"Dahan-dahan naman kayo!" sigaw niya sa mga player na mukhang first year na nagkakatuwaan.
"Sorry po Kuya Ruther, ate Yen!" sabay-sabay nilang sambit.
Tumango lamang ako sa kanila bilang acknowledgement sa kanila. Habang ang isa ay nanatiling nakatingin sa mga bata. Madilim ang tingin..
Ang cool niya sa stunt na 'yun ah!
Infairness!! Jowa ko 'yan!
***
Papalabas na ako para sa aming lakad nang maabutan ko si Ruther sa tapat ng aming pintuan..
"Oh bakit hindi ka pumasok?"
Tanong ko dahil mukhang kanina pa siya naghihintay sa labas.
"Wala si tita e." He answered.
"So? Nandito naman ako e. Parang tanga lang pwede naman pumasok.."
"That's the point Adrienne kaya nga hindi ako pumasok kasi nandyan ka."
"Huh?! Anong point? E pwede naman nga kasing pumasok." Pagmamatigas ko pa..
"Ewan ko sa'yo Yen. Minsan nagtataka na ako paanong parati kang top one sa klase." Aniya na medyo iritado na.
Kasalanan ko bang hindi ma-gets?
Habang naglalakad ay naintindihan ko din. Oo nga naman, lalaki siya at babae ako. Panget nga naman tingnan kung makikita kaming mag-isa sa loob ng isang bahay lalo na't menor de edad pa kami..
Akala ko sa aming dalawa ay ako ang mas matalino..
Naghihintay na kami ng masasakyang tricycle nang tumigil ang kotse sa aming harapan. Hindi ko naiwasang umirap.. bumaba ang bintana ng sasakyan ay tiningnan kami, lalo na kay Ruther.
"Oh Yen mag-aasawa ka na pala.." she said while smirking.
Madalas napaiisip ako. Paanong naging kapatid ni Mama ang babaeng ito? Sobrang bait ni Mama samantalang ang kapatid ay mukhang pinaglihi sa hari ng kadiliman..
"Huh? Saan niyo naman po napulot ang balitang iyan? Sa basurahan po ba? Huwag kasi pulot ng pulot tita.."
Nakita ko ang unti unting pagkawala ng kanyang mayabang na ngiti.
"Bastos na bata ka talaga!! Sabagay anong aasahan ko sa batang anak sa labas? Yuck! Hindi na ako magtataka kung maaga kang mabuntis. Malandi!" Aniya bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan at nawala sa aming harapan..
"Panget na nga mapanghusga pa! Kainis! Ang galing niya naman pala!
Bakit alam niya? Bakit pangangaliwa ng asawa niya hindi niya na predict?" inis kong bulong..
"Hayaan mo nalang" sagot ng katabi ko.
"Paano ko hahayaan e ganun ang mga pinagsasabi sa akin?! Akala mo naman may ambag sa buhay naming mag-ina."
"Choose to save your energy to the problems that matter.. the good problems, and leave the f**k behind the unimportant f***s Yen.."
Those words made my mouth shut..
He's right.. I don't have to give a f**k!
Nakarating na kami sa pangatlong shop na tiningnan ko, nakakainis lagpas five hundred na ang mga presyo dahil nakuha na ang mga mura. Dapat pala noong isang araw pa ako nagtingin.
"Ano may nagustuhan ka na ba?" tanong ng aking katabi.
Kung nagustuhan lang kahit sa unang shop pa lang nakapili na ako at hindi na nagpapakahirap dito..
"Wala pa. " matamlay kong sagot.
Lumapit siya sa isang gown na nakasuot sa mannequin. Dark blue tube ball gown na may itim na mga beads ang design, ang ganda niya kaya panigurado mahal ito lalo na at naka display pang attract sa mga naghahanap ng gown.
"Ito maganda oh! Bagay sa'yo." aniya habang tinitingnan ako saka binaba sa aking katawan ang tingin.
"Huh! Hindi hindi ko bagay mga dark colors." Pagrarason ko.
"Ano ka ba? Bagay sa iyo yan, subukan mo" singit ng bading sa shop at hinubad na nga ang gown sa mannequin.
"Susukatin ko lang ito" sa utak ko.
Pumasok na ako sa fitting room na may malaking salamin at isa isang hinubad ang damit na suot. Dahan-dahan at maingat na isinuot ang gown.
Napangiti ako sa aking nakikitang reflection, hindi ko akalaing bagay na bagay sa akin ang gown na ito.
