Napatingin ako kay Abby na ngayon ay nakahiga na sa lap ko at unti-unting idinilat ang mga mata. Ngumiti naman ako sa kanya ng magtama ang aming mga mata namin saka siya napabangon at tumingin sa paligid. Doon nakikita ko sa mga mata yung sobrang takot at panginginig na sinabayan ng pag-agos ng kanyang mga luha. Mabilis ko naman siyang niyakap at hinagod sa likod. " Don't worry, your safe now. " mahinahong sabi ko dito. Hindi naman ito nagsalita at humagulgol nalang sa pag-iyak na para bang natrauma siya sa nangyari sa kanya. Well! Sino ba naman kasi ang hindi matrutrauma kapag ginawa yun sayo diba? " Are you okay? " tanong ko ng unti-unti itong tumigil sa pag-iyak at humiwalay sa akin. Mabilis naman itong umiling pero nandon parin yung takot sa mga mata niya. Kinuha ko yung bottle

