[TPP]
Mabilis na lumipas ang mga linggo para kina Asha at Seb.
Kung noon ay kinatatamaran nila ang pagte-text, ngayon ay madalas na nilang hawak ang kanilang mga telepono para kausapin at mag-update sa isa't isa. Hindi kasi sila pwedeng madalas na magkita dahil sa kanilang mga trabaho. Masyadong abala sa opisina ni Asha, at kadalasan ay gabi ang gig ng banda ni Sebastian.
Ngunit kahit na ilang beses pa lang silang nagkikita, pero dahil naging araw-araw na silang magkausap ay totoong napalagay na ang loob nila sa isa't isa. At sa lalong paglalim ng kanilang nararamdaman ay nagsisimula na ring maging hindi sapat ang pag-uusap lamang sa telepono.
. . . .
December 8, 2021
Isang tipikal na gabi para kay Seb, bukod syempre ngayong nadagdag na si Asha sa buhay niya.
Siya ay nasa isang gig, umaawit. Mas naging galing nga sa puso ang kanyang tinig, isang bagay na pansin din ng kanyang mga ka-banda at tagapakinig. Kita rin kasi sa kanyang mga labi ang mas makahulugan na mga ngiti.
(Playing: Cherry Wine - Grentperez)
Why you standing all by yourself?
Those shoes were made for dancing with someone else
Why don't we move over to that empty space?
I'll bet you twenty bucks I'll put a smile on your face
I know a place where we can
Dance the night away
Baby, we could try to
Make the world spin slower
We could take our time and
Get to know each other over cherry wine ♪
Habang umaawit si Seb ay bahagya siyang napapikit, at sa kanyang muling pagdilat, ay kanyang naaninag ang babaeng nakatayo sa isang sulok ng bar, nakangiti habang mahinhin na kumakaway. Nang masilayan nga ito ng binata, ay agad na dinalaw ng ngiti ang kanyang mga labi. Mapaglaro at malambing niya rin itong kinindatan.
"Thank you."
Nang matapos ang kanta at pagpapasalamat ni Seb, ay agad siyang dumiretso sa kinaroroonan ni Asha. Habang papalapit ay dahan-dahan ding napapangiti ang kanyang mga mata. Ngunit, nang makaharap niya ang dalaga ay hindi siya nakapagsalita. Kinikilig niya lang na tinapik ‘to sa noo.
Si Asha naman na halatang kinilig din ang unang nagbitaw ng tinig. "May pakindat-kindat ka pa kanina, tapos ngayon 'di ka makapagsalita," pang-aasar nito kay Sebastian.
Muli itong tinapik ni Seb sa noo at saka nagtanong. "Kumain ka na ba?"
"Not yet, treat mo'ko?"
"Tara..."
Magkahawak-kamay silang nagkwentuhan habang naglalakad. Tuwang-tuwa na pinakinggan ni Seb ang mga kwento ni Asha. Karamihan ay tungkol sa trabaho, tila naging stress reliever na siya ng dalaga. May pagkakataon na biglang matatawa si Seb, dahil akala niya ay tapos na ang kwento ni Asha, ngunit saglit lang pala itong titigil para huminga. Hindi nga siya makasingit dahil bigla-biglang dudugtong si Asha ng "at alam mo ba," o "at eto pa..."
Nang makarating na sila sa kanilang ka-kainan ay talagang namangha si Asha.
Ang kainan kasi ay isang parke na punong-puno ng mga tent na nagliliwanag dahil sa samu't saring makukulay na mga ilaw. Ang mga tent naman ay puno ng mga tindahan ng iba't ibang uri ng pagkain, na malayang pagpipilian ng mga nagugutom na bisita.
Mula sa mga fried foods na tinatawag ding tusok-tusok para sa mga gusto lang mag-meryenda, iba't ibang klase ng putahe na masarap ipares sa kanin o tinapay sa mga gustong maghapunan, 'di mabilang na flavor ng inumin, hanggang sa mga matatamis na panghimagas—sorbetes, salad, mga prutas, at marami pang iba. Pagkatapos naman makapili ng mga bisita ng kanilang kakainin ay komportable silang makakapwesto sa mga lamesa at upuan sa paligid. Kung sabado nga sana ngayon ay mayroong pang mga banda na tumutugtog sa entablado na libreng mapapanood ng lahat. Ngunit, dahil miyerkules pa lamang ay bakante ito, liban sa malaking mga speaker na naghahatid ng masiglang tugtugin.