Kitang-kita ang maganda kong balikat at ang collarbones na may kalaliman,at ang leeg na highlights dahil sa aking ponytail na ayos ngayon. Malaki ang ngiting pinagmamasdan ang sarili..
My smile immediately faded away when I realized that I didn't have the money for the rent.. Bumuntung hininga ako, at least nakapagsukat ako.. pampalubag loob ko sa sarili..
"Yen hindi ka pa ba tapos?" Rinig kong sigaw sa labas ni Ruther.
"Ang panget Ar! Hindi ko bagay." Sigaw ko upang marinig.
"Patingin!"
I rolled my eyes when I heard him.. Tsk!
Magkukunwari nalang na hindi ko nagustuhan kahit na sa kalooban ko ay nagtatalon na dahil parang sadyang ginawa para sa akin ang suot.
Lumabas akong padabog at sumimangot pa para mas convincing..
Paglabas ay naabutan ko ang dalawang laglag ang panga.
"Takshapo! Kabage mo loka!!" sambit ng bakla.
Tumango naman at tumayo si Ruther palapit sa akin na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Paglapit niya ay ang paglaglag ng aking buhok galing sa bun dahil sa sanriong pangalawang gamit ko na dahilan ng pagkalugay sa aking buhok na naging kulot sa ilalim.
"Ang ganda mo!" he whispered..
"Uh.. thank you" nahihiya kong sagot.
Umurong siya at nilabas ang kanyang cellphone at itinutok sa akin.. Isa sa mga natuklasan ko simula ng maging kami ni Ruther ay parating documented ang aming mga ginagawa.
"Yen pose ka." He said happily.
Nahihiya ko itong sinunod at ginawa ang mga alam na maganda kong anggulo. Nang matapos ay ilang minuto niya itong tinititigan habang nangingiti.
Umiling nalang ako at binalingan ang bading.
"Ahh ate hubarin ko na po, hindi ko po kukuhanin." nahihiya kong sambit.
Nakakahiya at baka umasa siya na rerentahan ko ang gown.
"Ate kukuhanin po namin." ani Ruther habang papalapit sa counter na may nakahanda nang isang black na suit at dark blue na necktie.
"Huy! Wala akong pambayad" mahina kong bulong sa kanya..
"Ako ang magbabayad Yen." Aniya at hindi na ako pinansin..
Paglabas sa shop ay masaya niyang binibitbit ang mga inarkila.
"Magkano iyong gown?" tanong ko dahil panigurado mahal ito.
"Three thousand" sagot niya na parang dalawang piso lang ang inarkila.
"Ano? Ang mahal!" napataas ang boses ko kaya nilingon ako ng mga tao sa aming dinaraanan.
"Jusko! Renz Ruther Cruz sana binigay mo nalang sa akin"
Nanghihinayang ako sa pera at baka sakali sanang nakahanap pa ng mas mura doon.
"Bibigyan nalang kita, gusto mo ba?"
Napapikit nalang ako sa sinagot niya. Oo nga pala at hindi sila naghihirap katulad namin...
"Nagugutom ako Yen kain tayo''
"Okay. Anong gusto mo? Ako ang gagastos sa pagkain."
"Dun oh!" Turo niya sa fishball stand..
Hilig talaga sa ball, sa egg cell ko kaya?
"Kuya sampong pisong fishball, kikiam, calamares at kwek-kwek, dalawang tig sampung buko na din" aniya.
Habang niluluto ang mga inorder ay nilingon ko ang kasamang kumakanta-kanta pa, ganda ng mood nito ah.
"Maparas o ali?" anang tindero.
"Maparas" sagot ko.
Nang handa na ang mga in-order ay hinarap ko si Ruther na parang hindi nangangalay sa mga bitbit.
"Oh ako muna diyan, kumain ka muna" ani ko
"Subuan mo nalang ako at mabigat ang mga ito."
"Daming arte ah!" sambit ko bago siya irapan.
"Oh kwek-kwek" pagpapatuloy ko habang sinusubo sa kanya.
"Buko naman Yen, nabubulunan na ako.."
Sinunod ko ang kanyang sinabi at inilapit ko ang baso sa kanya at dahan-dahan niyang ininom.
Pagbaba ng baso ay napansin ko ang mga kalat na sauce sa gilid ng kanyang labi.
"Tsk ang kalat kumain oh!"
"Alisin mo.." aniya.
Parehong may hawak ang aking kamay at wala din naman akong panyo kaya inilapit ko nalang ang mukha sa kanyang bibig at aambang didilain nang mabilis niyang inilag ang kanyang mukha.
