Naglalakad ako papunta sa bahay nila Abby para sunduin siya. Baka kasi magrereklamo siya, na siya nalang yung parati ang sumusundo sa akin. Kaya ako yung susundo sa kanya ngayon. Maaga ako nagising eh.
" Ate Reign. " masayang sabi ng bunsong kapatid ni Abby ng makita niya ako.
Tumakbo ito papalapit sa akin at sinalubong ko naman ng yakap saka hinalikan sa pisngi.
" Good morning bunso, ang ate mo? " nakangiting tanong ko sa kanya.
" Nasa loob po Ate. " magalang nitong sagot.
Ginulo ko naman yung buhok niya bago pumasok sa bahay nila.
" Good morning Tita. " bati ko sa kanya sabay mano.
" Sinusundo mo si Abby? " tanong nito na ikinatango ko naman. " Teka tatawa-. "
" Hindi na kailangan, Ma. " biglang sabi ni Abby na kakalabas lang sa kwarto niya.
" Anong nangyari sayo? " nagtatakang tanong ko sa kanya ng mapansin kung kumukunot ang noo nito at para bang may malaking problema?
" Wala! " sabi nito at lumabas na ng bahay nila na hindi naman nagpapaalam sa nanay niya?
Ako nalang yung nagpaalam kay Tita saka siya sinundan papalabas ng bahay nila. At habang naglalakad kaming dalawa, ramdam ko yung pagiging malungkot niya at wala sa mood. Nanibago rin ako sa kanya dahil hindi rin siya kumikibo ngayon. Sa aming dalawa kasi siya yung madaldal, kaya nanibago talaga ako sa kanya.
" Abby, okay ka lang? " tanong ko dito.
Napahinto naman ito sa paglalakad saka humarap sa akin.
" Pwede bang huwag nalang tayong pumasok ngayon? " sabi nito na mas lalong kinanuot ng noo ko.
" May problema ba? "
Napansin ko naman na parang nag-aalanganin itong sagutin ang tanong ko. Pansin ko rin na pilit niyang pinapasaya yung mukha niya para hindi ko mahalata ang pagiging balisa niya.
" W-wala! Huwag mo nalang pansinin yun. " sabi nito at deritsong lumakad papaalis sa harapan ko.
Kunot noo naman ako habang nakatingin sa kanya. Nagkibit balikat nalang ako sa pumasok sa may room pagkarating namin sa school.
Umupo ako sa upuan ko, pero agad din akong napatingin sa likuran ng mapansin ang isang pamilyar na mukha.
" Nag-aaral ka? " nagtatakamg tanong ko sa kanya.
" Ouch! Ang sakit mo namang magsalita Ms. Bawal na ba kaming mag-aral ngayon? " sabi nito na akala mo nasaktan talaga.
Pero anong sabi niya, kami? So it means, nag-aaral din yung dalawang kasama niya?
" Sorry naman! Ngayon ko lang kasi kita nakitang pumasok dito. " sabi ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako ng pinigilan niya ako.
" Wait! Kilala mo ba kami? " kunot noo nitong tanong sa akin.
" Hindi. " simpleng sabi ko sabay talikod.
Pero agad akong napatakip ng tenga ng bigla itong sumigaw. At malapit pa talaga sa tenga ko ha.
" Hindi! Ang tagal mo ng pumasok dito pero hindi mo kami kilala!? " sigaw nito na para bang big deal sa kanya ang bagay na yun.
Inis naman akong napatayo at tumingin sa kanya.
" Ang ingay mo. Kung hindi kita kilala edi magpakilala ka!? " inis na sabi ko sa kanya.
Mukhang nagulat ko naman ito dahil natigilan ito at saglit pang tumingin sa akin. Saka ito ngumisi.
" Brent at yung dalawang kasama ko ay sina Eugene at Prince. " pagpakilala nito sa akin.
" Reign. " sabi ko sabay talikod sa kanya at muling umupo.
Matapos ang klase namin ng walang ibang ginawa ang isang yun kundi kulitin ako. Kaya maraming beses tuloy akong pagalitan ng prof namin dahil sa kanya.
Hindi pa man ako nakakaabot sa may cafeteria namin ng makarinig ako ng ingay ng mga tao don. Alam kung naging tambayan narin ng mga student dito ang cafeteria. Pero sa tuwing breaktime nalang ba may binubully sila?
" Ano ba! Tama na tumigil na kayo! "
" At bakit naman kami titigil? Nagkakatuwaan pa nga kami eh. "
Napabuntong hininga nalang ako sa mga kagagawan ng mga student na ito.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may cafeteria. Oorder na sana ako ng may biglang humila sa buhok ko, dahilan para mapasigaw ako.
" Oh! Ayan pang isang alipin! " sabi nito at patulak akong binitiwan.
Letse! Ang sakit ng ulo ko dahil sa ginawa niya.
" R-Reign. "
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. At doon ako nagulat ng makita ko si Abby at kasama nito yung isang babae na tinulongan ko nong isang araw. So, all this time sila pala yung binubully. At ngayon isa na ako sa kanila.
Tumayo ako at napatingin sa kanilang dalawa. Pareho silang basa at may mga mansa pa ang mga damit nila. Sa sitwasyon nila ngayon, kapansin-pansin na kanina pa sila pinapahirapan.
" Aaah! "
Napasinghal ako ng may tumama sa likod ko na isang matigas na bagay. Napatingin ako sa may sahig ng nalaglag ito. At doon nakita ko ang bola ng tennis. Napatingin ako sa gumawa non, nakita ko ang isang babae na nakatayo malapit sa may pinto habang sa likuran nito nakasakbit ang raketa niya at may hawak pa siyang isang bola.
" Masyado kang nakaharang eh. " nakangisi nitong sabi sa akin.
Nginisihan ko siya pabalik dahilan para matigilan siya. Kinuha ko yung bolang itinapon niya at nilalaro ito sa kamay. Muli akong ngumisi sa kanya saka naglakad papunta kina Abby at doon sa babae.
" Okay lang kayo? " mahinahon kung tanong sa kanila.
Pareho silang nagtatakang tumingin sa akin na ikinangiti ko lang. Tinulongan ko silang tumayo at aalis na sana kami ng matigilan ako ng may biglang bumuhos sa akin ng isang malamig na tubig.
" Hindi naman pwedeng sila lang ang maligo. " rinig kung sabi nito sabay tawa.
Kaya ang ending nagsitawanan ang lahat ng mga naruon. Mga taong mababaw ang kasiyahan.
Humarap ako pero sumalubong sa akin ang pagtapon nila ng itlog at kamatis na mukhang kinuha pa nila yata sa may counter. At talagang nag-effort pa sila sa bagay na yan ha.
" Bagay lang yan sa inyo. Mga mukhang pulubi. "
" Yuck! Ang dudumi nila. "
Malamang! Kayo ang gumawa nito eh. Napatingin ako kina Abby at doon sa babae ng pareho silang nakahawak ngayon sa damit ko. Ngumiti lang ako sa kanila saka walang pag-alinlangan sinalo yung bola ng Tennis ng itinapon niya ito papunta sa deriksyon ko. Ng masalo ko ito, saka ko naman ito itinapon pabalik sa kanya. Kaya napangiti ako ng malaki ng matamaan siya sa may sikmura. Dahilan para mapayuko siya sa sakit. At pansin ko rin natigilan yung iba sa ginawa ko.
" You! " gigil nitong sabi na nakatingin pa sa akin.
Tumaas lang yung isang kilay ko sa kanya na mas lalong kinainis niya pa. Susugurin niya sana ako kung hindi lang siya pinigilan ng isang babaeng kakarating lang.
" Stop! Hindi natin ugaling makipagsabayan sa mga basura. " maarte nitong sabi.
Tsk! Akala ko angel, yun pala demonyo din pala.
" Pano bayan.. ako... Gustong-gusto kayo.. " nakangiting sabi ko. " Gustong-gusto ko kayong.. saktan. " malamig at seryusong sabi ko sa kanila.
Pansin ko ang pag-atras nito at ang pagtahimik ng lahat ng noruon. Humarap ako kina Abby na nakatingin din sa akin at kita ko yung pag-alala sa mga mata niya.
" Bakit nila kayo sinaktan? " seryusong tanong ko sa kanila.
" Reign. " sabi nito na halatang hindi niya gustong sagutin ang tanong ko. Kaya napatingin ako don sa babaeng katabi niya.
" Answer my question. " sabi ko dito.
Napapalunok naman ito at halatang natakot. Pero sinagot rin naman ito ang tanong ko.
" H-hindi namin alam. B-b-bigla nalang nila kami binuhusan ng tubig kanina at sinaktan. " sabi nito.
Napakoyum naman ang kamao ko dahil sa sagot nito. Nanakot sila ng walang dahilan!? Anong klaseng tao sila! O mas magandang sabihin. Tao ba talaga sila!?
Napatingin ako kay Abby ng hawakan nito ang kamay ko.
" Umalis nalang tayo, Reign. " sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya saka tinapik yung balikat niya para iparamdam sa kanya na okay lang ako.
" Hey! Alipin! Huwag ka ngang umasta na maangas ka!? Dahil pareho nating alam na mga basura kayo at wala kayong laban sa amin."
Inalis ko yung kamay ni Abby sa kamay ko saka lumingon doon sa babaeng kakarating lang.
" Basura? At walang laban? Sa tingin niyo bakit kaya kami nakapasok sa school niyo? " seryusong tanong ko sa kanya.
At ang gaga.. mukhang napaisip pa saka ito nakangising tumingin sa akin.
" Is not about the money, dahil wala namang kayong pera. Its about the scholarship na ibinibigay ng school sa mga basurang katulad niyo. " sabi nito sabay tawa.
Bobo nga ito.
Ngumisi lang ako sa kanya na ikinanuot ng noo niya.
" That's right! Its about the scholarship! Because we have brain. At maaring tama ka, wala nga kaming pera, pero pwede naming gamitin ang utak para magkapera. " nakangising sabi ko sa kanya at sa kanilang lahat.
" Ano yun? Ibibinta mo ang utak mo? " sabi nong isa sabay tawa ng malakas.
Pwede bang sapakin ko na toh, kahit isang beses lang? Hindi parin nila nagets yung sinabi ko.
" Lets go! Ayaw kung makipagsabayan sa may pera pero wala namang utak. " sabi ko at inaya na yung dalawa para umalis.
Pero letse lang! Bakit ang hilig nilang hilain ang buhok ko
" Bawiin mo yung sinabi mo! " galit nitong sabi habang hinihila yung buhok.
Pinipilit nila Abby na pigilan siya pero mukhang nakisali din yung dalawang kasama niya. Pero talagang masakit na yung ulo ko sa kakabunot nila. Kaya dapat ko silang pigilan.
Hinawakan ko ang kamay na sumabunot sa akin. At malakas itong inalis sa buhok ko dahilan para magulat siya sa ginawa ko.
" Nakakainis na kayo ha! " sabi ko sabay tulak sa kanya at pagkabitaw ng kamay niya dahilan para maupo ito sa may sahig at galit na mapatingin sa akin.
" Hindi niyo ba naiintindihan yung sinabi ko?! " galit na sigaw ko sa kanila, dahilan para mapatahimik sila.
" Reign tama na please. " rinig kung sabi ni Abby na alam kung natatakot na ito ngayon.
Pero hindi e.. sumusubra na talaga kasi sila.
" Gusto niyo bang ipaintindi ko pa talaga sa inyo? Hindi mo kailangan ng pera para makapasok sa school. Ang kailangan mo utak! Dahil ang pera second option lang yan eh. Mas mahalaga paring may utak ka! Hindi lang sa matalino ka, marunong ka din dapat dumeskarte! At sabihin na nating nakapasok nga kayo dahil sa perang meron kayo. Pero nakakasigurado ba kayo na ikakatalino niyo yang pera niyo? Kung hindi naman kayo marunong makinig sa mga prof natin at gumawa ng homework. Kung may mga man- "
Nagulat ako ng bigla ako nitong sampalin at mapatigil ako sa pagsasalita. Dahil sa ginawa niyang malakas na pagsampal sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko at masamang nakatingin sa kanya.
" Wala kang karapatang leks- "
" Mas lalong wala kayong karapatan na gawin ito sa amin! " galit na sigaw ko dito.
Kung kanina nakocontrol ko pa ang galit ko. Pero ngayon hindi na! Sumusubra na talaga ang mga ito sa amin. Kung sila nagagawa kaming saktan! Pwes! Ganun din ako sa kanila.
Galit akong lumapit sa kanya at hinablot siya sa kwelyo.
" N-nasasaktan ako. " nahihirapan nitong sabi.
Mas lalo ko pang hinigpitang yung pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Inaawat ako nina Abby pero hindi ko silang pinansin. Dahil galit ang nararamdaman ko ngayon.
" Mahirap nga kami, pero wala kayong karapatan na gawin kaming mga alila. At wala kayong karapatan na paglaruan kami. " galit na sabi ko sa kanya.
"At b-bakit hindi? M-mukha naman kayong mga laruan diba? " at nakangisi pa talaga nitong sabi.
Susuntukin ko na sana sita ng may pumigil sa mga kamay ko.
" I wont let you get hurt somebody else in this school Lady. " malamig nitong sabi.
Ramdam ko na naman ang kakaibang aura sa tuwing makakaharap ko ang taong to. Kakaibang aura na siya nagpapatigil sa mga taong narito sa cafeteria.
Pilit kung binabawi yung kamay ko. Pero ang higpit ng pagkakahawak niya dito. Kaya ang ginawa ko marahas kung binitiwan yung babaeng hawak ko sa kwelyo para masaktan ito at malakas itong bumagsak ulit sa may sahig.
" P-Prince. M-mabuti naman dumating ka, yang babaeng yan, sinaktan ako. " pag-iinarte nito na mas lako ko lang ikinagalit.
" Ginagago mo ba ako?! " galit na sigaw ko sa kanya.
" Watch your word Lady. " mapagbanta nitong sabi sa akin.
Matapang ko siyang tiningnan at nandon na naman yung gulat sa mga mata niya. At kasabay non ang masama ko ding pagkatingin sa kanya.
" Pwede nila kaming saktan pero kami hindi! Ano to gaguhan?! Mabait akong tao, pero huwag niyo lang talaga ubusin ang pasensya ko dahil baka ibigay ko sa inyo ang laro na hindi niyo pa nilalaro. " seryuso kung sabi na may halong pagbabanta.
Malakas kung binawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya at saka hinawakan sina Abby at yung babae sa kamay at hinila sila papaalis sa lugar na yun na puro may mga makikitid na utak.