Ang parke ay totoong napupuno ng masayang mga ingay—mga kwentuhan at tawanan ng bawat bisita na may mga sariling mundo kasama ang kanilang mga kaibigan, kapamilya, o kasintahan.
Tuwang-tuwa na nag-ikot sina Asha at Seb, naghahanap ng gusto nilang kainin. Sa kanila ngang pagmamasid-masid ay biglang sabik na sabik na napasigaw ang dalaga. "Isaw!" Para itong bata na naluluha pa ang mga mata sa galak nang makita ang mga iniihaw.
Nakangiting nagtanong si Seb, "Ano pa?"
"Ikaw na bahala, basta buy me isaw!" Gigil na gigil na tugon nito sa kanya.
"Okay, gusto ko ng bulalo."
"Basta lots of isaw!"
Nang makabili ng kanilang pagkain ay agad silang umupo hindi kalayuan sa entablado. Dito ay talagang dinig nila ang mga awiting tumutugtog. At dahil sila ay parehas nang nagugutom, ay kaagad din silang kumain at muling nagkuwentuhan.
"Nga pala, uuwi si Dad sa birthday ko, so dapat siguradong pupunta ka."
Nakangiting tumango si Seb.
"Pag 'di ka pumunta, 'di na kita kakausapin ulit."
"Noted po, Ma'am."
"Saka ipapakilala kita sa kanya, so better be ready."
Nang-aasar naman na nagtanong si Seb, "Ano mo ako ipapapakilala?"
"Syempre as manliligaw, sinagot na ba kita?" Na-asar na sagot ni Asha.
Napabungisngis ang binata, si Asha naman ang nagtanong. "Ikaw, kailan mo ‘ko ipapakilala sa mga parents mo?"
"Hmm.. Pag isipan ko.."
"Siguro marami ka nang pinakilala sa Parents mo," nantutuksong panghuhuli ng dalaga.
"Wala pa akong pinapakilalang babae sa kanila."
"Weh?"
Nginitian lang siya ni Seb, sabay tangkang kumuha ng stik ng isaw sa plato ngunit biglang tinabig ni Asha ang kanyang kamay. "That's my isaw!" Masamang titig ng dalaga.
Nang makita naman ni Seb ang tila batang reaksyon ni Asha ay pigil na pigil itong napatawa.
"So ilanng babae na ba dinala mo sa bahay at pinakakilala sa parents mo?” Muling tanong ng dalaga.
"Ang kulit mo, wala pa nga."
"Eh—h, ba't wala pa?"
"Kasi wala pa. Wala naman nang ibang rason pa."
"Or maybe, dahil isa lang naman ang habol mo sa kanila?"
"Ha?" Patay malisyang tugon ni Sebastian.
"Oh, please, you know what I'm talking about," sambit ni Asha bago kagatin ang isaw para matanggal sa stick at nguyain.
"Ba't 'di mo na lang diretsong sabihin?"
"Physical intimacy.. 'Di mo naman siguro ikakaila, no?"
"Bakit kapag kausap kita, pakiramdam ko lagi akong nasa hotseat."
Pagkatapos ngumuya ay mapaglarong ngumiti si Asha, "Hindi ka pa ba sanay?"
"Nasasanay naman na." Nakangiting pag-iling-iling naman ni Sebastian.
"Good, so tell me na, bakit wala ka pang ipinapakilala sa parents mo, dahil ba…”
"O, ano nanaman ‘yan, ituloy mo."
"Wala pala, nevermind."
"Tapos bigla kang matatakot magtanong.."
"Para namang sasagutin mo?"
"Try mo, ano ba 'yon?"
"When was the first time you had s*x? And kailan naman ang last?"
Natawa si Sebastian, bahagya nga siyang napailing at napahawak sa kanyang noo. "Mga tanungan mo, eh, no? Tas dalawa agad."
"Tapos ngayon magrereklamo ka.." Pagkunot ng noo ng dalaga.
"Kailan nga ba 'yong una... third year highschool yata? Di ko masyadong matandaan na. Basta 'yong huli naman ay netong September lang."
"Seryoso ba? Hindi mo man lang natandaan kung kailan ang una mo? Hindi ka ba nanghihinayang?"
"Nanghihinayang sa?"
Diretsong tumitig si Asha. "Na hindi meaningful and memorable ang first mo."
Napatingin din nang diretso si Seb, bahagyang nakangiting nantukso. "Pakiramdam ko, ikaw ang nanghihinayang."
Hindi naman pinansin ni Asha ang pang-aasar ni Seb, siya ay muli lang nagtanong. "Ba’t ‘di ka nanghihinayang? Happy ka na ba when you do it with anyone? Hindi ba't masarap sa feeling if you did it with someone you really love?"
Sandaling natahimik si Seb, humigop ng sabaw, ibinaling saglit ang tingin sa paligid saka muling tumingin kay Asha. "Ano ba ang paninindigan mo pagdating sa physical intimacy?"
"Syempre it will be with someone I really love, someone I really care about. Tapos dapat after getting married lang."
"Kahit kiss?"
"I mean, making love..." Saglit na tumigil si Asha, mapang-akit na ngumiti kay Seb bago itinuloy ang sinasabi. "Sa kiss siguro, basta na-feel ko lang."
"Pagbibigyan mo sa first base, pero hindi sa homerun. Nakakaawa naman ang lalakeng 'yon kung sakali," pag-iling ni Seb.
"Maswerte na nga siya at pagbibigyan ko siya sa kiss kahit hindi pa kami kasal. Tapos nakakaawa pa siya for you?"
Napangiti si Seb, pinipisil-pisil ang kanyang ibabang labi habang maiging nakatitig kay Asha, isa o dalawang segundo siyang nakatitig bago nagsalita. “Hindi ko lang ma-i-imagine kung papaano magpipigil ang lalakeng 'yon sa panggigigil sa'yo."
Mapang-akit na ngumiti ulit si Asha. "So that guy must be good sa pag-handle ng gigil niya. Baka naman sa iba niya gawin dahil 'di ko pinagbibigyan."
Bahagyang inilapit ni Seb ang kanyang mukha, inabot ang noo ng dalaga, at paulit-ulit na mahinhing pinitik habang nakatitig. "Duda ‘ko. Sa tingin ko kapag hinalikan mo na ang lalakeng 'yon, ikaw na lang ang hahanap-hanapin niya."
Nang marinig iyon ni Asha, ang kanyang mga dimpol ay nagising at tila mga bituin na nagbigay ng mamula-mulang kulay sa kanyang pisngi. "Ilang babae na ang nakuha mo using that line, Mister?”
"Kung makukuha kita, ikaw ang una."
At sa lubhang mapang-akit na tono sumagot si Asha. “Do you want me right now?"
Kahit nga lubhang epektibo ang pang-aakit ni Asha, pinilit pa rin ni Seb na huwag itong ipahalata. "Depende. Kung alok ba yan o nang-aasar ka lang."
Humalakhak naman bigla ang dalaga. "Syempre naman, I’m just teasing you. Marami ka pang pagdadaanan. Dapat contented ka na muna sa holding hands."
Nasasabik na napangiti na nga lamang si Seb sa hangin, halatadong lubhang epektibo ang panunukso ni Asha.
Dugtong na tanong naman ni Asha. "So ikaw naman, if you will introduce me sa parents mo, paano mo ‘ko ipapakilala?"
“Ganito…” Napangisi ang binata. "Ma, si Asha nga pala, 'yong nakwento ko na may crush sa’kin. Kinuha niya pa number ko sa mutual friend namin para lang makausap ako.”
Kumunot ang noo ni Asha, "Ay wow. Ang kapal po ng mukha niyo, oh, mga kaibigan.”
"O bakit? Totoo naman ang sinabi ko 'di ba?"
"Oh, please, sino kaya 'tong grabe makatitig, 'ang ganda ng kantang yun 'no?'" Panggagaya niya sa tono ni Sebastian.
Talagang napabungisngis si Seb, pabiro siyang tinitigan nang masama ni Asha. Ilang segundo silang tahimik bago muling nagtanong nang seryoso si Asha.
"Pero.. Na-iimagine mo pa ba ang sarili mo having s*x with other women?"
"Bilhan mo kaya ako ng beer, pang-inuman ‘yang mga tanong mo, eh,” natatawang tugon ni Seb.
"Nope. I want to hear your answer while sober. Mas ramdam ang sincerity."
"Lasing man ako o hindi, naka-set na ang pagiging honest ko."
