Napatingin ako sa salamin ng kwarto namin, tinitingnan ko kasi yung sarili ko kung maayos ba ang suot ko. Nakakainis nga eh! Mas lalo lang akong gumanda. Hahaha....
" Anak! Hindi ka pa ba dyan tapos? Naghihintay na si Abby sa labas. " rinig kung sigaw ng Nanay sa labas ng kwarto.
" Nandyan na po Nay! "
Kinuha ko na yung bag ko saka isinakbit ito sa balikat at lumabas na ng kwarto. Napatingin ako kay Nanay na nag-aayos ng gamit sa may salla.
" Aalis na po ako Nay. " sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
" Teka lang yung baon mo. " sabi nito at kukuha na sana siya sa bulsa niya ng pigilan ko siya.
" Huwag na po Nay, may pera pa naman ako dito. Itabi niyo nalang yan para sa gastusin dito sa bahay. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakangiting tumango nalang ito saka ako hinalikan sa pisngi.
" Mag-iingat kayo. " sabi nito sa akin.
Tumango naman ako sa kanya saka nagpaalam na at lumabas na ng bahay. Agad naman akong napatingin kay Abby na nakatalikod at mukhang nagmamaktol na. Lumapit ako sa kanya sabay akbay sa kanya.
" Tara na. " nakangiting aya ko sa kanya.
" Bakit ba ang tagal mo? " inis nitong tanong sa akin.
" Marami pa kasing bilin si Nanay eh. " pagsisinungaling ko sa kanya.
Napangiti naman ako ng bigla nalang lumambot ang mukha nito na alam kung hindi na ito papalag pa. Naglakad na kami papunta sa paradahan ng jeep kung saan naghihintay ang tatay niya. Dahil mabait akong bata, nagmano ako kay tatay. Tatay na kasi ang turing ko sa kanya simula ng dumating kami ni Nanay dito. Kaya hindi lang best friend ang turingan namin ni Abby sa isat-isa, kung hindi parang magkapatid na rin kami.
Umalis na kami ng mapuno ang jeep ni Tatay. Pasukan na kasi, kaya idadaan lang kami ni Tatay sa school na papasukan namin.
Nagpaalam na kami kay Tatay pagkarating namin sa school at saka pumasok sa loob ng campus. Gate palang pangmayaman na kaya hindi na ako nagulat ng bumungad sa akin ang naglalakihang building dito.
" Besh, ang ganda dito. " manghang sabi ni Abby.
" Alam ko. " sabi ko saka siya hinila.
Hinanap na namin yung office ng Dean para magpasa ng requirements namin. Pagkatapos non hinanap na namin yung mga room namin.
" Sana pala nagshift ako ng course no, para magkasama tayong dalawa Reign. " sabi nito.
" Tanga kaba!? At talagang naisip mo pa ang bagay na yan? 4th year college na tayo at ngayong mo pang naisipan mag shift. Eh kung upakan kaya kita dyan! " inis na sabi ko sa kanya.
Sumimangot naman ito. Baliw kasi! Magshift ng course kung saan malapit na kaming magraduate. At isa pa, hindi niya naman gusto yung course ko. Designer kasi ang kinuha nito at ako naman ay business management. Bakit yun ang kinuha ko? Gusto ko lang matutunan about sa business. At someday baka magkabusiness partner pa kami dalawa ni Abby dahil sa course niya diba?
Nauna naming nahanap yung room niya. Kaya mag-isa nalang akong hinanap ang room ko. Hindi namin pwedeng sumama pa siya sa akin no bka pagkamalang buntot ko siya. Joke!
Hindi nagtagal ay nahanap ko na din ang room ko. Saglit muna akong tumigil sa labas bago ako pumasok sa loob ng classroom. Hindi naman sa kinakabahan ako, kailangan ko lang talaga maging handa sa kung ano ang mangyayari sa akin sa loob. You know na diba kung ano ang ugali ng ibang mayayaman? Lalo na ang mga spoil brat.
" Good morning. " bati ko pagkapasok ko sa loob.
" Yes? " tanong nito na nakataas pa ang isang kilay niya.
Hindi ko alam na bastos pala ang mga guro dito. Hindi ko pinansin yung pagtataray niya. Sa halip nakangiti lang ako pumasok sa loob saka inabot sa kanya yung papel na hawak ko. Kinuha niya naman ito saka binasa ang nakasulat dito. Pagkatapos non, inalagay niya ito sa ibabaw ng desk niya saka tumingin sa mga estudyanteng nasa harapan niya. Alangan namang sa likuran diba?
" Guys listened! " pagkukuha nito ng atensyon sa mga estudyante nito. " She is our new student. So, Ms. Introduce yourself. " sabi pa nito.
Napatingin naman ako sa soon to be classmate ko. At galagang makita ko yung pagmamataray ng iba at yung pagtingin nila sa akin mula ulo hanggang paa.
" She is like a squatter. "
" We have a Slave now! "
" And also we have a toy! "
Nagbubulongan ba sila o talagang gusto nilang marinig ko ang sinasabi nila para matakot ako? As if naman may magagawa yang mga sinasabi nila.
" Pipi kaba, baka gusto mong magsalita dyan. " sabi ng magaling kung guro.
Pansin ko naman yung palihim ng pagtawa ng iba dahil sa paraan ng pagsabi nito. Yung salitang parang nakakabastos. Ayaw ko pa namang magsimula ng gulo. Pero kung sila ang mauuna? Why not na patulan ko sila diba.
" Just call me Reign. " sabi ko.
Ewan ko ba pero parang nakakita ng multo ang mga kasama ko dito sa room matapos kung magsalita. Bigla nalang kasi silang napasinghap at natahimik lahat eh.
Lumakad na ako sa may bakanteng upuan, at mga ilang sandali lang ay nagsimula ng magturo ang guro namin. Talagang makikita mo ang mga student dito na para bang walang pakialam sa pag-aaral. Dahil habang nagtuturo ang guro sila naman ay may kanya-kanyang business. Hindi naman magkakaganyan ang mga student kung marunong lang ang mga guro na disiplinahin sila.
Nang matapos ang klase namin na kahit isa wala akong natutunan sa unang araw ko. Lumabas na ako mg room at sa labas nalang ng gate hihintayin ko si Abby.
" Oy! Tulala ka na naman dyan. "
Napaayos naman ako ng tayo sa pagkakasandal saka tumingin kay Abby na tinapik ako sa balikat.
" Ang tagal mo! " sabi ko at nauna ng lumakad sa kanya.
" Bwesit kasi yung mga kaklase ko. Hinaharang-harangan nila yung daanan ko kaya ako natagalan.. "
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
" Bakit? "
" Sinaktan kaba nila? " seryusomg tanong ko sa kanya.
" M-muntikan na, mabuti nalang du- "
Tumalikod na ako at muling pinagpatuloy ang paglalakad.
" Kapag sinaktan ka nila, sabihin mo sa akin. Ako ng bahala. "
" E Reign. "
" Kilala mo ako Abby. " seryusong sabi ko.
Hindi naman siya umimik pa. Hindi ko naman sinasabi na mahina si Abby, talaga kasing medyo mahina yung loob niya pagdating sa mga bully. Kahit inaapi na siya, hinahayaan niya lang ang mga ito na saktan siya. Ang magawa niya lang ay umiyak. Kaya kailangan ko rin siyang ipagtanggol. Dahil ayaw kung nasasaktan yung kaibigan ko.
Unang beses ko siyang nakita ay yung 1st year college kami pareho. Bagong salta lang kami ni Nanay non sa bayan nila at magkatabi kami ng bahay non. Gabi na non at nakita ko siyang binabastos ng mga tambay. Napadaan ako sa harapan nila, dahil inutusan ako ni Nanay non na bumili ng lutong ulam para sa hapunan namin.
Naawa ako sa kanya kaya ayun tinulongan ko. Laking gulat niya pa nga ng makita niya kung ano ang ginawa ko sa mga tarantado na yun. At doon nag-umpisa ang pagiging magkaibigan naming dalawa. Hanggang sa humantong na magbestfriend kami at ituring ang isat-isa na parang magkapatid na. At tinutulongan din namin ang isat-isa kung may problema ang isa sa amin.
" Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad-lakad ha. " reklamo nito sa akin.
Sinabi ko bang sundan niya ako? Wala naman diba.
" Raraket tayo. " sabi ko nalang sa kanya.
Kailangan na kasi naming makahanap ng bagong raket, dahil pinaalis na kami doon sa karendirya. Ayaw kasi ni Boss na mag part time kami, gusto nito fulltime. Kaya kailangan talaga naming makahanap ng bagong raket. Dahil kung hindi, wala kaming kakainin!