bc

Because of Love 2

book_age18+
18.7K
FOLLOW
66.7K
READ
billionaire
escape while being pregnant
CEO
drama
small town
like
intro-logo
Blurb

"Money can buy anything in this world Yna, even people!" Sagot nito. At sumilay sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.

"So ano? You own this place? Did you bought this whole town just to make me misserable? Nabili mo na rin ba pati ang mga tao sa paligid ko? Lahat ba sila nabayaran na ng pera mo?" Galit na sigaw. Hindi maiwasang maiyak. Dahil sa nakikita n'yang mala demonyong ngiti sa mga labi ni Andrew nasagot na ang lahat ng tanong n'ya.

Alam naman n'ya na wala s'yang kakampi sa bahay nila kahit mismong ang Daddy n'ya hindi n'ya kakampi, hindi na s'ya magtataka, kung noon nga nagawa s'yang ipambayad utang ng Daddy n'ya kay Andrew at ngayon si Yhuan naman dahil lahat yon sa pera. Napakasakit isipin na sarili n'yang Ama ang nagtutulak sa kanya sa bangin. maling-mali ang desisyon n'yang bumalik pa ng San Miguel, kung nanatili lang sana sila ni Yhuan sa New York hindi ganito ang sitwasyon nila ngayon, anong laban n'ya kay Andrew? Mapera ito at makapangyarihan isama pa wala s'yang kakampi sa bahay nila o masasabing sa bayan nila.

"I know masakit marinig but, yes, Yna nabili ko na lahat ng meron ka! Akin lahat ng inaapakan mo! Akin lahat ang nakikita ng mga mata mo! Kakampi ko lahat ng nakaka-usap mo! Pera ko ang binubuhay mo sa anak ko!" Matigas na sagot ni Andrew na tila ba bawat salita nito umihiwa sa puso n'ya.

Sunod-sunod na patak ng mga luha ang tanging naging sagot n'ya, pagod na s'yang umiyak pagod na pagod na s'ya, sinulyapan n'ya si Yhuan na mahimbing parin ang tulog.

