Struggles

2473 Words
"Five hundred na ang pinaka mababang presyo nang rentahan ng gown sa Sta. Cruz. Ang mahal pang-exam ko na dapat yon sa entrance exam for college e." Mahina kong kausap sa sarili, napakamot nalang ako sa inis. "Tayo partner Yen ha?" ani ArAr "May choice ba ako?" Sagot ko bago siya irapan. Naiirita na ako sa pagmumukha niya at t'wing nakikita ko ay parating nakangisi. Parang tarsier na naka smirked sa paningin ko e. "Ganda mo talaga Yen" aniya habang tumatawa. Habang tumatagal ay mas nagiging vocal siya kanyang nararamdaman, hindi na siya nahihiyang sabihin ang mga gustong sabihin. Hindi ko na din binabawal dahil nasasanay na ako at wala lang sa akin ang mga paramdam niya. My mind and body was only focused on one thing.. and that's my studies. Pag-aaral ang nakatatak sa akin dahil ito ang susi upang maiahon ko si mama sa kahirapan. Isasampal ko sa lahat ng mga humamak kay mama na hindi lang siya kabet. Hindi matatapos sa pagiging kabet ang titulo niya dahil may maipagmamalaki siyang anak na may titulo.. Pagka-uwi ay naabutan ko siyang nanahi ng mga butas kong salwal. Ngumiti siya. Ganda talaga ng mama ko, mana sa akin. "Oh anak kumusta sa school?" She asked when she saw me. "Okay lang sabi ng school." ani ko. "Baliw ka talaga! Kumain ka na diyan may tira pang ulam kanina." "Ma bahaw na naman kaya tumataba ako e!" "Yen mag-inarte ka kung maganda ka." "Ma! Maganda ako!!" sagot ko "Di mo sure." Aniya ng natatawa.. "Ang panget talaga ng mama ko!" sigaw ko habang papasok na kwarto. "Mas panget ang anak ko!" ganti niya naman. Humalakhak ako sa narinig. Ganito ang aming bonding mag-ina. Laitan! Pumasok na ako sa kwarto upang aralin ang mga dapat. Naga-advance reading ako sa aming mga susunod na topic nang marinig ang katok sa labas ng aking kwarto, bumukas ito at lumitaw ang ulo ni Mama. "Kain na nak." Aniya habang dinudungaw ang aking mga kagamitan. "Susunod na po ma" sagot ko at iniligpit ang mga ginamit nang mapansin si mama na pinapanood ang kilos ko. "Bakit?" I asked. Lumapit siya at niyakap ako. Naestatwa ako at kalaunan ay dinama na lamang ang ginagawa ni Mama. "Wala anak masaya lang ako.. Alam mo ba na parang dati lang takot na takot ako ng malaman na nagdadalang tao ako... lalo na ng malaman ko na may ibang pamilya ang Papa mo." Naghari ang katahimikan sa aking kwarto. I never heard this story, parati akong ilag sa mga kwento lalo na kung tungkol sa lalaking 'yon. Nagpatuloy siya kalaunan. "At gustong-gusto ka nilang ipalaglag. Pero nilaban kita.. Dugo ka pa lamang pero ramdam na ramdam ko na ang ating koneksyon.." Humigpit muli ang yakap ni Mama sa akin bago ako hinarap. Pinagmasdan ko ang mukha ni Mama. We didn't have any resemblance as a mother and child pero ang connection namin sa isa't-isa ay ramdam na ramdam ko. Masaya, malungkot o anu mang emosyon ay mabilis kong nalalaman. "You are the best thing that happened to me Adrienne keep that in your mind.. Always bear in your mind that I am the happiest.. because you are my daughter. Proud na proud ako sa'yo kahit hindi mo na galingan sa school anak, 'yung existence mo lang anak sobra sobra na sa akin.. One day kapag may sarili ka ng pamilya at anak, you will understand.. Na makita lang kitang masaya anak. I am at the top of world.. I am successful.." she said while her tears are streaming down her face. "Don't let the words they planted to you bloom within you Adrienne. Be the farmer of your own field.." And those words made my tear fell.. I have a lot of grudge to everyone who made us feel shit.. I always dream to have a vengeance, to see them miserable for making