Dumaan pa ang isang buwan at apat na buwan buwan na nag aking tiyan pero hindi pa nagisgising si Liam. Nagtalaga na rin si Kuya Sandro ng bantay sa labas at loob ng ospital para malayang makagalaw si Victor sa iba pa nilang plano. Ngayong araw din ang nakatakda nilang pagpunta sa apartment ni Jessica at balitang nakabalik na siya pero hindi na siya ang matapang at mayabang na suportodo ni donya Victoria kundi mababa pa sa uri ng mga babae. Nakakatakot talaga maging kalaban si donya Victoria. Akalain mo bang may grupo siya ng mga sanggalo. Habang lumalaki ang aking tiyan hinahangad ko naman ang muling paggising ni Liam. Gusto ko siyang kasama habang lumalaki ang aking tiyan hanggang sa ako'y manganak. Ipinagpaliban ko muna ang pagsugod kay donya Victoria. "Ate Kelly tumawag ang taong bant

