Chapter 2

1617 Words
Happy birthday To you! Happy birthday to you! Malakas na musika ang umaalingawngaw sa buong bakuran ng mga Suarez. Punong-puno din ito ng mga batang nakikisaya sa mga clown na nagpapakita ng ibat-ibang magic sa mga bata. Nakangiti sya habang pinagmamasdan ang mga bata at si Yhuan na karga-karga ng Daddy nya habang nanonood din ng mga magic. Alam nyang mas masaya sana ang birthday party ni Yhuan kung kumpleto sila, kung nandito sana ang Daddy nito. Pero malabong mangyari yon, dahil hindi nya hahayaang mangyari yon sa ngayon, pero hindi nya sinasara ang pinto nya na kung darating ang panahon na handa na syang magpatawad at tanggapin si Andrew kahit para sa anak nalang ay gagawin nya. Pero huwag muna ngayon. "Hey bakit andyan ka? bakit di ka maki join sa party?" Tanong ni James ng lapitan sya nito at inabutan ng juice sa baso. Ngumiti muna sya sa kaibigan bago kinuha ang juice at sumagot. "Thank you, and Thank you naka attend ka kahit alam kung busy ka sa practice mo with National Team" "Pwede ba kong mawala sa first birthday party ng gwapo kung inaanak" Nakangiting sagot nito. "Oo nga naman, tara maki join tayo sa mga games nila" Yaya nya kay James para malibang ang sarili at mawala ang pangambang bigla na lang sumulpot si Andrew sa birthday ng anak. "Yhuan come to Mommy" Nakangiting sabi nya ng makalapit sa mga ito at mabilis na binuhat ni James ang bata bago pa nya nakuha mula sa pagkakakarga ng Daddy nya. "You're heavy little boy eh Ninong can't carry you na" Biro ni James sa bata na tuwang-tuwa naman ng makita sya. "Say hi to Ninong baby" Sabi nya habang pinipisil-pisil nya ang malambot na pisngi ng anak. "Mam, Sir picture po muna, para may Family picture kayo" sabi ng lalaking may bitbit na malaking camera. Nagkatinginan pa sila ni James at liningon ang Daddy nya na napakamot ng ulo at inakbayan ang Tita Shiela nya. Umiwas naman ito agad ng tingin marahil hindi rin nito nagustuhan ang sinabi ng photographer. Napagkamalan silang mag-asawa ni James. inakala ng photographer si James ang Daddy ni Yhuan kahit na sino naman siguro pagkakamalan sila. "Ninong sya, wala ang Daddy nya" Tipid na sagot nya sa photographer na kaagad namang humingi ng paumanhin at mabilis na umalis para kuhanan ang ibang mga bisita. "I'm not ready to be a Daddy, pero kung kasing cute naman ni Yhuan ang baby why not!" Biro ni James at tinaas sa ere ang bata at humagalpak naman ito ng tawa. "Bakit hindi kapa maghanap ng magiging Mommy ng Baby na gusto mo?" Tanong nya at kinuha si Yhuan rito. "Pppprrrttt.... I'm still young, isa pa nasa high pa ko ng career ko hindi pa ko papayagan ni Coach na mag asawa na, girlfriend nga ayaw nya eh that's why I'm still single and free" Sagot ni James at lumakad sila palapit sa bakanteng upuan habang abala ang mga bisita sa panonood ng show at pagkain. "Anyway how's Andrew?" Seryosong tanong nito ng makaupo na sila, tinignan nya ng masama ito at hinalikan sa noo si Yhuan bago sinagot ito. "Andrew is not part of me anymore, to Yhuan as well. It just me and Yhuan forever." Seryosong sagot nya na kay Yhuan nakatingin. "Is that what you want?" Tanong ni James at pasimpleng kinuha ang kamay nya at pinisil yon. "Kaibigan kita Yna, at ilang beses ko nang nasabi sa iyo ito dati at hindi ako magsasawang sabihin ulit. Anak ni Andrew si Yhuan at kahit sinong Ama may karapatan ito sa anak nya, kahit pa sabihin nating nakagawa ito ng malaking kasalanan sa iyo sya at sya parin ang Ama ni Yhuan, hindi mo maitatago yan habang panahon" Paliwanag ni James sa kanyan, ilang beses na ba nyang narinig ang ganoong sermon sa kaibigan? mula yata ng ipagbuntis nya si Yhuan lagi na nitong pinapalala na si Andrew ang Ama at may karapatan si Andrew kay Yhuan. Alam naman nya yon pero, hindi palang sya handa sa ngayon na harapin si Andrew at kung makakaya sana nya hindi na nya ipapaalam pa kay Yhuan ang tungkol kay Andrew, hindi naman sya kailangan ni Yhuan, kaya naman nyang buhayin ang anak, magtatrabaho na sya sa asyenda tutulong na sya sa Ama sa pagpapatakbo ng asyenda nila at kung susuwertihin sya magtatayo sya ng sariling negosyo sa San Miguel at natitiyak nyang hindi nya mapapabayaan si Yhuan, maibibigay nya ang lahat ng pangangailangan ng anak kahit wala si Andrew. "Thank you, you're a true friend James, kaya nga ikaw ang kinuha kung Ninong eh" Nakangiting sagot nya para itago ang emosyon. Sa tuwing napapag usapan nila si Andrew hindi nya mapigilan minsan maging emosyonal, ewan nya kung bakit, pero lagi nyang sinasabi sa sarili na isang blessing sa kanya si Yhuan at kung paano man ito