Pagkagising ko kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay nila Sir. Pero bago ako umalis, pinagluto ko muna sila bilang pasasalamat na din sa pakikipagtulog ko sa bahay nila. Hindi ko narin sila kailangan pang hintayin dahil kailangan ko pang pumunta kina Nanay para malaman kung okay lang sila at walang nangyari sa kanila. Nagtaxi nalang ako papunta sa amin para madali ako makarating, kahit na ang mahal mg pamasahe! Pagdating ko sa amin, naabutan ko si Nanay na nagwawalis sa harapan ng bahay namin. " Nay! " napatigil naman ito sa pagwawalis sa biglang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin saka umayos ng tayo, lumapit ako sa kanya saka nagmano at niyakap naman ako nito na ikinangiti ko. " Thank you Lord at okay ka. Nag-alala ako sayo dahil baka may nangyari ng masama sayo.

