Nagising akong puno ang aking kwarto at maraming matang nakatutok sa akin. Pati si don Leandro ay kasama sa loob ng aking kwarto. Nagtataka ako bakit sila anditong lahat. Sapat naman na si ate Trisha o si Brandon. Hinila ko ang damit ni at Trisha na naabot ko. "Ate.." Tawag ko sakanya. Lahat sila ay sabay sabay na tumayong lumapit sa akin. Naweweirduhan akong napatingin sakanilang lahat. "Kelly. Kumusta pakiramdam mo. Nahihilo ka pa ba or may gusto ka bang kainin.? Sunod sunod na tanong niya. "Ate, anu ka ba. Okay lang ako. May nangyari ba andito silang lahat?" Balik kong tanong sakanya. "H-Ha! Wala naman gusto lang nilang masiguradong ligtas ka." Nakangiting sagot niya. Naunang lumabas si Vicctor at sumunod si kuya Sandro bago pa lumabas si don Leandro. Tanging si ate Trisha at Brando

