"i'd never be with another woman"
Chapter 1: "With Friends"
BTW nsa bahay ako ng kaibigan kong babae si Mara nag kakayakagan kami pumunta sa barangay ng isa naming kaibigan na si Jara dahil mag pi-fiesta sa kanila at agad naming tinawagan ito ..
"Jara nag kausap kami ni Mara na pumunta dyan diga ay fiesta naman dyan sa inyo? sabi ko kay Jara
"talaga ba?? pupunta kayo? baka naman hmmmm!! drawing na naman kayo? sagot naman nya sakin , mahaba ang usapan namin hanggang sa nag kaintindihan na kami at kung saan kami mag kikita at kung anong isusuot namin papunta sa kanila ..
after many hours Gabi na .....
Nka skirt ako at hindi masyado maikli tama lang at naka fitted naman akong damit yung semi crop top na color peachš mag kikita na kaming tatlo sa piyestahanš
First time of my life na makagala ako with friends ..hanggang sa nag kita kita na kaming tatlo ..
"Tara dun tayo sa loob may ipapakilala ako sa inyo" naka ngiting sabi ni mara
At ayun sumunod kami ni Jara na nag tataka at usapan namin tatlo lang kami hanggang sa nakarating kami sa loob may ipinakilala si Mara sa amin
"Guy's boyfriend ko pala si Chad" pag papakilala ni Mara
Nagulat kami kasi unexpected na may bf na sya for 19y/ols hanggang sa nag kakilala na kaming lahat sayawan inuman at tawanan ang ganap ngayong gabi ..parang ayoko ng matapos ang gabing ito kasi ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya: nakakaramdam na ako na medyo kumakapal na ang mukha ko at nag ka yakagan na kami umuwe at kaming dalawa lang ni Jara ang umuwe nag paiwan si Mara kasama ang bf nya ..
Grabe not feeling well ang person masakit ang ulo ko gawa siguro ng alak kagabi at puyat tapos may pasok pa kami ngayon š¤§š¤§
habang nag sisimula na ang klase ay meron akong hinahangaan na klasmeyt namin as in hangang hanga ako sa personality nya ..malinis, at parang ang bango kaso hindi sya namamansin dahil heartrob sya sa campus namin.
"sis yung crush mo akala mo naman kung sino ..sabi ni Mara na nakita pala ako na nakatingin kay Matt
napahiya ako ng kunti at napangiti na lang ng patago seriously pogii sya ang kaso napaka suplado nya lalo na kung alam nya na may gusto ang isang tao sa kanya ..at hindi ko din naman ipag kakaila na maganda ako at sexy sabi nila pero sa true lang yun naman talaga ang totooš nagulat na lang ako at nsa harapan na pala namin si Matt
"Hi Fatima right?? biglang imik ni Matt
grabe to lorddd isang heartrob ng campus kakausap ng kagaya ko lang ..
"hi" tipid kong sagot na tago ang kilig(š)
nakatitig lang sya sakin na para bang tutuklawin nya ako..umiwas ako ng tingin para hindi obvious na gustong gusto kong pinapansin nya ako at biglang ..
"ahmmm can i favor?? napatingin ako kay Matt bigla na nakakunot ang noo ko..
"favor??? sagot ko naman sa kanya
"yes, may parade kasi kami at kailangan namin ng muse at hanggang ngayon ay wala kaming mahanap na muse ko" nkangiting sagot nya sakin ..
Nakakunot ang noo ng mga friends ko at alam kong hindi nila nagugustuhan kasi first of all alam ni Matt na may pag tingin ako sa kanya at kahit iniisip ko na Risky to give him wants a favor pero pumayag padin ako ..
"kelan ba yun? nahihiyang sagot ko at nkatingin sya sakin na medyo naka smirk ng konti , " next week, basta mag kita tayo sa labas ng campus" sabay talikod nya sakin na may sasabihin pa sana ako. .
Kahit medyo nakakabastos yung pag talikod nyang bigla sakin ay ayos lang ..at ito ako nkangiti pa din habang tinitingnan sya..
"hoyyy babae, wala ka man lang pa eme kahit kaunti sa Matt na iyon, "naka taas ang kilay ni Mara na nakatingin din sa papalayong lalaki .
"ahmmm you know Steph?? balita ko ay may something sa dalwang iyon at panigurado ko pag titripan ka lang nung lalaki na iyon para pag selosen si Steph ..
Nag katinginan kami ni Mara sa sinabi ni Jara, oo we know steph sya ang pinaka maganda sa campus namin kaya lang naman sya napapansin na maganda ay dahil din sa malakas ang self confedence nya at isa pa mayaman din sya ..what if kung naging mayaman din sana ako edi sana mas ahead ako kay Steph at sana kami ang Love Bird ni Matt sa campus na ito ...umalis na kami pabalik sa room at andun na ang adviser namin tahimik kaming nakikinig sa sinasabi nya..
"so next week na ang graduation nyo sobrang proud ako sa inyong lahat at sana kung dumating man ang time na may kanya kanya na kayong pamilya trabaho ay sana huwag nyo kakalimutan na may maganda kayong adviser haš" nakangiting wika ng adviser namin, na may konting halong biro
"we're sure ma'am " sagot ni Steph na tumingin pa kay Matt and as usual naka ngiti din yung isa grabe kitang kita sa mga mata nya ang mga Stars na patunay na gustong gusto nya si Steph ..
"at sa mga Love Birds natin sana kayo padin 'gang duloš biro ni ma'am na napansin din ang dalawa .." at mamaya maya lang darating ang mag aasikaso sa inyo para sa inyong graduation" dagdag pa nya na umalis na ulit ..
Grabe excited kami pra sa next week at sa darating pa , mag ka college graduate na kami at panibagong hamon hindi sa lesson kundi para sa hamon ng trabaho ..
Masaya kaming nag uusap sa loob ng room namin memories ba para sa aming mga mag kakahiwa-hiwalay ng landas at ako naman palihim ako nakasulyap sa poging mukha ni Matt habang nakatingin naman sya kay Steph ..
"Fat sana sama sama padin tayo ni Mara kapag mag a-apply na " nakangiting saad ni Jara sakin
"Aba syempre hindi pwedeng mag kahiwalay tayong tatlo" nakangiti ko namang sagot.