Kanina pa nakakunot ang noo ko habang hinahanap ko si Abby sa buong campus. Uwian na kasi at kahit anino niya hindi ko man lang nakita. Nakapunta narin ako sa room nila at wala akong Abby nakita doon. Kaya mag-isa akong umuwi sa bahay na agad namang umalis matapos kung magbihis at magpaalam kay Mama. Hahanap kasi ako ng raket ngayon dahil alam niyo na. Nawalan ako ng trabaho! " Ate Reign! " Napaligon naman ako ng marinig ang boses ng isang bata. " Arvi? Bakit nasa labas kapa gabi na ha. " nagtatakang sabi ko dito. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan nito para magkapantay kami. " Ayaw mo pa bang matulog? " tanong ko pa dito. " E kasi po ate Reign, hindi pa po nakauwi si Abby. " ' What the-?! ' Buong araw ko siyang hindi nakita sa school maging sa uwian kaya nag expect akong naun

