Zoe's POV.
"Babe, pagkatapos na 'tin magpahinga p'wede ba tayong mamasyal bukas? Please..." Pinagmukha kong nakakaawa ang mga mata ko sa harapan ni Jayden para payagan niya ko.
Alam ko na hindi ako matitiis ni Jayden eh. Tumingin siya sa direksyon ko at tinitigan ako ng matagal. Pagkatapos ay tumingin siya sa ibang direksyon at saka malalim na nagbuntong hininga.
"Sige na nga, pero bago dumilim ang paligid ay nakauwi na tayo dapat." Walang gana siyang umiwas ng tingin sa akin pagkatapos niyang magsalita.
Napatalon ako sa tuwa dahil sa narinig ko. Sabi ko sa eh. Hindi ako matitiis nitong si babe.
Samantala, bumalik ang lungkot sa mukha ko ng mag-sink in sa akin ang huling sinabi niya.
"Bakit naman, babe?" Tinitigan ko siya ng nakasimangot.
Ang bilis kaya ng oras. Pagkatapos ay uuwi na agad kami?
"Kasi babe, bawal kang mapagod. Alam mo naman na kakagaling mo lang sa sakit, hindi ba? Tsaka isa pa, ayaw kong napapagod ang mahal ko." Lumingon siya sa akin at binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti.
Naramdaman kong namula ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ko na naman mapigilan ma-inlove sa kanya.
"Thanks, babe. I love you." Hinalikan ko siya sa kanyang kanang pisngi.
"I love you too."
Kahit na may pagka-cold si Jayden, alam at nararamdaman ko naman na mahal niya ko at mahalaga ako sa buhay niya. I can't help, but to always fallen inlove with him.
Naalala ko pa, nang nawala ang alaala ko. Siya ang laging nasa tabi ko at tumulong sa 'kin para makalimutan ko ang nakaraan ko. Makalimutan na minsan ako nagkaroon ng karamdaman o sakit. Hindi siya kailanman nawala sa tabi ko. Kaya naman nagpapasalamat ako sa itaas dahil binigyan niya ko ng isang lalakeng kahit kailan ay hindi ako magagawang lokohin.
Pagkatapos namin maglambingan ay unti-onti na kong dinalaw ng antok at ako ay nakatulog.
*
Ito na ang araw na pinakahihintay ko! Med'yo matagal-tagal na rin kasi nang makapag-date kami ni Jared eh.
"Babe..."
Lumingon ako sa direksyon ni Jayden ng tawagin niya ko. Nakita ko na mas seryoso yata ang mukha niya ngayon kaya naman nag-alala ako.
"Yes, Babe? May problema ba?" Nagsalubong na rin ang dalawang kilay ko dahil sa pag-aalala.
"No, nothing. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita." Ngumiti ulit siya sa akin.
Napangiti ako at hindi napigilang mag-init ng aking pisngi dahil sa sinabi niya.
"Babe, matagal ko ng alam 'yon. Eh, ikaw ba alam mo bang mas mahal na mahal kita?" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Tara na at sumakay na tayo sa mga rides. Saan mo ba gustong maunang sumakay?" Umiwas siya ng tingin sa akin at parang bumalik sa pagiging cold ang mukha niya.
Pinigilan kong hindi matawa dahil sa ginawa niya. Paano kasi ay may fiancee na siya, pero kung umasta siya ay parang sobrang bitter niya at hindi gusto ang mga cheezy line katulad kanina.
Nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom at dito namin napiling pumasyal muna dahil sabi niya, 'Simulan na 'tin sa pinakasimpleng pasyalan.'
Hours later...
Pagkatapos namin makasakay sa lahat ng mga rides ay pinili namin na magpahinga muna sa bench na nakita namin.
"Gutom ka na ba, babe? Kain na kaya tayo?" Lumingon siya sa akin.
"No, Babe. Dito muna tayo. Gusto ko lang magpahinga muna saglit at tsaka hindi pa naman ako gutom. Actually, napagod lang ako dahil sa nakakamatay na rides na sinakyan na 'tin kanina." Natawa ako nang maalala ang hitsura ni Jayden habang nakasakay kami sa space shuttle kanina. Para na siyang mahihimatay.
Nagkuwentuhan lang kami ni Jared hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya.
"Babe, pasensiya na. Saglit lang ako at sasagutin ko lang ang tawag."
Tumango lang ako sa kanya at umalis na siya para sagutin ang tawag. Naiwan akong nakaupo sa bench. Siguro si Clark na kapatid ni Jayden ang tumatawag sa kanya. Kumusta na kaya ang tao na 'yon?
"Grabe ka din pa lang lumandi, Rhia. Hindi lang isa ang nilandi mo kundi lima. Ang mas malala pa, pinagsabay-sabay mo pa sila."
Napahawak ako sa aking ulo nang bigla na lang may nagsalita sa ulo ko.
Rhia? Sino 'yon?
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ito tinanong ng isip ko, pero sino nga ba siya? Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sumakit na naman aking ulo.
Tsk. Nasaan na ba si Jared? Dala niya ang gamot ko. Tubig! Kailangan ko ng tubig! Tumayo ako at nagtungo sa isang tindahan dito sa Enchanted Kingdom.
"Pabili po ng mineral water." Hawak ko pa rin ang ulo ko na sumasakit.
Binigyan niya ko ng tubig at pagkatapos iniabot ko sa kanya ang aking bayad. Sinuklian ako ng tindera. Inabot ko ito sa kanya at hindi sinasadyang nahulog ko ang ibang barya na inabot niya.
Sobrang sakit kasi talaga ng ulo ko.
Isa-isa kong dinampot ang mga nahulog hanggang sa may kamay na dumampot sa huling barya na aking nahulog.
"Here..." Tumayo siya ng tuwid pagkaabot niya sa akin ng barya na nahulog ko.
"Thank you sa pagtulong." Humarap ako sa kanya at inabot ang nahulog kong barya.
"Rhianna..."
Nakita ko ang gulat sa mga mata ng lalake habang nakatitig sa akin.
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"What? I'm sorry, but Rhianna is not my name. I'm Zoe Fuentez and soon to be Zoe Fuentez-Error." Ngumiti ako sa kanya at saka inabot ang kamay ko.
Kaya lang ay tinitigan niya lang ako, kaya binaba ko na lang ulit ang kamay ko.
"You can't fool me anymore, Rhia. Huwag kanang manloko sa akin dahil wala na naman akong dahilan para saktan ka pa." Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Parang may gusto nga siyang sabihin, pero hindi ko malaman kung ano ito.
Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi niya.
"Excuse me? Like I said before, I'm not the girl who you mentioned earlier. Besides, I don't even know you. I'm sorry, but I better have to go." Tumalikod ako sa kanya at akmang aalis na, pero bigla niya kong pinigilan.
Hinawakan niya ko sa aking braso at muling pinaharap sa kanya. Parang may kuryente na biglang sumindi sa sistema ko nang hawakan niya ko.
"Wait a minute."
"What's your problem? Like I said-"
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya kong niyakap.
"Please, don't leave me again. I don't want to lose you anymore."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang matulak. Pagkalipas ng ilang sandali ay may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako palayo sa kanya.
"Hey, you better not mess around. Don't suddenly hug someone's property. She's my fiancee and you better not forget it." Pagkatapos akong hilahin ni Jayden palayo sa lalake ay niyakap niya ko ng mahigpit.
Naiwan akong hindi nakapagsalita dahil sa nangyari.