Sa mahabang byahe ng pagmamaneho ko nakarating din ako sa address na kung saan ko matatagpuan yung mga tarantadong yun. Talagang ang layo pa ng pinadalhan nila ng pera ha. Isang warehouse na kung saan, pagmamay-ari nong sinasabi ni Abby na boyfriend ni Greta. Normal lang ako naglalakad papalapit sa pinto ng warehouse at walang pakialam kung meron mang makakita sa akin. Sakto namang paglapit ko sa pinto at siyang pagbukas nito. Nagkatinginan pa kaming dalawa at halata sa mukha niya yung gulat. " Hi! " nakangiting bati ko dito. Bago pa man siya makareact, sinipa ko na siya ng malakas dahilan para mapabalik siya sa pinanggalingan niya. At dahil bukas naman ang pinto, pumasok na din ako sa loob. " Hello schoolmate! Specially to you Mr. Jimenez. " nakangiting bati ko sa kanila. At kita k

