Maaga akong nagising para ipaghanda ng agahan sina Nanay. Nagsaing lang ako ng kanin at nagluto ng ulam. Pagkatapos non, lumabas na ako ng kusina para tawagin silang lahat para ayain at sabay na kaming kumain.
" Good morning Maam. Kain na po tayo. " sabi ko.
" Good morning din hija. Susunod nalang ako. " sabi naman nito sa akin.
Pinuntahan ko naman si Kuya Driver na mukhang nililinis at chinecheck yung sasakyan nila. Maaga kasi nitong hinatid ng tatlong yun dito sa bahay. Kaya maaga din nagising si Kuya para tingnan ito. Mabuti na nga lang napaayos nila yung sasakyan at ibinalik ng walang galos. Dahil kung hindi malilintikan sila talaga sa akin.
" Kuya, kain na po tayo. " aya ko dito.
" Sige Reign. Susunod ako. " sabi niyo.
Tumango naman ako saka pumunta na sa may kusina. Nandon na rin sina Ma'am at Nanay na mukhang nagkwekwentuhan. Sabay narin kaming kumain lahat pagkadating ni kuya driver.
Ako yung tipo ng tao na hindi naglalagay ng masasarap na pagkain sa mesa kapag may bisita ako o kami. Kung ano ang kaya namin bilhin at kung ano ang nakahain sa mesa, yun ang kainin mo. Kailangan naming magtipid ni Nanay noh. Kaya ang binili kung ulam ngayon aty itlog tsaka tuyo. Hindi naman kasi kami mayaman.
" Pagpasensyahan niyo na ang ulam natin ngayon Mrs. Nagtitipid kasi kami ngayon. " rinig kung sabi ni Nanay sa kanya.
" Its okay Maam. Mukhang masarap naman ang mga ito. " sabi naman nito.
" Naku maam! Talagang masarap ang mga yan. Lalo na at isawsaw mo sa suka diba po Kuya. " nakangiting sabi ko dito.
Tumango lang si Kuya sa akin na halatang sarap na sarap sa kinakain niya. Nagsimula na ring kumain si Maam, nong una paunti-unti muna siyang kumakain, pero napangiti nalang ako ng tuloy-tuloy na siyang sumusubo na halatang nasasarapan din siya. Mabuti nalang hindi siya maarte at hindi siya nagrereklamo.
" Salamat talaga sa inyo Reign sa pagpapatuloy at pagpapakain niyo sa amin. " nakangiting sabi nito.
" Walang ano man yun Maam. Basta po next time, mag-iingat na po kayo. At kapag kailangan niyo po ng tulong ko sabihan niyo po ako. " nakangiting sabi ko.
Napangiti naman siya, kahit wala siyang make-up, ang ganda niya parin.
" Nga pala, nalaman ko na nagtratrabaho ka pala. "
Si Nanay talaga o! Bakit kailangan sabihin niya pa yun.
" Opo ma'am. Sa gabi po yung duty ko pagkatapos ng klase. " sabi ko naman dito.
" Here take this. "
Napatingin naman ako sa inabot niyang papel.
" Kung magbago ang isip mo at kailangan mo ng bagong trabaho. Pumunta ka lang sa address na yan bibigyan kita ng trabaho. " nakangiting sabi nito.
Kinuha ko naman ang inabot nito sa akin at binasa ang nakalagay doon. Pangalan, contact number at address lang naman ang nakalagay doon. Wala ng iba pa.
" Sige po, Ma'am. Thank you po. " sabi ko dito.
Pagkaalis nila Ma'am, nag-ayos narin ako para pumasok sa school. Sinabi ko din kay Nanay yung tungkol sa inoffer ni Ma'am sa akin. Natuwa si Nanay, pero sabi niya nasa akin parin daw ang decision kung kukunin ko yung offer niya.
" Oi parang tulala ka naman dyan. " sabi ni Abby na tinapik pa ako sa balikat.
" May problema kaba Reign? " tanong naman sa akin ni Dana na ikinailing ko naman.
Napaayos ako ng upo at napasandal sa may pader saka napatingin sa may langit. Breaktime ngayon at dito kami sa may rooftop kumakain. Kailangan muna naming iwasan ang mga bully.
" Nalilito kasi ako kung tatanggapin ko ba yung inoffer sa akin ni Ma'am na trabaho. " sabi ko sa kanila.
" Kung ako sayo, Reign. Tatanggapin ko na yang trabaho sayang din naman kasi opportunity na yan. Ito na siguro ang oras para umalis ka don sa pinagtratrabahuan mo ngayon. Ikaw na mismo ang nagsabi na delikado sa Bar na yun. " sabi ni Abby sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, pero kaya lang nasasanay na kasi akong magtrabaho don sa Bar, at masaya ako don kahit na masungit yung manager namin.
" Ano bang klaseng trabaho ang inoffer sayo? " tanong naman sa akin ni Dana.
" Hindi ko pa alam kung anong trabaho ang ibibigay niya sa akin. Pero may binigay siyang address para puntahan ko. "
Ibinigay ko sa kanya yung maliit na card na ibinigay sa akin ni Maam kahapon. Kinuha niya naman ito at binasa ang nakalagay don.
" Patricia De Guzman!? "
Pareho kaming napatingin sa kanya ni Abby ng mukhang gulat na gulat itong banggitin ang pangalan na nakalagay sa may card.
" Kilala mo ba siya? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa akin na seryuso ang mukha.
" Dapat lang na hindi mo tanggapin ang offer niya Reign. " seryusong sabi nito sa akin.
" Ha bakit naman!? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
" Because she is the mother of Prince De Guzman. Ang nag-iisang taga pagmana ng kanilang organisasyon. " seryuso nitong sabi sa akin.
Kunot noo lang akong nakatingin sa kanya at pilit na iniintindi ang bagay na yun. Nag-iisang tagapagmana ng kanilang organisasyon? Huwag mong sabihing.
" Ano bang organization na yan? " nagtatakang tanong ni Abby sa kanya.
" Ang organization ay binubuo ng mga malalakas at makapangyarihang tao. Mga taong kinatatakutan sa lipunan at mga taong dapat mong iwasan. At isa na doon ang mga De Guzman, dahil sa pagkakaalam ko delikado silang tao. At may mga kalaban silang gusto silang patayin para makuha ang kanilang kapangyarihan at posisyon. Maging ang ilang bayan na sinasakupan nila. " seryuso nitong sabi sa amin.
" G-ganun sila kadelikado? " gulat na sabi ni Abby.
" Yeah! Kaya dapat mo silang iwasan Reign. Dahil maaring mapahamak din ang buhay mo kapag pumasok ka sa kanila. At maswerte ka dahil hindi kanila sinaktan dahil sa pagbabara mo kay Prince nong isang araw. " sabi nito sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, ganun pala kadelikado ang taong yun. At kung sinasabi sa akin ni Dana na maswerte ako dahil hindi nila ako sinaktan. Bakit ganun? Ilang beses na kaming nagkaharap ng lalakeng yun at lagi rin kaming nagtatalong dalawa, pero hindi man lang ako sinaktan ng lalakeng yun o binabantaan ako. Ni hindi nga ako nakaramdam ng takot sa kanya.
" I think nakadecide na ako. " biglang sabi ko sa kanila.
" Hindi mo na tatanggapin yung offer? " nakangiting tanong sa akin ni Abby.
Tumingin ako sa kanya sabay ngiti.
" No! I will take it. " nakangiting sabi ko dahilan para lumaki yung mata nilang dalawa.
Sa tingin ko kasi mas maeenjoy ako kapag pumayag ako sa offer niya. At hindi ko malalaman ang isang bagay kapag hindi ako makapasok doon.
Kaya pagkatapos ng klase agad akong pumunta sa address na nakalagay sa may card. At napanganga ako kung saan ako dinala ng address na ito. Isang napakataas na building na talagang maraming nangangarap na makapasok sa building na ito. Dahil sa malaki na ang sahod, marami kapang benefits na makukuha. Kaya nga lang mataas naman ang standards nila dito. Kaya hindi ka basta-basta makakapasok dito.
Naglakad naman ako papasok sa loob ng building, nong una hindi pa ako pinapapasok ng guard. Pero ng sabihin ko sa kanya na pinapapunta ako dito ni Mrs. De Guzman, agad niya naman ako pinapapasok at ganun rin sa may receptionist. Sinabi rin nila sa akin kung saan yung office ni Mrs. De Guzman. Kaya ngayon papunta ako doon sakay ng elevator.
Kumatok muna ako ng tatlong beses pagdating ko sa office ni Ma'am saka pumasok.
" Good afternoon Ma'am. " nakangiting bati ko sa kanya.
" O! Your here, akala ko hindi kana makakapunta dito. " sabi nito sa akin.
" Bigla pong nagbago ang isip ko eh. " sabi ko sa kanya.
Tumango naman ito at inaya akong umupo. Kaya umupo ako sa harapan niya.
" Well Ms. Ingacio-
" Reign nalang po. " sabi ko sa kanya.
Nakangiti naman itong tumango.
" Well Reign, nasabi sa akin ng Nanay mo na marami ka daw kayang gawin. Kahit na gawain ng mga lalake ay ginagawa mo. "
" Opo ma'am. Kailangan ko po kasing magtrabaho para makakain kami. " sabi ko sa kanya.
" I see, nakikita ko din sa personalidad mo na matapang ka at palaban. Kaya sana itong trabahong ibibigay ko sa iyo ay huwag mo sanag tanggihan, Reign. " sabi nito.
Kunot noo naman akong napatingin sa kanya. Bakit parang may kakaiba yatang ibig sabihin sa sinabi niya. Dapat ba akong kabahan?
" A-ano po bang klaseng trabaho ang ibibigay niyo sa akin? " takang tanong ko sa kanya.
Matagal bago niya sabihin sa akin kung anong klaseng trabaho ang ibibigay niya sa akin. Na para bang pinag-isipan niya pa ng mabuti?
" I want you to be a personal maid of my son and grandson. " seryuso nitong sabi.
Pakiramdam ko mahuhulog ako sa kinauupuan ko. Personal maid lang pala, akala kung kung ano na. Pinatagal niya pang sabihin sa akin.
" Tsk! Akala ko kung ano na Ma'am. Personal maid lang pala, yakang-yak- "
" Pero hindi simpleng personal maid lang, Reign. Dahil maaring mapahamak din ang buhay mo dito. " sabi nito.
Mapahamak? Personal maid lang diba! Bakit bigla yatang pumasok dito na mapapahamak yung buhay ko bilang maid. Ano iyo may Death treat sila!?
" Huwag po kayong mag-alala Ma'am. Sanay na po ako sa gulo. " nakangiting sabi ko dito.
Pumunta ako dito ng buo ang desisyon sa sarili. Kaya hindi ko na maari pang baliwalain ang offer nito sa akin. Sanay na ako sa gulo, kaya wala akong pakialam kung gaano kagulo ang pinasok ko. Baka nga mas exceting pa ang mangyayari dito e.