"Ginagawa mo?" halatang gulat pa sa kanyang boses.
"Edi aalisin ang sauce!"
"Yuck Adrienne! Hygiene naman oh! Tyaka huwag mong sirain ang pantasya kong first kiss natin dalawa.."
"Hoy Ruther mabango hininga ko no! Ang choosy mo pa! Ikaw nga gandang-ganda sa akin e!"
"Kaya nga! Gandang-ganda ako sa iyo pero hindi ko naisipan dilaan ang labi mo no."
"Manahimik ka na nga leche ka! Tara na umuwi na tayo!"
Bakit nga ba ang daming tama ng lalaking ito ngayon? Lahat may point at napipikon ako..
Pagdating sa bahay ay naabutan ang nakapamewang na aking ina habang hawak hawak ang pamalo niyang hanger.
Masama din ang tingin sa gown na hawak ni Ruther.
"Aba Adrienne baka naman gusto mong sabihin sa akin ang mga ganap mo sa buhay! Kay mareng Liza ko pa nalaman na may prom kayo.."
"E gastos lang ma, kaya ko naman e"
"E ano pala ang role ko dito kung ganoon?"
"Magluto, maglaba? Ilaw ng tahanan?" Hindi ko siguradong sagot..
"Lintik ka talagang bata ka! O sukatin mo itong heels na binili ko."
"Hala bumili ka? Mama naman!"
"Sukatin mo nalang at manahimik ka at baka ihampas ko sa'yo ang hanger na 'to!"
Binuksan ko ang box at nakita ang isang pares na heels na kulay itim, siguro ay three inches ang takong nito.
"Wow!"
Hinarap ko si mama na nanonood ng aking reaction.
"Thank you ma ang ganda! Ko!" sambit ko dahilan ng isang tampal ko sa ulo.
Nakalimutan kong narito pa pala si Ruther na nanonood sa kadramahan naming mag-ina.
"Oh Ruther dito ka na magtanghalian ah?"
"Opo tita, salamat po!"
Habang hinahanda ang aming tanghalian ay nag-paalam ako na magpapalit na muna ng damit pambahay. Hinanap ko ang pinaka matino kong pambahay at mabilis na nag-ayos sa harapan ng isang maliit na salamin. Ewan ko at tamad na tamad ako mag-ayos kahit na alam ko na makakasama ko ang boyfriend ko, baka dahil na rin sa parati kaming magkasama at sanay na sanay ako sa presensya niya at hindi na ako naiilang sa kanya. Nakita niya na ang panget na version ko.. Kaya kumportable na.
Paglabas ay naabutan ko ang okupadong mga silya namin.
Tatlo lang naman kasi ang aming silya naming gawa sa kawayan dahil wala naman madalas bumisita at gumamit.
Aabutin ko ang kanin ngunit naunahan ako ni Ruther at mabilis na nilagyan ang plato ko at nilagyan na din ng ulam..
"Sanaol" ani mama.
Inirapan ko siya dahil mambibwisit lang naman 'to e. Ang laki naman nang ngisi ng katabi ko at halatang gustong-gusto ang trip ni mama.
Nang matapos ay nagkusa na ang maghuhugas sa mga plato.
"Wow sana everyday Yen. Hindi yung tuwing nandito lang si Ruther" ani mama.
Totoo naman iyon dahil tamad na tamad ako sa gawaing bahay pero masipag basta tungkol sa pag-aaral, pakiramdam ko kasi ay hindi ako ginawa para sa mga gawaing bahay. O baka naman excuses ko lang talaga para para sa aking katamaran sa bahay?
"Tulungan na kita?" Offer ni Ruther.
Tiningnan ko lang siya at ngumiti.
"Ikaw nalang kaya maghugas?"
He smirked and slightly shake his head bago niya ako pinalitan sa aming munting lababo. Pinagmamasdan ko lang siya habang tinatapos ang mga naumpisahan ko na nang maabutan kami ni Mama
sa ganoong posisyon.
"Hay nako Adrienne nakakahiya kay Ruther at siya pa talaga pinaghugas mo!
"Okay lang po tita.." sagot niya.
"Wag mo masyadong sundin mga utos niyan at masyado ng nasasanay na laging nasunod." ani mama bago kami iwan.
"Iiwan mo ba ako kapag sumobra na ako sa katamaran?"
"Hindi" sagot niya ng hindi ako nililingon.
"Bakit hindi?"
" Kasi mahal kita?"
"E paano nga kung sumobra na nga ako? Hindi mo pa din ako iiwan?"
Tumigil siya sa kanyang ginagawa at hinarap ako. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Iiwan din siguro, pero upang mag-isip para malaman ano ang dapat na gagawin. I'm not perfect but I will do my best to keep you Yen. Tyaka huwag kang mag-alala at hahanap ako ng makakatulong natin sa bahay para hihilata ka nalang.."
Alam ko sa sarili ko na masyado pang maaga para sabihin na siya na talaga,but I know in my heart na he will be the one. Itinataga ko sa bato. Kung hindi din naman siya ang mapapangasawa ko ay huwag nalang mag asawa..
Pagkatapos niyang maghugas ay nagpahinga kami sa labas ng aming bahay kasama ang ibang mga kaibigan.
"Excited na ako sa prom natin." ani Pepay.
"Ako din! Ipang-haharabas ko ang ganda ko sa gabing iyon lalo na kay Reggie na hindi man lang binasa ang love letter ko.." ani Potpot.
Natawa ako dahil ako ang gumawa ng love letter niya na ipina-translate niya pa sa English. Tuwang-tuwa daw siya nang tanggapin ng lalaki at ipinagkalat niya na hanggang sa nabalitaan niya na i-diniretsyo lang daw iyon sa basurahan ni Reggie.
Nang hindi na masyadong mainit ay pumunta kami sa likod. Kung nasaan ang bukirin na wala ng mga palay dahil tapos na ang anihan..
Dala dala ni Resty ang bola at nag-aya ng mga makakalaro na ang iba ay hindi ko kilala. Mga dayo siguro mula sa ibang school.
"Maglalaro ako ah?"
Ayan na naman siya at magpapakitang gilas sa akin..
"Sige."
"Panoorin mo gaano kagaling ang boyfriend mo ah." aniya na may mayabang na ngisi.
See?
"Yabang mo!"
Kumindat lamang siya at dumiretso na sa mga kasama ni Resty.
Naghubad ng damit ang mga kasama nila at narinig ko ang mga hagikgikan ng mga kasama kong babae, lalong lalo na ang dalawa kong kaibigan na parehong single pa rin kahit katakot takot ang listahan ng mga crush.
In fairness may mga ibubuga naman sa katawan at halatang mga nagbubuhat lalo na ang maputing chinito na taga ibang school. Kabaliktaran ng itsura ni Ruther.
Lumipat ang tingin ko kay Ruther na seryoso ang tingin sa akin, nakita niya siguro ang pagtitig ko sa katawan ng mga kasama niya.
Seloso!
Sinenyasan ko siya ng finger heart pero hindi naalis ang dilim sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin.. Kung hindi pa siguro sila nag-uumpisa ay malamang ay lalapitan ako nito.
Nag-umpisa na sila sa kanilang laro at habang tumatagal ay napapansin kong masyado niyang ginagalingan at sa kanyang tira ay may target siyang pinapatamaan...
"Teka teka chill lang pare!" ani Resty ng mapansin na masyadong sineseryoso ni Ruther.
"Oo nga pre alam naman na namin lahat na magaling ka" anang chinito habang tumatawa. Ikinibit balikat lamang ni Ruther ang kanilang sinabi at dumiretso na sa pwesto ko.
"Hindi ka na maglalaro?" Sigaw ni Resty.
Itinaas niya lang ang kanyang kamay at nagpatuloy na sila, habang siya ay dumiretso na sa tabi ko. Bahagya pang hinihingal dahil sa laro..
"You like him?"
Sabi na e. Ma issue talaga ang boyfriend ko!
"Huh?" Ikaw ang like ko no!" sagot ko ng mapansin kung ano ang tinutukoy.
Tinititigan niya lang ako at ibinaling sa iba ang tingin. Akala ko ay tapos na ang usapan hanggang sa magsalita ito muli.
"You like that kind of body? Chinito?"
I rolled my eyes in irritation.
"Tumigil ka nga Ruther at hindi siya ang gusto ko. Ikaw. ikaw lang ang gusto ko! Hindi ko type ang mga mapuputi at chinito. Kaya manahimik ka na d'yan!" Singhal ko.
Nawala ang kanyang pagiging seryoso at isang sumisilip na ngiti ang kanyang pinipigilan.
"Tara na nga!" aniya.
Nag paalam na kami sa mga kasama at nagyaya siyang pumunta nalang sa kanilang bahay dahil walang tao sa amin..