us too. "Hindi ma, g-gusto ko ang ginagawa ko. Pangarap ko ang maiahon sa kahirapan.." "Sus ang anak ko" aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Naupo na ako sa upuan naming gawa sa kawayan nang may kumatok. Binuksan ni mama at sumungaw ang pagmumukha ni ArAr na nakangiti. Tsk! "Oh anak si Ruther pala." Ani Mama na may tinatagong ngiti. "Bakit?" "Adrienne ayusin mo nga ang tono nang pananalita at para kang galit." ani Mama. "Galit nga ako ma!" "Baliw!" ani mama. Lumapit ako sa pintuan dahilan ng lalong paglaki ng kanyang ngiti. Mukha ba akong clown? At parating parang sumasaya ang buhay niya ah? "Bakit?" "Ah pinagdala kita ng paborito mong adobo'' nahihiya niyang inabot. "Wow! Thank you Ar! Tamang tama kakain na kami." "Hehe luto ko pala iyan" aniya habang hinahawakan ang batok niya. "Sus dapat lang na matuto kang magluto no." "Oo.. nga." aniya habang kinakamot ang ulo. "O siya sige na. Salamat dito ha." Ani ko at hindi na hinintay ang kanyang sagot at isinarado na ang pintuan. "Wow may pa-adobo si Ruther" ani mama halatang nang-aasar. "Shut up ma." "Hindi mo type?" "Bakit ko magiging type?" Balik tanong ko. "Gwapo at mabait?" "Labo ng mata mo. Panget talaga ng mga choices mo sa lalaki Ma." "Gaga ka!" Aniya sabay hila sa aking buhok. Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Kinabukasan ay nagmamadali akong mag-ayos dahil late na ako ng five minutes. "Ma! Hindi mo ako ginising?!" Sigaw ko dahil sa pagmamadali. "Para naman maexperience mong ma-late!" Aniya habang tumatawa. Iba talaga trip ng nanay ko e. "Alis nako!" sigaw ko habang tumatakbo. Natigil ako sa pagtakbo ng makita si ArAr na nakatayo, naghihintay. Kahit na walking distance lamang ang aming paaralan ay kailangan pa rin magmadali dahil late na talaga kami. "Hoy late na tayo! Nakatunganga kapa diyan!" "Hinihintay kita." sagot niya dahilan ng aking pag-irap. "Siraulo late na tayo" sagot ko bago tumakbo papuntang school. Magka-sabay kaming tumakbo hanggang sa makarating sa school. Napaurong ako nang makita ang adviser namin na naka-abang sa pintuan. Patay! "Oh lapit lovebirds!" aniya ng makita kami habang sinesenyas sa kanyang kamay na bilisan ang paglapit. Kinunutan ko naman siya ng noo sa sinabi habang ang kasama ay ang lapad ng ngiti sa labi. "Aray!" Mahina kong sambit bago hinaplos ang nakurot kong tainga. Pagkalampas ko ay pinanood ko si Ruther na mapingot ng tatlong beses dahil inako niya ang isa na dapat para sa akin. Sa lahat ng napingot sa tenga ay siya pa ang tuwang-tuwa. Our first class immediately ended. At isa lang ang ibig sabihin, simula na ito ng aming practice para sa aming prom.. Abala ang mga kaklase kong babae sa pag-aayos at pagpapabango, samantalang ang mga lalaki ay naghaharutan pa. Tsk! Mga isip bata! Nauna na akong pumuntang covered court dahil matatagalan pa ang mga iyon, naabutan ko ang aming P.E teacher na nakaupo habang nagdo-drawing gamit ang kanyang mahabang stick. Tumigil siya nang mapansin ang aking pagdating. Tumingin siya orasan at ibinalik ang tingin sa akin. "Nasaan ang mga kaklase mo?" "Nag-aayos pa sir." Sagot ko dahilan ng pagkamot niya sa kalbo niyang ulo. "O siya turuan ko na kayo habang wala pa ang iba" aniya bago lumapit sa speaker sa likod ng stage. Tumingin ako sa likuran at nandito na pala si ArAr na nakatingin lang sa akin na may itinatagong ngiti. Ngumunguya pa ng bubble gum. Hindi naman mukhang cool, mas mukha siyang kambing para sa akin. "O halika na kayo rito sa harap para gayahin ng mga classmate niyo" ani Sir. Lumapit kami sa harapan at sinunod ang mga utos. "Ruther hawakan mo ang kaliwang kamay niya at ang isang kamay mo ay sa bewang" Sinunod niya ang sinabi ni Sir. Ang lamig ng kamay niya. Tinitigan ko siya at nakatingin din siya sa akin.. "Ayan! Ayan! Ganyan dapat may eye contact" Tuwang-tuwa sabi ni Sir. Kitang-kita ko ang paglunok niya. Kabado. Pinagpatuloy ko ang pagtitig sa kanya at sa huli'y umiwas siya ng tingin. Wala pala e.. Dumating ang mga kaklase ko dahilan ng pag-ingay sa covered court. "Wow dream come true Ruther ah!" asar nila sa kasama ko. Hindi naman siya sumagot dahilan lalo ng kanilang asar dahil madaldal at hindi ito nauubusan ng salita. Ngayon lang talaga na nasa harapan niya ako. Habang nagpa-practice ay tinanong niya ako. "Kumusta ang adobo ko kagabi?" "Huh hindi ko siya natanong e" pilosopo kong sagot. Tumawa siya dahilan ng pagtama ng hininga niya sa mukha ko. In fairness ang bango. "Ano nga?" aniya. "Kulang sa toyo pero pwede na." "Alam mo bakit kulang sa toyo?" "Hindi syempre!" "Kasi marami ka ng toyo." Nanlalaki ang matang nilingon siya. "Anong sabi mo? Gusto mong mag mouthwash sa sarili mong dugo?!" Banta ko. "Uy Sir may nagkakadevelopan!" Ani Resty dahilan ng tilian ng mga kaklase ko. Umiling lamang ako. Ayoko ng ganitong klaseng spotlight, pwede pa sana kung sinasabitan ako ng medalya at mga parangal.. Lunch break na namin ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking puson. Napakapit ako sa aking armchair at pumikit. Lintik na dysmenorrhea! Nang mabawasan ang sakit ay iminulat ko ang mata at sumalubong sa akin ang matang nag-aalala ni Ruther. "Bakit?" Nag aalala niyang tanong. "Ang sakit ng puson ko, magkaka-period na ata ako. Wala pa akong dalang napkin dahil sa pagmamadali kanina." "Sige ibibili kita sa canteen. Okay lang ba na iwan muna kita diyan?" He said while looking outside. Tumango ako at mabilis naman na nawala siya sa aking paningin. Dinaluhan ako ni Pepay na mukhang kikitain si Potpot at napag utusan pa ni Ruther. Pinagpapawisan na ako ng malamig at mahilo-hilo na sa sakit. Dalawang modess with wings, isang pain reliever capsule, isang cup ng rice at chicken curry at isang bottle of water. Namamangha ko siyang tiningnan. "Salamat!" ani ko bago dahan-dahang naglakad papunta sa cr. Inalalayan niya ako hanggang sa maka-pasok na kami ng cr. Nilingon ko siya parang wala pang balak lumabas. "Ano? Panonoorin mong tapalin ang kipay ko?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko doon niya lang ata narealize na pati siya ay nasa loob. Mabilis siyang lumabas. Nang matapos ay nakitang nakatayo siya sa harapan ng pintuan at napansin ang dalawang upuan na magka-harapan at nandoon ang mga pagkain, nakaharap din doon ang electric fan. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at lumapit. "Kain na tayo" aniya at tumango naman ako. Sa lakas ng hangin ay nililipad ang mahaba kong buhok at nagiging sagabal sa aking pagkain at kahit anong hawak ko ay may nililipad pa din. Tumayo siya at lumapit sa likuran ko, ipinagsalikop niya ang buhok at inipitan ito. Bumilis ang t***k ng puso ko habang tinitingnan siyang pabalik sa upuan. Napainom nalang ako ng tubig ng wala sa oras at kahit hanggang sa matapos kumain ay hindi na ako nag-angat ng tingin sa kanya. Weird! Medyo umayos na din ang pakiramdam ko dahil sa gamot. At nang malapit ng matapos ang aming lunch break ay nagsimula ng bumalik ang mga kaklase sa room upang mag-ayos at magpa-practice ulit. Tumayo na ako at inayos ang nagusot na palda dahil sa pagkaka-upo. "Okay ka na ba?" Tanong ng katabi ko. "Ah oo. Salamat ah!" "Walang anuman basta ikaw." Inirapan ko lang siya, para-paraan.. Nagsimula na ako sa paglalakad at sinasabayan niya lang