"Ibigay mo nang maayos ang gusto ko para sa anak ko Yna, ibigay mo ang karapatan ko sa anak ko at hindi ka na mahihirapan!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HAPPY 1ST BIRTHDAY YHUAN Ang malaking banner na nakasabit sa tabi ng malaking swimming pool, puno ng mga naglulutangan mga ibat-ibang kulay na mga lobo at ilang mga palamuti, na sadyang pinalulutang sa pool para mas maging maganda ang tubig. "I can't believe you're already 1 year old baby Yhuan," bulong n'ya sa batang nakasakay sa stroller habang pinagsasawa ng bata ang mga mata sa makulay na desenyo ng paligid. "It's your first birthday my Baby Yhuan, Mommy always love you" Bulong n'ya ulit sa bata at kinuha mula sa stroller at binuhat ang malusog na batang lalaki. "Hello there handsome baby" Si Penny ng makalapit sa kanila may hawak na maliit na balloon at nilalaro sa harap ng bata at tuwang-tuwa naman ito. "You're a big boy now Yhuan. Ang bilis n'yang lumaki no Ate Yna" "Oo nga" Tipid na sagot n'ya at sinuklay n'ya ang makapal na buhok ng anak na alam n'yang sa Ama nito namana 'yon. Bigla n'yang naisip si Andrew na mula ng maipanganak n'ya si Yhuan sa New York ay hindi pa nito nakikita ang anak nila. Anak nila? Oo kahit ayaw n'yang tanggapin si Andrew parin ang Ama ng anak n'ya. Matapos ang gabing puntahan n'ya si Andrew sa Maynila para aminin ang tunay na nararamdam rito, pero na uwi lang ang lahat sa sakit at sama ng loob ng makita n'yang kasama ni Andrew si Lea sa Condo nito. Sinubukan s'yang habulin ni Andrew para kausapin, para magpaliwanag pero hindi na n'ya ito pinagbigyan pa. Sinundan s'ya ni Andrew sa San Miguel pero hindi na s'ya muling nagpakatanga umiwas s'ya. Ginawa n'ya ang lahat maiwasan lang ito, kahit pa pinakiusapan na s'ya ng Daddy n'ya at Mommy nito na makinig s'ya para na lang sa batang dinadala, nagmatigas s'ya at wala s'yang pinag-sisihan sa naging desisyon n'ya. Pagka graduate n'ya kahit ayaw ng Daddy n'ya lumipad s'ya pa New York para doon ipapatuloy ang pagbubuntis n'ya, hindi naman sa tinatago n'ya sa mga taga San Miguel ang pagdadalang tao n'ya na walang asawa, gusto lang talaga n'yang mamuhay mag-isa at iwasan si Andrew na panay parin ang paghahabol nito sa kanyan, at panay din ang iwas na ginawa n'ya. Namuhay syang mag-isa sa New York kahit buntis s'ya, tinulungan s'ya ng kapatid ni James na sa New York naka base. Isa itong Nurse sa kilalang hospital sa New York at ito ang naging kagabay n'ya sa pagbubuntis n'ya. Nagawa din n'yang magtrabaho bilang waitress, sa sikat na restaurant na malapit sa tinutuluyan nila ng ilang buwan, para sa mga pangangailangan n'yang personal. Dahil nahihiya naman s'yang umasa na lang sa kapatid ni James, na si Jane na sadyang napakabait sa kanya at pumayag itong kupkupin sya sa New York. Naipanganak n'ya si Yhuan sa New York sa tulong ni Jane at ni James na sadyang nagpunta pa roon para gabayan s'ya sa panganganak n'ya, na tila ba ito ang Ama ng batang dinadala n'ya. Kaya naman malaki ang pasasalamat n'ya sa magkapatid at hindi s'ya pinabayaan ng mga ito. Sa New York narin n'ya pinabinyagan si Yhuan kinuha n'yang Ninong si James, at ang boyfriend ni Jane na si Dave at Ninang naman ang isang Nurse na kaibigan ni Jane na tumulong din sa kanya. Walang nakakaalam na ang mga ito ang tumulong sa kanya sa New York, hindi n'ya pinapaalam dahil alam n'yang pag nalaman ni Andrew na si James ang tumulong sa kanya sa New York magagalit ito. Wala namang kasalanan sa tutuusin si James, tumutulong lang ito. Mula ng makabalik sila ng anak sa San Miguel ilang beses ng sinasabi ng Daddy n'ya na gustong makita ni Andrew ang anak nila, pero agad n'yang tinatakot ito na aalis muli ng bansa pag nagpakita si Andrew sa kanila. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkaharap at magka-usap sila at hindi parin ito ang panahon para makita ni Andrew si Yhuan, hindi n'ya maitatanging anak nga ni Andrew ang bata dahil kamukhang-kamukha nito ang bata, wala man yatang nakuha ang bata sa kanya, marahil dahil noong pinagbubuntis n'ya ito ay laging si Andrew ang iniisip n'ya. At ngayong kaarawan ni Yhuan pinagpapaalam ng Mommy ni Andrew na payagan na si Andrew umattend ng birthday party ni Yhuan, tumanggi s'ya ulit. Hindi pa s'ya handa sa ngayon na makita ang nag-iisang lalaking minahal n'ya at sinaktan lang s'ya, pinaasa at pinaglaruan. "Ate Yna are you ok?" Tanong ni Penny. "Ah? yeah! I'm ok." Tipid na sagot n'ya at hinalikan sa noo si Yhuan na nilalaro ang buhok n'ya. "Anyway Ate Yna I know wala ako sa lugar para sabihin ito, but, I think Kuya Andrew need to see his son" Sabi ni Penny na nasa tono ang pagdidiin nito ng His son. Bumuntong hininga s'ya at lumakad palapit sa mesang inaayusan ng mga waiter na kinuha nila para sa big birthday party ni Yhuan. "I don't want to ruin this special day Penny " Seryosong sagot nya at sinulyapan ito na kahit wala na si Andrew sa San Miguel nanatili ito sa bahay nila at pinagpatuloy ang pag-aaral sa San Miguel University. Tuwing bakasyon umuuwi ito ng Norway, para makita ang nakababatang kapatid at ang mga magulang. Alam n'yang kasama nitong umuuwi ng Norway si Andrew dahil alam n'yang over protective si Andrew pagdating sa mga kapatid na babae kahit na sabihin pang mga halfsisters lang nito ang mga ito. "But he is Yhuan's Dad! you can't keep that forever from Yhuan! Yhuan need to meet his Dad and so Andrew need to meet Yhuan!" Pagsusumamo ni Penny. "Penny please not now! not today!" Pakiusap n-ya at lumakad papasok sa loob ng malaking bahay. Ayaw n'yang makasagutan si Penny kaya iiwas nalang s'ya. Pagpasok n'ya sa loob kaagad s-yang tumuloy sa silid n'ya, na tila nursery room na ngayon. Ang dating makikay na silid n-ya ay tila silid na ng batang lalaki dahil puro mga Superhero na ang nakadikit sa dingding. "I love you Yhuan. I'm sorry kung hindi mo pa pwedeng makilala ang Daddy mo ngayon, hindi pa kasi ready si Mommy, I'm sorry baby" Naiiyak na bulong n'ya sa anak, habang yakap-yakap n'ya anak. Alam n'yang mali na itago si Yhuan kay Andrew, pero hindi s'ya masisisi ng mga ito kung bakit n'ya ginagawa ang mga bagay na 'yon. Nais n'yang protektahan ang anak at higit sa lahat nais n'yang protektahan ang sarili kay Andrew, hindi n'ya alam kung ano ang magiging reaksyon n'ya pag nakita n'ya si Andrew? kung ano ang sasabihin nya rito? kung ano ang dapat nyang isumbat sa pagpapaasa nito sa kanya? Halos mag dadalawang taon na n'yang hindi nakikita si Andrew ng personal, dahil minsan nakikita n'ya sa Business news ito dahil sa galing nitong magpatakbo ng negosyo, at minsan nakikita n'ya sa mga showbiz news dahil na lilink ito sa ilang mga sikat na singer tulad ni Lea at ilang mga modelo at beauty queen, kaya lalong hindi n'ya magawang mapatawad kaagad si Andrew, dahil sa mga naririnig n'yang balita tungkol rito, pero sabagay pagdating sa mga Showbiz news bihira lang ang totoo dahil kadalasan gumagawa lang ng mga istorya ang mga ito para may maipalabas lang sa mga tao. "You'll meet your Dad soon Yhuan but, not now"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.4K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.2K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook