* Reign POV * Muntik pa akong matamaan ng suntok kung hindi lang ako bigla hinila ni Sir saka sinuntok yung lalakeng nasa harapan ko at humarap sa akin matapos niya itong maitumba. " Stay at my back. " sabi nito na ikinatango ko nalang. May magagawa pa ba ako? E mukhang kayang-kaya naman yata nilang patumbahin ang mga ito kahit silang tatlo lang. Nanatili lang akong nakatayo at hindi maiwasang mapahanga habang nakatingin sa kanilang lumalaban. Ang galing nilang makipaglaban, talagang napakasolid ng mga kilos nila. Makikita mong bihasang-bihasa sila sa makikipaglaban. Natapos ang laban na wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo lang at nanuod sa kanila. Gusto ko nga sanang magjoin sa kanila, kaya lang sa tuwing may magtatangkang lumapit sa akin! Agad namang nakakalapit si Sir para pa