ako, umupo muna ako sa bleachers habang hinihintay ang iba. Hinahaplos ko pa ang puson na humihilab. Pinanood ko si Ruther na kausap si Sir, ano kayang pinag-uusapan at parang naiiling pa si Sir. Maya-maya ay tumingin sila sa direksyon ko at hindi ko alam ang ire-react. Pinag-uusapan ba ako? Tumango si Sir na ikinangiti ni Ruther at lumapit na sa akin. "Bukas nalang daw tayo magpa-practice at manonood lang tayo ngayon." aniya. "Huh bakit?" "Nag-paalam ako kay Sir." Sa hindi malamang dahilan ay parang may humaplos sa aking puso. At ayoko. Ayokong malaman kung ano man iyon, hindi ako interesado. Inaasar kami ng mga kaklase at hindi ako natutuwa. Nakabusangot ako sa buong panonood ng practice, nalilibang lang sa mga inaabot na pagkain ng katabi. "Sanaol" sigaw ni Resty na kasama sa team ni Ruther. Tumawa naman siya at hindi pinansin ang pang-aasar. At pinagpatuloy ang pamamaypay sa akin habang nagtetext. Malapit na ang uwian kaya nagpapahinga nalang ang mga kaklase galing sa practice. Kalaunan ay pinayagan na kaming bumalik sa loob ng classroom, bitbit niya ang bag ko habang papunta sa gate. Sarado pa dahil wala pa sa exact time pero marami ng naka-abang. Bumukas na ang gate at hindi pa rin kumikilos ang kasama. "Tayo na!" yaya ko. "Huh? Sandali may hinihintay ako." "Sino?" "Nandyan na pala" aniya at tiningnan ang pinapanood niya. Papa niya. Nakasakay sa tricycle. "Oh sakay na mga anak ko!" Masayang sigaw ng papa niya. Dumating na pala.. "Chocolate ko tito." Sabi ko bago nagmano sa kanya. "Sus kay ArAr mo kuhanin." Aniya habang nililingon ang anak. "Bakit nagpasundo ka pa? Ang lapit lapit lang naman ng mga bahay naten?" "Para makapagpahinga ka nalang." Bumibilis na naman ang kabog ng puso ko. Lintik ang landi kasi ng kasama ko. Pagkarating ay ibinaba kami sa harap ng bahay nila. May handaan daw. Sa mga lumipas na taon ay nasaksihan ko kung paano nagbago ang kanilang bahay simula sa isang simple ay ngayon nagsusumigaw na ng karangyaan ang kanilang bahay. Naabutan ko si mama at tita Liza na nagtatawanan. Lumapit ako at nagmano sa dalawa. "Oh nandito na pala ang daughter in law ko." Aniya na ikinagulat ko. Tuwang-tuwa sila sa naging reaction ko. "Mama!" sigaw ni Ruther. "Sorry nak!" aniya habang tumatawa. "Kain na kayo Yen." Tumango lamang ako kahit nawalan ng gana pero nang makita ang mga nasa hapag ay nawala ang bugnot ko. Kumikinang ang mata ko nang makita ang leche flan kaya naman ito ang una kong tinarget, kahit siguro dalawang lañera ay mauubos ko.. Kumakain pa ako ng shanghai ng makita na may bagong hapag na leche flan. Tatayo na sana ako ng magsalita ang kasama. "Ako na.." At dumiretso sa lamesa kung nasaan ang target ko. Bumalik si Ruther na pinapanood ng aming mga magulang. Tuwang-tuwa sila at hindi ako natutuwa. "Huwag mo nalang silang pansinin." Tiningnan ko siya na may malungkot na mata at hindi ko alam kung bakit. Basang-basa niya ako ngunit sakanya ay hindi.. Magugustuhan ko ba kung malalaman ko? Ayoko.. Hindi ako interesado.. Sabay na kaming umuwi ni Mama. Hinatid pa kami na parang espesyal na panauhin. Naiilang ako sa mga titig nila sa akin.. "Gustong-gusto ka talaga ng magulang ni Ruther anak" ani Mama. "Bakit naman?" "Eh napapatino mo ang anak nila e. Bakit ayaw mo ba sa kanya?" At tila napatid ang iniingatan kong pagtitimpi mula sa school hanggang dito. "Hindi ma! Kayo lang naman ang nagpupumilit at wala akong nararamdaman sa kanya. Wala nga atang pangarap sa buhay iyon e. Ako ma meron!" sigaw ko. Natigil lamang sa mga sasabihin nang makita si Ruther sa harap ng aming pintuan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD