Chapter3

1270 Words
Ilang linggo na rin ang nakalipas ng magtrasfer kami sa school. At laking pasasalamat namin dahil nakapasa kami sa scholarship na binibigay ng government kaya wala na kaming babayaran at bawas gastos din yun sa amin. At sa ilang araw labas-paso namin sa school na to, talagang hindi makatiis ang mga student dito na hindi kami mabully. Halos lahat sila ay nagagawang kaming bullyhin dahil nga mayaman sila at kami naman ay isang kahig, isang tuka! Tsk! Kasalanan ba ng tao na ipinanganak silang mahirap? Hindi ba nila alam na ang mahihirap kaya maging mayaman. Eh sila, kaya ba nila maging mahirap? " Talaga! Nandito na sila? " " Oo! Kaya sigurado ako nagtatago na ngayon ang mga tarantado. " Pano ng excitment ang mga mukha nila habang naririnig ko ang usapan nila at wala rin akong pakialam kung sino ang tinutukoy nila. Dahil kung isa rin namin silang bully, well good for them. And f*ck*ng bad for us! Hindi ko rin sila kailangan pang pakialaman or kilalanin dahil for sure akong magkaiba kami ng ugali. Dahil sila, daig pa ang sqautter sa ugali nila. Papunta ako ngayon sa room ni Abby para yayain sana siyang pumunta sa may canteen. Pero pagdating ko don, hindi ko man lang siya nakita kaya nagtanong ako sa mga kaklase niya nasa loob pa ng room. " Excuse me, nakita niyo ba si Abby? " tanong ko sa mga kaklase niya. " Si Slave? Nandon sa canteen, nagtratrabaho. " natatawa pa nitong sabi. Slave? Nag-iba naba ng pangalan ang babaeng yun? Dahil sa pagkakatanda ko hindi slave ang pangalan niya kundi Abby! At ang babaeng yun, hindi man lang ako hinintay! Sinabi ko na ngang hinatayin niya ako pero ayun siya mag-isa umalis! Nagpasalamat parin ako sa kaklase niya kahit na hindi ako natuwa sa pinapakita niyang ugali sa akin.. At saka nagmamadaling pumunta sa may canteen. Malayo palang pero rinig ko na ang mga tawanan ng mga student sa loob ng canteen. Hanggang sa makalapit ako at makita ko na si Abby na siyang pinagtatawanan nila. Nanggigil na kinumos yung kamao ko dahil sa nakikita ko sa likod ni Abby, ang dahilan kung bakit siya pinagtatawanan ng mga naroon. " I'M A SLAVE!!! " Yan ang nakalagay sa likod niya na nakasulat sa isang papel. " Slave! Bilhan mo nga kami ng pagkain! Linisin mo na rin itong mesa! " natatawang sabi nong isa. " Ito oh pera. " sabi naman nong isang kasama niya at tinapon yung barya sa deriksyon ni Abby. Pasalamat lang talaga siya hindi natamaan si Abby. Dahil kung hindi, ako ang makakalaban niya. Napatingin naman ako kay Abby na nakaupo at nakayuko lang at nahihiya sa mga nangyayari, at sure akong malapit na itong umiyak dahil sa pinagagaawa ng mga ito sa kanya. Naglakad na ako papalapit sa kanya, bago pa ako maunahan nong isang lalake na papunta sa deriksyon ni Abby para gawan ito ng masama. Kitang-kita ko na mainit-init pa ang dala nito na mukhang sabaw yata dahil nasa bowl ito. Kaya ng malapit na ako sa kanya, sinadya kung banggain ng malakas ang balikat niya dahilan para mapaikot siya. At wala akong pakialam kung sino man ang matatamaan nito. " Hey! Okay ka lang?! " tanong ko kay Abby ng makalapit ako sa kanya. Kinuha ko yung papel na nakalagay sa likod nito sabay kumot at itinapon sa kung saan. Wala akong pakialam kung may matamaan man sa ginawa ko. Ang importante ngayon ay ang kalagayan ni Abby. " Lets go. " sabi ko sa kanya. Inalalayan ko naman siyang tumayo para makaalis na kami dito. " What a welcome party. " Napatigil ako ng marinig ko ang malamig na boses na yun. Boses na talagang katakot-takot at paniguradong mapapatayo ang balahibo mo dahil sa takot. Napatingin ako dito para makita ang taong nagmamay-ari ng boses na yun. Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon nakatingin ito sa lalakeng may hawak ng bowl kanina. At mukhang siya yata ang nabuhusan nito dahil sa talim ng pagkakatingin niya dito. " P-p-prince. " nanginginig nitong sabi. " Ganito ba ang paraan ng pagwelcome niyo sa akin? " malamig at seryuso nitong sabi. Naramdaman kung napatago sa likod ko si Abby, dahil siguro sa takot na nararamdaman niya sa lalakeng nasa harapan namin ngayon. " Prince, sorry. H-hindi ko alam na dumating kana pala. H-hindi naman sana- " Hindi natapos ang sasabihin niya ng biglang napatingin sa akin yung lalake. Kahit sino matatakot dahil sa kakaibang tingin na binibigay niya, lalo na at mararamdaman mo ang masasamang aura na bumabalot dito. Sa tindig niya palang, alam kung hindi siya basta-bastang tao lang o student dito. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko man lang naramdaman na natatakot ako sa kanya? Nagawa ko pang makipagtitigang sa kanya ng matagal na hindi man lang umiiwas. " Who are you Lady? " malamig nitong tanong sa akin. Sino ba ang lalakeng to. Bakit parang takot yata sa kanya ang mga student dito. " I'm asking you Lady. " sabi nito na nasa boses na yung pagbabanta. " Reign, sumagot ka naman dyan. Natatakot na ako dito. " bulong sa akin ni Abby. Sa akin din nakatingin yung mga tao sa cafeteria maging ang dalawa nitong kasamang lalake na talagang hinihintay nila ang sagot ko. Napabuntong hininga ako saka sinagot yung tanong niya. " My name is Reign. " nakangising sagot ko sa kanya. Bigla namang kumunot ang noo nito at makikita mong hindi nito nagustuhan amg sagot ko. " Alam mo ba kung ano ang tamang pagtapon ng basura? " seryuso nitong tanong sa akin. Kumunot naman ang noo ko at naagaw ang pansin ko ang itinapon kung papel kanina. Kung ganun siya din pala ang natamaan nito. Lucky day niya ba ngayon? " I'm sorry for that Sir. " sabi ko sa kanya. " You La- " " At sana sapat na ang sorry ko para sa maliit na bagay na nagawa ko sa inyo. " sabi ko saka hinila si Abby papaalis sa lugar na yun. Alam kung may sasabihin pa siya, kaya pinutol ko na dahil ayaw kung pahabain pa ang usapan. Maliit na bagay lang yung ginawa ko, kumpara sa ginawa nila kay Abby. At hindi naman nakakabukol yung papel diba? Kaya huwag siyang mag-inarte dyan na para bang nasaktan siya. Hindi ko din naman yun sinadya, kaya wala siyang dahilan para magalit sa akin. " Ang tapang mo talaga Reign. Nakakatakot kaya ang taong yun. " sabi ni Abby. Kanina pa talaga ang babaeng to simula nong umalis kami sa cafeteria. Hindi niya ba alam na nakakarindi yung boses niya. Paulit-ulit lang naman yung sinasabi niya. Kesyo daw matapang daw ako dahil hindi ako natakot kanina, kesyo daw kaya kung makipagsabayan sa mga kalukuham dito sa school. Hindi niya ba alam na lahat ng tao ay may kinakatakutan. Kaya hindi lang siya yung takot kanina! " Tao kaba talaga, ni hindi ka man lang natakot sa lalakeng yun. " sabi pa nito. " Sasaktan na talaga kita kapag hindi ka pa tumahimik dyan. " pagbabanta ko sa kanya. At mabuti naman tumahimik siya pero nakasimangot yung mukha niya. Dito kami sa likod ng building dumiretso dahil masarap ang hangin dito at isa pa para makarelax din ako dahil kapag hindi ako makatimpi baka balikan yung mga taong nambully kay Abby kanina. Napahiga naman ako sa damuhan at iniisip ang mangyayari sa amin dito sa school sa susunod pang mga araw. Hindi ako sigurado kung ano pa ang malalang mangyari sa amin dito, pero mabuti nayung nakahanda tayo. Kaya talagang gagawa tayong ng malupitan plano! hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD