Chapter7

1235 Words
" Reign, okay ka lang? " tanong sa akin ni Abby. " Okay lang ako. Nasaktan ba kayo? " tanong ko sa kanilang dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabay naman silang napailing na dalawa. " Nga pala, thank you pala sa pagtulong sa amin kanina. " sabi nong babae. " No problem! Kaibigan ko naman kayo eh. " nakangiting sabi ko sa kanya. " Kaibigan? " nagtataka nitong tanong sa akin. " Bakit! Hindi ba? Kaibigan ka ni Abby kaya kaibigan narin kita. " Tama naman ako diba. Dahil kaibigan siya ni Abby, kaibigan ko na rin siya. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa ng tumawa ang mga ito. " Hahaha.. nagkakamali ka Reign. Tinulongan niya lang ako kanina kaya pati siya nadamay. " sabi nito na talagang napatawa pa. Napapahiya naman akong tumingin doon sa babae na tipid lang itong ngumiti sa akin. Tsk! Bakit kasi hindi sinabi kaagad, napahiya tuloy ako. But, pwede naman mangyari yun diba? " Then, let settle. " nakangiting sabi ko dahilan para mapatingin sila sa akin. " Today, its officially now that we are friends. " nakangiting sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa saka sabay na ngumiti. " I'm Dana. " " Abby. " " Reign. " Its really official na magkakaibigan na kaming tatlo. At ngayon, hindi lang isa ang kaibigan ko. Kundi dalawa na and I'm really happy for that. Nauna na ng umuwi sa amin si Dana sakay ng sasakyan niya. Gusto pa nga sana nitong ihatid kami, kaya lang tumanggi na kami. Nakakahiya naman kasi kung makikisabay pa kami sa kanya diba. At sanay na rin kaming naglakad ni Abby, kaya walang problema. Pagkarating ko sa bahay namin, agad din naman akong umalis pagkatapos kung magbihis. Syempre, kailangan nating magtrabaho para magkapera diba. Sa Bar parin ako nagtratrabaho at syempre ganun parin ang damit ko no. Hindi naman ako papayag na magsuot ng ganun klaseng damit na kulang nalang makita na yung kaluluwa ko. At isa pa, komportbable ako sa suot ko nakakagalaw ako ng maayos. Marami kaming customer ng gabing yun, o mas magandang sabihing parami ng parami ang mga customer namin. At ang talagang pumupunta doon ay may mga masabi talaga sa lipunan. Mga taong walang pakialam kung gaano kalaki ang mawaldas nilang pera. Mga taong malalake ang mga posisyon, at mga taong may kapangyarihan para patahimikan ka. Matapos ng trabaho ko deristo na ako ng uwi. Mabuti na nga lang pinayagan ako ng manager namin na maaga akong umuwi kaya makakatulog ako ng maayos. Naglalakad lang ako papunta sa amin pero napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang isang sasakyan na nakahinto sa gilid ng kalsada. At muli na namang napakunot ang noo ko ng makita ko yung isang lalake na pilit pinuprotektahan yung babae sa likuran niya na halatang takot na takot. Dahil sa tatlong lalakeng nasa harapan nila. Tsk! Hindi ba nila alam na may mga tarantado dito! At ang mga binibiktima nila ay mga bigtime pa. Katulad nalang nila. Lumakad ako papalapit sa kanila saka binatukan isa-isa yung mga lalakeng mukhang tanga dahil sa pinagagawa nila. " Letsh- " Hindi na natapos ang pagmura nito ng humarap ito sa akin at makita ako. At bigla namang napalitan ng gulat at takot ang mga mukha nilang tatlo. " R-Reign. " gulat nitong sabi. " Anong ginagawa niyong tatlo? " kaswal na tanong ko sa kanila. Pero pansin ko yung sunod-sunod nilang paglunok. " Ah.. eh.. T-T-Tinulongan lang naman sila Reign. N-nasira kasi yung sasakyan nila. " " Oo! Tama siya Reign. Alam mo naman kami laging tumutulong sa nangangailangan. " nakangiting sabi nong isa Tiningnan ko sila ng masama dahilan para mawala yung mga ngiti nila. Tsk! Ako pa talaga niloko ng mga to. " Bakit parang hindi yata yun ang nakikita ko? " Kahit medyo madilim, alam kung namumutla na ang mga mukha ng tatlong tarantado. Napatingin naman ako don sa babae na mukhang takot na takot yata. Nginitian ko siya para kumalma naman siya ng kunti. " Huwag po kayong matakot sa kanila. Mga kaibigan ko po sila na sadyang mga tarantado lang. " nakangiting sabi ko saka tumungin sa lalakeng kasama niya. " Ano po bang nasira sa sasakyan nyo? " tanong ko sa kanya. Mukhang driver ito ng babae base sa suot niya. " Naflat kasi yung isang gulong namin, Hija. At mukhang kailangan na itong palitan. " sabi nito sa akin. Napatingin naman ako sa gulong na tinutukoy niya. At mukhang matinding flat nga ang nangyari dahil ang laki ng butas. At mukhang sinadya pa ito. Napatingin naman ako don sa tatlo na sabay pang tumaas ng kamay. " Oy! Hindi kami gumawa nyan. Ganyan na yan bago pa kami dumating dito. " ang defensive naman nito. Pero mukhang totoo naman ang nito. " Mukhang kailangan nga nating palitan ang gulong Kuya. " sabi ko dito. " Oo nga Hija, kaya lang wala akong gamit na dala para pangpalit sa gulong. " sabi naman nito sa akin. " Ganun po ba. Kung okay lang po sa inyo, doon muna kayo sa bahay namin magpalipas ng gabi. Sarado na kasi ang mga talyer sa ganitong oras. " suggest ko sa kanila. Suggest lang naman at malay mo pumayag din diba. " How about my car? " tanong nong babae. " Silang tatlo na po ang bahala sa sasakyan niyo. " nakangiting sabi ko sa kanya. Kita ko naman ang pagtutol sa mukha niya at napatingin sa tatlong lalake na ngayon ay nakatingin din sa akin. " Huwag po kayong mag-alala Maam. I will take the responsibilities kapag may nangyari po sa sasakyan niyo. " nakangiting sabi ko. Silent means Yes! Kaya inaya ko na silang dalawa papunta sa bahay namin. At habang naglalakad kami nagkwentuhan namin ni Kuya Driver at nalaman kung family driver pala siya ni Maam na ngayon ay tahimik ng nakasunod sa amin. " Pasok po kayo sa bahay namin. " aya ko sa kanila pagkabukas ko ng pinto. Pagpasok namin sa loob agad akong dumiretso sa may kwarto at kinuha yung isang pares kung tsinelas saka ibinigay kay Ma'am. " Suotin nyo po muna yan baka po kasi sumasakit na yang paa nyo. " " Thank you. " sabi nito pagkakuha ng tsinelas sa kamay ko. " Nandyan kana pa- " Napatingin ako kay Nanay na nakatingin sa mga kasama ko. At ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. " Mga bisita ko sila Nay. " nakangitinig sabi ko at nagmano sa kanya. " Good evening Maam. Sorry po sa pagestorbo sa inyo. Nasiraan po kasi kami ng sasakyan kaya kung okay lang po sa inyo, dito po muna kami makikituloy ngayong gabi. " sabi nito. Parang gusto kung matawa ngayon. Akala ko kasi ang tahimik niya lang tao. Yun pala may pagkamadaldal din pala ito. " Kumain na ba kayo? " tanong ni Nanay sa kanila. Nagtataka naman ang mukha nito sa tanong ni Nanay sa kanya. " Y-Yes Ma'am.. kumain na kami. " sabi nito. Dahil maliit lang yung bahay namin at dalawang kwarto lang ang nandito. Sa kwarto ko muna pinatulog si Madam, doon muna ako sa kwarto ni Nanay matutulog ngayon. Habang si Kuya Driver ay sa may sala nalang matutulog, binigyan nalang namin siya ni Nanay ng banig unan tsaka kumot. Okay lang naman daw sa kanya na doon siya matutulog. Dahil sanay naman siyang natutulog sa may sahig nong kabataan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD