuloy na laging kumikinang kaya lalong na i-inlove at nababaliw sila sa'yo.. Pero ngayong narinig na kita mag-rant at mag-overthink. Mas naging comfortable ako na ma-realize na normal na babae ka rin pala. Kaya eto natawa tuloy ako. Sorry." Paglalambing niya sa kaibigan.
Nakangiting isinandal nang bahagya ni Asha ang sarili kay Mika. "Ba yan! Akala ko kung ano. Pero sobrang special niyo rin naman for me.”
"Nope. You're always more special. Naalala yung time na nag-cheat ang ex ko sa'kin? Tapos nahuli mo akong umiiyak sa may stairs."
Tiningnan muna ni Mika si Asha kung naalala niya pa ito. At habang abala sa pag-iisip si Asha ay pinagpatuloy na ni Mika ang kanyang kwento. "Hindi ko malilimutan kung papaano mo ako hinatak pabalik sa classroom at hinarap kay Tristan.. Walang salitang lumabas sa bibig mo. Sinampal mo lang siya nang malakas bago mo ako hatakin pabalik sa stairs."
Kumunot ang noo ni Asha nang maalala ang tinutukoy ni Mika. "Oh that damn guy. He deserves more pa nga."
"Paulit-ulit mong sinasabi 'yan noong paulit-ulit ko ring sinasabi na mag sorry ka sa kanya kasi ako ang may kasalanan.. dahil naging boring ako, na hindi ko siya napagbigyan sa mga gusto niya.” Biglang napailing at napangiti si Mika. "Hindi ko malilimutan yung bigla mo akong sinampal din sabay sabing 'you don't need to force yourself to do something you're not ready to do para lang mapasaya yung lalakeng mahal mo. Kasi kung mahal ka niya in the first place, he'll wait and never cheat'. Tapos umiyak ka rin bago mo ako pigain ng yakap."
"Naalala mo pa pala yan, sorry ulit kung nasampal kita that time pero like him, you deserve it too!" Bumubungisngis na sagot ni Asha.
"I know na I deserve it that time. Thank you sa pagpapa-realize. Third year palang tayo that time pero may mga ganong banat ka na towards love. Doon ako nagstart i-look up ka, that time ko na-realize how special you are. As a friend, as a girl, and ngayon as a woman.” Bahagya niyang niyakap ang braso ni Asha. “Ang cute din kasi, ikaw ang bunso pero at the same time, ate naming lahat pagdating sa relationship. Always ready to cover our backs o i-cheer kami kapag may problema."
"Ako pa ba? A in my name stands for what nga?"
"Oo na, ikaw na ang pinaka-awesome. Perfect ka na siguro kung lumaki pa konti 'tong mga to." Sabay lamas niya sa dibdib ni Asha.
"Ayyy.. What the hell!" Natatawang sigaw ni Asha habang inaalis ang kamay ni Mika.
"So yon, good luck sayo and good luck din sa'min.. kasi turn naman namin magpayo sayo, I'll try my best!"
"Aww, no pressure, I love you!"
"I love you too, big bunso!"
"Bunso pala ha!" Ngisi ni Asha bago sampahan sa likuran si Mika. Tila matumba nga ito dahil halos hanggang balikat lang siya ni Asha.
"Hoy! Ang bigat mo!"
"Eh 'di ba kinakarga ang mga bunso!"
"Hoy! Pakiramdam ko mababali likod ko!"
Si Asha naman ay tumawa lang at patuloy na nagpakarga. Sabay halik sa pisngi ni Mika at bumulong. "I’m really happy to have you, guys. Thank you sa mga sinabi mo kanina."