nabuo ay ayaw na nyang isipin pa, masakit na isipin na dahil kay Andrew nasira ang buhay nya, ang lahat ng plano nya, ang masaya nyang kabataan, pero hindi nya kailanman sisisihin si Yhuan sa mga nangyari sa kanyan. "Yhuan!" Malakas na tawag ni Thea habang papalapit sa kinauupuan nila ni James. "Thea! akala ko hindi ka na makakarating" "Pwede ba yon! Happy birthday Yhuan may gift sa iyo si Tita look oh" Sabi nito at winagayway ang malaking box na nakabalot. "Say thank you Tita" "Ang gwapo nya ah! hmmmp. anyway this is Markus my office mate" pakilala nito sa lalaking katabi nito at nakipag kamay kaagad kay James. "Office mate lang ba talaga?" bulong nya sa kaibigan. "Yep office mate lang" sagot ni Thea at kinindatan pa sya. "Upo muna kayo magpapadala ako ng foods dito" sabi nya at tumayo bitbit si Yhuan para tumawag ng waiter na mag seserve sa mga kaibigan. "Ate Yna ako muna hahawak kay Yhuan" Sabi ni Penny ng makasalubong nya ito. "Ah.. sure sure" sagot nya at iniabot kay Penny ang bata at tinuro kung saan sila nakapwesto at dahil kakilala naman ni Penny si James nakitabi na ito kay James. Matapos nyang ma asikaso ang pagkain ng mga kaibigan nagpaalam muna syang magpapalit ng damit dahil tila nainitan sya sa suot na long sleeve and skinny jeans. Kaya naman kaagad syang pumasok sa loob ng bahay. "Ako parin ang Ama ni Yhuan, may karapatan ako sa anak ko! Ilang taon na rin ako nag tiis, and I think that's enough!" Sigaw na narinig nya ng makapasok sya sa loob ng bahay at bigla syang kinabahan ng marinig ang pangalan ni Yhuan. Napahawak sya sa dibdib at hinakbang ang mga paa kung saan nagmumula ang mga sigaw, habang halos sasabog na ang dibdib nya sa kaba at takot na nararamdaman. "I know pero ayaw pa ni Yna, ayoko at ng Tito mo na umalis nanaman ng bansa si Yna para iwasan ka, hijo intindihin mo na lang muna si Yna hindi pa sya marahil handa sa ngayon." "Handa? kailan pa? pag nagka isip na ang bata at hindi na ko kikilalaning ama?" "Hijo hindi naman siguro aabot sa ganon" "No Ma! tatapusin ko ang kahibangan ni Yna ngayon. Maghaharap na kame" Matigas na sabi ng lalaking nakatalikod sa may pinto pero kahit hindi ito humarap alam nyang si Andrew yon. Lalong lumakas ang kaba nya ng marinig ang sinabi nito. Anong gagawin nya? paano nya haharapin si Andrew? paano kung kunin nito sa kanya si Yhuan? hindi! hindi sya papayag kailangan may gawin sya bago pa makita ni Andrew si Yhuan. Sabi nya sa sarili at mabilis na tumakbo palabas ng bahay para kunin si Yhuan at kung maari magkukulong nalang muna sila sa kwarto nya at pagkatapos ng party aalis sila ng bahay, maari silang sumama kay James, tama si James matutulungan sila nito ulit. Pagdating nya sa labas hawak-hawak parin ni Penny si Yhuan habang katabi si James at nagkukwentuhan ang dalawa, mabilis syang lumapit at kinuha si Yhuan kay Penny. "Ate Yna what's wrong?" nagtatakang tanong ni Penny marahil nagulat sa ikinilos nya. "Ah.. nothing bibihisan ko na rin.... si....Yhuan..." tarantang sagot nya at mabilis na tumalikod sa mga ito napansin nya ang pagtataka sa mukha ni Penny at James busy naman si Thea at Markus habang kumakain kaya hindi marahil napansin ang kinikilos nya. "We need to hide baby. I'm sorry If, I'm going to ruin your birthday" naluluhang bulong nya sa anak habang halos takbuhin na nya ang pagpasok sa bahay. Pagpasok nya sya namang paglabas ni Andrew sa Library kung saan nagkakasagutan sila ng Ina nito kanina. Napahinto sya sa pag hakbang, ganoon rin si Andrew, nagkatinginan sila at nalipat sa hawak nyang bata ang mga mata nito. It's been almost two years pero wala parin itong pinagbago. Nakasuot ito ng expensive jacket na kulay brown, white shirt, and chuck shoes. His porn hair still look the same or tila humaba yon na bumagay naman rito lalo, his eyes na halata sa mga mata nito ang galit. Galit? kung may dapat magalit sa kanilang dalawa sya yon! wala itong karapatang magalit sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nya. "Is that my son!" Hindi tanong yon kung hindi pang ngungumpirmang sabi nito at humakbang palapit sa kinatatayuan nya. Hindi sya makakilos nais nyang tumakbo paakyat sa taas at magtago roon pero tila may nakadagan sa mga paa nya at hindi nya maikilos ang mga yon. Humigpit ang yakap nya sa anak na tila ba ano mang sandali ay aagawin ito ni Andrew sa kanya. Naramdaman nya ang paninikip ng dibdib nya at pananakit ng sikmura sa pagpipigil na huwag umiyak sa harapan ni Andrew. Hindi sya iiyak, marami na syang naluha at hinding-hindi sya iiyak sa harapan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD