Nang uwian na namin, sa room na ako ni Abby dumeritso para sabay na kami hanggang sa gate, Baka kasi may mangyari pa sa kanya. Pagdating ko sa room niya, napansin kung papalabas na yung mga kaklase niya. Pero siya wala pa! Kaya sumilip ako sa pinto ng room nila at doon nakita ko siyang busy sa ginagawa niya. Pumasok ako sa loob dahil wala namang tao doon.
" Abby! " pag-aagaw pansin ko ng makapasok ako sa room nila.
" Uuwi na ba tayo? " tanong nito sa akin.
Tumango naman ako at saka tiningnan yung ginagawa niya. Nakita kung gumuguhit ito ng design para sa damit.
" Hindi kapa tapos? " nagtataka kung tanong sa kanya.
" Oo eh. Mauna kana kayang umuwi? Baka kasi matagalan pa ako dito, ngayon kasi ang deadline nito. " sabi nito sa akin.
Mas lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko kasi nong isang araw pa siya natapos bago ang deadline. Kaya nakakapagtaka na gumuguhit pa siya ngayon.
" Hihintayin kita, mamaya pa naman yung trabaho ko. " sabi ko sa kanya
Umupo ako sa tabi niya at hinayaan nalang siya muna sa ginagawa niya. Gusto ko siyang tanungin kung saan yung ginawa niya nong isang araw, pero baka magsisinungaling lang siya sa akin kaya hinayaan ko nalang. Imposible kasi yung mawala, kilala ko si Abby. Hindi yan basta-basta mawawalan ng gamit, unless kung may kumuha non.
Nang matapos na siya sinamahan ko naman siyang ipasa yun sa prof nila saka kami umalis ng school para umuwi na.
" Reign, ano oras ang trabaho mo? " tanong nito sa akin.
" Mamaya pang 5:00 o'clock. Bakit? "
" Gusto mo samahan kita para may kasabay kang umuwi mamaya? " nakangiting tanong nito sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad saka siya tiningnan ng masama.
" Baliw kaba?! At anong gagawin mo don, tutunganga lang? " inis kung sabi sa kanya.
" Kung gusto mo pwede kitang tulongan. " nakangiti parin nitong sabi.
" No! Hindi ka pwede don, at alam mong delikado ang lugar na yun. "
" Alam mo naman palang delikado bakit doon kapa nagtratrabaho? " inis nitong tanong sa akin.
Alam niya kasi kung saan ako nagtratrabaho. Nong una nagtatalo pa kaming dalawa dahil delikado daw para sa akin ang lugar na yun at baka may mangyari sa aking masama. Pero dahil nga hindi siya yung nagtratrabaho doon at wala naman akong pakialam kung papayag siya o hindi. Kaya sa huli ang gusto ko parin ang nasusunod.
" Hayaan mo na lang ako Abby, huwag mo ring sabihin kay Nanay kung saan ako nagtratrabaho. Kundi lagot ka sa akin. " pananakot ko sa kanya.
At mabuti naman natakot siya, dahil kung hindi uupakan ko talaga siya. Pagdating namin sa bahay agad akong pumasok sa kwarto para magpalit ng damit at saka muling nagpaalam kay Nanay na umalis.
Pagdating ko sa pinagtratrabahuan ko, dumeritso ako sa may likod nitong establishment na ito at pumasok sa may pinto papasok sa may kusina. At talagang napapansin mo na busy silang lahat.
" O! ikaw ba yung bagong extra namin dito? " tanong sa akin nong baklang manager yata dito.
" Yes po! " nakangiting sagot ko sa kanya.
" Ano pa ang tinutunganga mo dyan? Magpalit kana at tumulong sa labas. " maarte nitong sabi.
Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho kanina ko pa ito sinapak. Sinagot ko ng maayos, tapos ganun ang iaasal niya sa akin?
Matapos kung magbihis ng uniform nila na sobrang eksi ng palda ng kulang nalang ay makita yung pwet ko?! Lumabas na ako at tumulong sa kanila sa pagserve at pagkuha ng order sa mga customer. Mabuti nalang nakacycling ako at yung damit ko, polo shirt na white. Ibang-iba sa mga waitress na nandito, yung damit kasi nila spaghetti strap na talagang maeenganyo ang mga kalalakihan na mapatingin sa kanila.
Sa isang Bar ako nakakuha ng trabaho. Alam kung delikado sa akin at mapapahamak ako sa trabahong to. Pero ito lang kasi ang tumanggap sa akin matapos kung humanap ng trabaho. Kaya kinuha ko na yung offer nila na talagang mapapagod ka dahil sa rami ng customer nila dito.
" Hoy! Baguhan, tawag ka ni Boss. " sigaw sa akin nong bwesit na waitress na yun.
Kung makatingin kasi sa akin akala mo may ginawa akong masama sa kanya. Ang sama kasi ng pagkakatingin nito sa akin simula nong kasama nila ako sa pagtake ng mga order.
" Sexy ka kasi, kaya naiingit lang yun sayo. " nakangiting sabi sa akin nong bartender.
Ngumiti lang ako sa kanya saka pinuntanan ko na yung Boss namin. Pagpasok ko sa office niya, biglang napataas ang isang kilay ko ng makitang para itong tigre kung makatingin sa akin. Nanliliksik kasi yung mga mata niya.
" Pinapatawag niyo daw ako Boss? " sabi ko sa kanya.
" Anong klaseng suot yan, Reign! " galit nitong tanong sa akin.
Napatingin ako sa suot ko at hinanap ko naman kung may mali dito. Pero wala naman, dahil sa pagkakaalam ko maayos ang suot ko.
" Maayos naman po ha. " inosenteng sabi ko sa kanya.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng malakas niyang hinampas yung desk niya.
" Tanga kaba?! Alam mong bar tong pinasukan mo tapos ganyan ang isusuot mo?! " galit nitong sabi.
Tsk! Makatanga naman itong baklang to. Hindi porket mataas yung posisyon niya ay pwede niya akong ganyanin.
" Palitan mo yang suot mo. "
" Po? " nagtataka kung sabi.
" Ang sabi ko, palitan mo yang suot mo! Katulad ng mga ibang waitress sa labas. " galit na talaga nitong sabi.
Kulang nalang maputol yung ugat niya sa kakasigaw niya.
Huminga muna ako ng malalim dahil ayaw kung sabayan yung galit niya. Baka kasi kapag sinabayan ko yung galit niya maawa lang ako sa kanya.
" Sir! Kung magbibihis pa po ako baka kulangin tayo ng oras, lalo na at sobrang busy ngayon sa labas. " sabi ko sa kanya.
" I dont care! Basta- "
" Sir! Marami ng nagpafollow-up ng mga orders ng customer. At kung ayaw niyong magkagulo dito? Pumayag nalang kayo sa suot ko ngayon. " sabi ko pa sa kanya.
Natigilan naman siya sa sinabi ko at mukhang napapaisip pa. Pero mukhang matigas talaga ang ulo nito.
" Sino ba dito ang Boss mo? " seryuso notong tanong.
" Kayo po. "
" At sino sa palagay mo- "
Hindi ko ulit siya pinatapos sa sasabihin niya dahilan para sumama ang tingin nito sa akin.
" Pero Sir, kanino itong katawan? Diba po ba akin? Kaya ako ang magdedesisyon sa kung ano man ang susuotin ko. " seryusong sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ulit na inunahan ko na. " Kung papaalisin niyo ako ngayon? Sige ka kayo din ang kawawa. " pananakot ko sa kanya.
At mukhang natakot naman ang bakla.
" Sige na, sige na, umalis kana sa harapan ko at tumulong sa kanila. " inis nitong sabi na mukhang sumusuko na yata.
Nagpaalam na ako sa kanya at ngiting-ngiting lumabas sa office niya. Tama naman ako diba? Hindi niya ito katawan para magdesisyon sa kung ano man ang susuotin ko. At ano naman ang pakialam nila? Maganda naman ako.
" Hoy! Baguhan, iserve mo nga ito sa table 6. " malditang utos sa akin nong waitress na yun.
Dahil nga mabait ako at mukhang ayaw niya talaga sa akin. Kinuha ko nalang yung tray na may lamang inumin. Saka ito sinerve sa table 6.
Pagkarating ko doon, napangiti at napapailing nalang ako ng makitang kaliwat kanan yung mga babae nang tatlong lalake. At talagang nag-eenjoy pa sila sa lagay na yan ha.
" Order niyo Sir. " sabi ko sabay lagay ng alak sa mesa nila.
Pagkatapos non umalis na kaagad ako. Paulit-ulit ang ginawa ko ng gabing yun, kumukuha ng order at mag-asikaso sa mga customer na nandito. Pero ang nakakainis lang ay yung pabalik-balik ako sa iisang table . Yung table 6, pabalik-balik nila akong inuutusan na wala namang kakwenta-kwenta yung mga pinag-uutos nila.
" Ito na po yung tubig niyo Sir. " inis kung sabi at pabagsak na nilagay yung baso na may lamang tubig sa harapan na.
Aalis na sana ako ng muli ako nilang tinawag, kaya inis naman akong napalingon sa kanila.
" Yes Sir? " sabi ko sabay ngumiti ng fake.
Napalayo ako ng kunti ng tumayo siya at lumapit sa akin.
" Bago ka lang dito diba? Pwede namang sigurong samahan mo muna kami kahit saglit ang. " nakangising nitong sabi sa akin.
Hahawakan niya na sana ang kamay ko ng bigla ko itong itinago sa likuran ko.
" Pasensya na po Sir. Marami pa po kaming customer kaya kailangan ko munang tumulong sa kanila. " sabi ko
" Huwag kanang pakipot Ms. sandali lang naman tayo eh. " nakangisi nitong sabi sa akin.
Pwe! Hindi niya ba alam na nandidiri ako sa pagmumukha niya? Mabuti sana kung gwapo ito. Pero hindi e, ang panget ng mukha niya pati yung katawan niya na akala mo buntis at ang baho rin nga hininga niya.
" Pasensya na po talaga kayo Sir. Hindi po kasi ako pumapatol sa mga panget. Lalo na yung malalake ang tyan at sira-sira ang ngipin, idagdag munang maba- "
Nanlaki ang mata ko ng makitang tumaas ang isang kamay nito para sampalin ako. Pero hindi ito natuloy ng mga may pumigil sa kamay niya.
" P-prince? " sabi ni panget na may takot sa mukha habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan niya ngayon.
At sino naman ang lalakeng to? Kung kanina parang demonyo ang mukha ni panget. Pero nang dumating ang lalakeng to parang bigla nalang umamo ang mukha nito, idagdag muna yung masamang aura na bumabalot ngayon sa loob ng bar.
Kunot noo ko silang tiningnan saka umalis doon sa harapan nilang lahat. Ayaw kung sumali sa gulo nila kaya mas mabuting ng aalis nalang ako.
" Ay kabayo! " gulat kung sabi ng may biglang humawak sa braso ko at kinaladkad ako papalabas ng bar. At doon niya lang ako binitawan ng makalabas kami.
" Ano bang probl- "
Napatigil ako ng mamukhaan ko yung lalakeng kumaladkad sa akin palabas ng bar.
" Ikaw!? " gulat kung sabi.
Siya yung lalakeng nasa school namin, yung natamaan ng papel na tinapon ko. Pero anong ginagawa ng lalakeng to dito? Tapos kung kaladkarin ako akala mo magkakilala kami!
" What are doing here Lady! " malamig nitong tanong sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Pero agad naman itong nawala ng maagaw pansin ko ang mga mata niya. At talagang hindi ko maiwasan na mamangha ng makita ko kung gaano kaganda ang brown niyang mga mata. Hindi ko alam pero parang hinihigop ako nito papalapit sa kanya?
" Totoo ba yang mga mata mo? Bakit sobrang ganda! " mangha kung sabi habang dahan-dahan kung hinahawakan ang mga mata niya ng makalapit ako sa kanya.
Narinig kung may suminghap, pero hindi ko yun tinuunan ng pansin. Dahil talagang nakafocus ako sa mga mata niya. Ang ganda kasing titigan.
" Stop starring at me Lady. " galit nitong sabi sabay nitong tinabig ang kamay kung nakahawak sa mukha niya. Parang bigla naman ako natauhan saka napalayo sa kanya at doon lang ako nakaramdam ng inis. " Now! Answer my question lady. What are you doing here?! " malamig nitong tanong sa akin.
Napangisi naman ako sa tanong niya dahilan para mapansin ko ang pagkakunot ng noo niya maging ang mga kasama niya.
" Tsk! Ano ba ang pakialam niyo? Hindi tayo magkakilala Mr. at hindi tayo magkaano-ano. Kaya wala kayong karapatan para questionin ako at kaladkarin palabas. Kaya kung wala kayong kailangan sa akin? Aalis na ako. " sabi ko sa kanila.
Wala naman akong narinig na salita na galing sa kanya. Kaya bumalik na ako sa loob at muling tinuloy ang trabaho ko.