Hikab-hikab ako habang naglalakad papasok sa loob ng campus. Antok na antok kasi ako dahil narin gabi na akong nakauwi sa bahay namin. Mag-isa rin akong pumasok ngayon dahil nauna na sa akin si Abby, mukha kasing naging busy ang life ng babaeng yun.
Deritso lang akong pumasok sa may room at walang pakialam sa mga matang nakatingin sa akin. Agad akong umupo sa upuan at umub-ub sa desk. Iidlip muna ako habang wala pa yung prof namin. Pipikit na kasi yung mata ko sa sobrang antok.
" Ms. Ignacio! "
" Hmm. "
" Ms. Ignacio! "
Napaderitso ako ng upo ng marinig ko yung malakas na boses na tumawag sa akin.
" Ms. Ignacio! "
Napatingin naman ako sa harapan at doon nakita ko ang nanliliksk na mga mata ng prof namin.
" Yes Sir? " pormal kung sabi.
" Are you sleeping in my class?! " galit nitong tanong sa akin.
" Yes Sir! "
Mukhang hindi niya yata inaasahan ang pag-amin ko. Totoo naman kasing nakatulog ako.
" You! Go to Dean office. Now! " galit nitong sabi.
Tumayo naman ako saka kinuha yung bag ko at sinunod yung sinabi niya. Masunurin akong bata e.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob ng office ng Dean.
" Yes Ms? "biglang bungad sa akin nong babae na nakaupo sa harapan ng mesa.
Saglit ko siyang tinitigan. Kung hindi ako nagkakamali may kaedaran na ito. Pero ang ganda niya parin.
" Eh kasi Dean, pimapapunta ako ng Prof namin dito. " nahihiyang sabi ko sa kanya, saka umupo sa harapan niya.
Nakakahiya naman kasi eh. Dahil ito ang unang beses na napunta ako sa Dean office.
Pansin ko naman ang pagkakunot ng noo nito at pagtaas ng kilay dahil siguro sa biglang pag-upo ko sa harapan niya kahit hindi niya pa sinasabi.
" Why? May ginawa kaba? "
" Meron po. Sinagot ko lang naman yung tanong niya kung natutulog ba daw ako sa klase niya. "
" Do you? "
" Opo Dean. Sinagot ko siya ng totoo kaya nagulat ako ng bigla niya nalang ako pinapapunta dito. "
Kumunot naman yung noo ko ng makita ko yung gulat at pagkamangha sa mga mata niya. Pero nawala agad ng pagkakunot ng noo ko ng ngumiti ito.
" Alam mo namang bawal matulog sa klase diba Ms- "
" Ignacio po. Reign Ignacio, Dean. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" Ms. Ignacio, hindi kita paparusahan ngayon. Pero sana naman huwag na ito maulit pa. " sabi nito sa akin.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat saka lumabas ng office niya. Total breaktime naman, sa likod muna ako ng building tatambay para matulog.
" Ano ba! Pwede bang tigilan niyo na kami?! "
" Ano ba talaga ang problema niyo? Wala naman kaming- "
" Tumahimik kayo kung ayaw nyong masaktan! "
" Eh kung kayo ang sak- "
" Jick! "
Napagising ako ng makarinig ako ng ingay at talagang nagsisigawan pa sila. Tumayo ako saka hinanap yung mga gumagawa ng ingay at iniistorbo ang maganda kung pagtulog. Napalinga-linga ako, at yun nakita ko sila na parang nag-aaway na yata.
" Bakit mo siya sinuntok?! "galit na sigaw nong babae sa lalakeng nakatayo sa kanilang harapan.
" Ang ingay niyo eh. " nakangisi nitong sabi.
Napatingin naman ako sa dalawang kasama nito na parang natatawa pa. Mga baliw! Hindi ba nila alam na may natutulog dito.
" Excuse me! " pag-aagaw pansin ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin.
" Pwede bang lumayo-layo kayo ng kunti? Iniistorbo niyo kasi ang pagtulog ko. " sabi ko sa kanya.
Napansin kung natigilan naman yung tatlo at gulat namang napatingin sa akin yung dalawa.
" Sino ka ba ha?!" maangas na tanong sa akin nong isa.
Sasagot na sana ako ng inunahan ako nong lalake na nasuntok yata kanina.
" Huwag kanang mangialam dito Ms. Baka mapahamak ka lang. " seryusong sabi nito sa akin.
Ngumisi lang ako na ikinatigil niya saka ako humarap sa mga tatlong ugok na yun.
" Ako? Isa lang naman akong hamak na estudyante na natutulog dito at nagising dahil sa ingay niyo. " bagot kung sabi sa kanila sabay hikad ko pa.
" Hawakan niyo ang babaeng yan! " galit nitong utos sa dalawa.
Lalapit na sana sa akin yung dalawang lalake ng bigla kung itinapat sa kanilang harapan yung kamay ko.
" Hep! Hindi ako lalaban sa inyo pero siya pwede. " sabi ko sabay turo doon sa isang lalake.
Nagulat naman yung babae sa sinabi ko. Pero yung lalake wala namang reaksyon.
" Ako ng bahala sa girlfriend mo. Patulogin mo yang tatlo. " sabi na ikinatango niya naman.
Pipigilan pa sana siya ng girlfriend niya ng tiningnan niya lang ito saka ngumiti. Dahilan para wala ng magawa yung girlfriend niya.
" Huwag kang mag-alala. Tuturuan niya lang ng leksyon ang tatlong yan. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Pansin ko kasi yung sobrang pag-alala niya para sa boyfriend niya.
Tumayo lang kami sa isang tabi at tiningnan kung paano labanan at patumbahin ng boyfriend niya ang tatlong ugok na yun. Ni hindi na nga nagawa pang sumuntok sa kanya ang tatlo dahil sa bilis ng kilos niya. Kaya ang ending walang malay na bumagsak ang tatlo.
" Sabi ko sayo e kaya sila ng syota mo. " nakangiting sabi ko na ikinatango niya naman.
Umalis na ako doon at hindi na muling bumalik pa sa pagtulog. Masyado kasing nilang inistorbo ang pagtulog ko. Balak ko pa sanang bumalik sa room, kaya pang mapaisip ako na kung babalik ako don matutulog lang din naman ako, kaya pinili kung umuwi nalamg dahil hindi siguro magagalit sa akin si Nanay nito.
Napangiti ako sa iniisip saka naglalakad papunta sa may gate ng biglang humarang sa harapan ko si Manong Guard.
" Ms. Saan po kayo pupunta? " tanong nito sa akin.
" Uuwi po. " simpleng sabi ko sa kanya.
" Sorry Ms. Pero bawal po kayong lumabas during classes hours." sabi naman nito.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Sinong nagsabi na bawal lumabas? Eh, pano kung may emergency, bawal din bang lumabas?
" What's happening here? "
Napalingon ako ng marinig kung may nagsalita mula sa likuran ko. At doon napasimangot ako ng makita ko yung pagmumukha ng lalake kagabi.
" And you Lady. What are you doing here? Diba may klase ka? " seryusong tanong nito sa akin.
Ako lang ba talaga ang may klase dito.
" Kayo, ano din ang ginagawa niyo dito? May klase din naman kayo diba. " nakangising sabi ko sa kanila.
Pero bigla namang sumama ang tingin nito sa akin. Kasabay non ang pagbabago ng aura nito.
" Ayusin mo ang pananalita mo babae. " malamig nitong sabi.
" Maayos naman yung sinabi ko ha! Hindi niyo ba alam na kanina pa ako inaantok. Kaya kailangan kung umuwi para makatulog ng maayos at kasalanan mo yun! " inis na sabi ko.
" What!? "
" Opo! Kasalanan niyo po, Mr. Kung hindi lang po sana sa pangingialam niyo kagabi, edi sana maaga akong nakauwi sa bahay namin. " paninisi ko sa kanya.
Pagbalik ko kasi sa loob ng Bar, napagalitan ako ng Boss namin dahil nalaman nito ang nangyari. Kaya ayun sa halip na hanggang ng 9:00 pm lang ako kagabi naging 12:00 midnigth na. Parang pinurasahan niya nga ako e dahil pinalinis niya pa ako ng buong Bar bago ako pinauwi. Kaya hindi lang antok ang nararamdaman ko ngayon. Kundi sakit at pagod rin ng katawan.
" Kaya kasalanan mo kung bakit inaantok ako ngayon. Idagdag mo pa yung sakit ng katawan ko. " inos kung sabi.
" W-what?! "parang gulat pa nitong sabi.
" Ay letse! Makaalis na nga lang. " inis ko na talagang sabi.
Marami na akong sinasabi, ano lang siya ng ano. Yung totoo, naiintindihan niya ba yung sinasabi ko? Hindi tuloy ako makauwi sa amin, lagi nalang siya nangingialam eh.