"Wala naman akong sinabing 'di ka honest. Ramdam ko rin naman ang sincerity mo."
"Oh, bakit mo pa itatanong 'yon, kung nararamdaman mo naman pala ang sincerity ko?"
"Syempre, I can't help to think lang na gagawin mo pa rin 'yon with other women, dahil sanay ka lang na ginagawa 'yon without feelings involve."
"Na-ja-judge na pala 'ko."
"Oo, ji-na-judge kita sa part na yan."
"Ano po ba ang kailangan kong gawin para 'di mo na isipin ang ganyang bagay?"
"Mag-promise ka."
"Promise."
"Di ko feel.. Hmm.. Ganto.. sabi sa mga stories noon, if mag pa-promise, dapat may isang bagay na sobrang important sa’yo na involve.. so kapag nag-break ka ng promise, you'll end up losing that thing."
"Bale dapat mag-promise ako sa pamamagitan ng isang bagay na sobrang importante sa'kin ngayon."
"Yep.”
"Okay, gets. Sige pikit ka."
"Bakit naman? Ay.. ayoko nga. Baka bigla mo akong i-kiss."
"Loko, hindi kita hahalikan, dali pikit ka."
Pumikit naman si Asha, kanya ring tinakpan ang kanyang mga labi para hindi makapagnakaw ng halik ang binata. At ilang segundo lang mula nang siya ay tuluyang pumikit.
Narinig niya ang napakalambing na tinig ni Sebastian.
Promise, 'di ko na gagawin 'yon ulit sa iba.. Wag ka na mag-overthink.. I love you.
Labis ang tuwang naramdaman ni Asha nang marinig ang mga sinabi ni Seb. Hindi nga niya napigilan ang sarili at binuksan niya na agad ang kanyang mga mata. At sa kanyang pagdilat.. nakita niya kung papaano siya pagmasdan ni Seb..Biglang nga itong nagsalita pa, "Ito ang unang beses na sinabi ko ang mga salitang 'yon. Kung ano mang meron tayo ngayon, iyon ang something na ayokong mawala, kaya 'di ko sisirain ang pangako ko."
Kinikilig na napangiti si Asha. "Ulit! I want to hear it again.”
"Ang alin?" Patay malisyang tugon ni Seb, alam niya naman kasi kung ano ang tinutukoy ng dalaga—ang tatlong makahulugang salita.
"Yung ano.. yung three words," mahinhing paglalambing ni Asha.
"Ayoko nga, kaya nga kita pinapikit."
Mapang-akit at mapang-asar naman na sumagot si Asha, "You don’t want to hear my answer?”
At nang marinig 'yon ni Sebastian ay agad siyang naapektuhan ng isang 'di maipaliwanag na mahika. Siya ay napahinga nang malalim bago muling sabihin ang nais ulit na marinig ng dalaga. "I love you."
At nang muli naman itong marinig ni Asha, ay lubos ang kanyang ligaya. Bakas ang lubos na tuwa sa naluluha na mga mata.
Ngunit—
Hindi gaya ng sinabi ni Asha, hindi niya ibinalik ang tatlong salita na ito kay Seb.
Ang binata nga ay napangiti na lang. "Sabi na nga ba, it’s a trap."
Ang dalawa ay lubos na napangiti habang nakatitig sa isa't isa. Ngunit ilang saglit lang din ay binasag ng isang kanta ang kanilang pagtititigan.
(Playing: Till there was you by The Beatles)
Nang marinig ang intro, ay sabik na sabik na tumayo si Asha. "This song! Do you know this song?!"
"Medyo? Bakit?"
"Tara, sayawin natin!"
"Sayawin? Saan?" Naguguluhang tanong ni Seb.
At hinatak ni Asha si Sebastian. "Right here and right now!".
Lalong nagtaka lang si Seb. "Baliw ka ba?" Pagtawa niya.
"Diyan sa stage. Bilis!" .
Dahil hindi mahatak ni Asha si Sebastian, at sa isip ng dalaga ay mabilis at maikli lang ang kanta. Naisipan na lang nito na magbigay ng isang lubhang nakatutuksong alok. "I'll kiss you after natin sumayaw! Dali—i!"
Nang marinig naman ito ng binata ay hindi na siya nakapalag. Tila lumakas si Asha dahil nakaya nitong hilahin si Seb paakyat ng entablado.
At walang sinayang na oras, agad na humawak si Asha sa balikat ng binata, at dahan-dahan itong ginabayan sumayaw.
"Pucha, nakatingin silang lahat sa'tin," nahihiyang reklamo ni Seb.
"Ba’t kasi sa kanila ka nakatingin?”
“Hindi kasi ako marunong sumayaw, tingnan mo, para akong tanga.”
"Ang importante, kasayaw mo 'ko."
Ang pintig ng kanilang mga puso ay sinabayan ang mabilis na ritmo ng kanya.
Napatitig ng diretso si Seb kay Asha; sa unang mga segundo nga ay talagang nahihiya pa siya kaya’t naibabaling niya ang tingin sa kanyang mga paa, ngunit hindi rin naman nagtagal ay talagang sinulit na ng kanyang mga mata ang napakagandang imahe na kanyang nahahawakan. Dahil sila ngayon ay nasisinagan ng mga ilaw, talagang klaro ang bawat detalye sa mukha ng dalaga. Madalas kasi, ay pahapyaw at panakaw lang siya tumitig ngunit ngayon ay talagang bukod-tangi, ilang sentimetro lang kasi ang pagitan ng kanyang mga mata sa mukha ni Asha.
Siya ay tuluyan nang nahulog. Ilang saglit lang din ay naglaho na ang nararamdaman niyang hiya. Hindi na niya alintana ang lahat dahil isang bagay na lang ang kanyang iniisip.
Ang halik ni Asha.
At kahit na alam niyang hindi totoo ang pangakong halik nito. Hindi pa rin maalis sa kanyang sarili ang umasa at manabik. Siya ay lubos na nasasabik na mahaplos ang mga labi ni Asha.
Habang si Seb ay nalulunod sa mukha ni Asha. Si Asha naman ay bahagyang natatawa. May pagkakataon kasing natatapakan siya ni Seb. Kapag nga siya ay natatapakan ay bahagya niyang kinukurot ito, ngunit hindi naman napapansin ng binata. Pero kahit hindi nagtutugma ang kanilang pagsayaw, hindi rin maitatanggi ni Asha ang kasiyahang nararamdaman. Tila mas lumalim nga ang mga lumitaw na dimpol sa kanyang mga pisngi. Kung magiging tapat nga lang siya sa kanyang sarili, ay gustong-gusto niya nang yakapin ang kanyang kasayaw, ngunit, pinipigilan niya ang damdamin na nag-uumapaw dahil marami ang nakatingin.
At dahil maikli lang ang kanta, ay agad din itong natapos.
Sa pagtatapos, si Asha ay tila napahawak sa hangin dahil siya ay hindi nakabestida, bagkus ay nakapantalon, nang siya ay mahinhin na yumuko sa harap ni Seb.
Ang binata naman na nakakulong pa sa kanyang sariling mundo ay biglang nagising sa ginawa ni Asha at bahagyang yumuko rin.
Tila naglaho ang lahat ng tao sa paligid. Masaya pa silang nagtitigan at nagtawanan bago maisipang bumalik sa kanilang kinauupuan. At habang pabalik, si Seb ay nagsalita. "Nasaan na ang kiss?"
"Did I promise?"
Kahit bigo, bakas pa rin nag kasiyahan sa mga mata ng binata. Ngayon kasi ay nakatatak na sa kanyang memorya ang nakakabighani at masayang mukha ni Asha habang nasisinagan ng magagarang mga ilaw. "Sabi na." Dismayado ngunit nakangiti niyang tugon.
Napangiti rin si Asha, at hinawakan ang kamay ni Seb. Katulad kanina ay hinila niya na ito pabalik. Ngunit bago pa man sila tuluyang makababa, sa may hagdan, siya ay biglang humarap sa binata, hinawakan ang isa pang kamay nito at dahan-dahang hinatak palapit sa kanya. Siya ay tumingkayad—
At sa sumunod na segundo ay naglapat ang kanilang mga labi.
Pabaon ng mabilisang halik na ito ni Asha ay, "I love you too."
Tila tumigil ang oras para sa kanilang dalawa.
Si Seb nga ay labis na nabigla; Tuliro at walang malay.
Si Asha naman ay mabilis na tumalikod at naglakad palayo. At dahil napansin niyang si Seb ay nananatili pa ring nakatigil sa kinatatayuan, pasigaw niya itong tinawag.
"Mamaya ka na managinip, tara na!”