I

1249 Words
THE CALLING SHAMANS are not produced scientifically or by genetics from their ancestors. They are picked from the normals, the humans, or such races depending on the aura of their spirit. In short, they are created, they are teach by the those who knows. Shaman can see one's future, have spiritual power, perform spiritual magics. They are respected as they protect everyone from dark forces and side to what is good for all. Shamans have their spiritual level; Asími, the chosen students; Chrysós, the rare shaman which only few of them can get into this level; Eklektós, the chosen shaman, the one who get to live long. Hanggat walang kapalit at hindi pa natatapos ang kanyang misyon, sya ay mabubuhay. Shamans are destined to protect the most respected race, the Vampires. They believe that the good Vampires protects both the human, vampire, and other good races. I was one of them. One of the Shamans. Pero hindi gaya nila, hindi ako kasing lakas ng mga kagaya ko. Hindi lang basta hindi kasing lakas kundi walang kahit anong espesyal sa akin, yun ang sabi nila. Ako? Naniniwala akong meron, hindi naman ako pipiliin kung wala, hindi ba? "Adira, mamayang bago maghari ang dilim ay pinatatawag ka ng Kuya Wyatt mo para sumama sa kanya sa alay orasyon," saad ng aking Ina habang naghahayin ng pananghalian sa aming hapag. Ako naman ay nakadungaw sa bintana at nakatitig sa kuya kong nasa likod ng bahay at doon payapang nakaupo. Shaman din ang Kuya Wyatt, iilan lamang sa mga Shaman ang magkapatid na parehong may dilaw na aura ng presensya. Ngunit hindi gaya ko, malakas ang kuya Wyatt. Nabibilang sya sa mga Chrysós, yun ang sabi ng inay. Ako? wala pa akong level dahil hindi pa ako estudyante sa mismong lugar kung saan nag-aaral ang mga Shaman. Andito pa ako, kami ni Kuya, sa lugar ng mga tao. Namumuhay at naninirahan ang Shaman sa lugar ng mga bampira. Kuya ko at ang Master n'ya raw ang nagsabi na may aura akong Dilaw, kaya naniniwala pa rin ako na kulang lang ako sa pag-aaral. May mapapatunayan din ako. Inaabangan ko na lang ang imbitasyon ng paaralan, pakiramdam ko yun na lamang talaga ang kulang para mabuksan ang kakayahang mayroon ako. "Adira, tawagin mo na ang kuya mo at kumain na tayo, mamayang gabi ay babalik na ang inyong ama mula sa bayan," ang aking ina. Ang ama ko ay lingguhan kung umuwi sa aming bahay mula sa kanyang trabaho sa bayan. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sabik akong bumaba at ng makalapit na sa aking kuya. Gusto ko kasing itanong kung susubukan nya ba akong muli na turuan ng simpleng mahika. Nakatayo ang bahay namin sa gitna ng kagubatan, malayo sa ibang mga bahay. Hindi naman nakakatakot dahil mas kampante at payapa ang aking isip sa mga ganitong lugar. Nakangiti si Kuya Wyatt ng lumapit ako sa kanya. Ngumiti ako pabalik saka naupo sa kanyang tabi, na may nakalatag na banig. "Gusto mo na namang mag-aral ng mahika," bungad nya. Saka naiiling na ngumingiti. Ngumiti ako ng pagkalaki laki saka pabirong sumimangot. "Hindi kaya, pinapatawag ka ng nanay dahil kakain na raw," kunwaring natatampo kong sabi. Tumawa s'ya at tumango bago tumayo ng tuluyan. Iniabot nya ang kanyang kamay sa akin para tulungan akong makatayo na rin. Nakangiting tinanggap ko ang kanyang kamay at nagpagpag. "Tuturuan mo na ba ako ulit?" sarkastikong tanong ko na ikinatawa naming pareho. Determinado akong matuto, gustong gusto kong patunayan na gaya ng mga normal na Shaman, ay kaya ko rin. Tawag at anyaya na lamang ng paaralan ang matagal ko ng hinihintay. NAKATITIG at walang gana akong nanonood kay kuya habang gumagawa s'ya ng kung nong orasyon. Mula sa aming bahay ay tanaw ang kapaligiran dulot ng liwanag ng buwan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nya pa ako isinama, mukhang wala naman akong gagawin. Inaantok akong nanonood habang sya ay may sinasayaw na kung ano. Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha ng mula sa kanyang kamay ay may puting mahika ang lumabas. Sa pagkamangha sa mga bagay na ito ang dahilan kung bakit gusto kong magpatuloy at matuto. Nang lumipad ang magic spell ay nawala roon ang atensyon ko ng makaramdam ng presensya mula sa gitnang gubat. Ang magaang presensya na iyon ay nagbigay sa akin ng maginhawang pakiramdam. Parang inilagay ako sa pinakaligtas na lugar kahit hindi naman ako umaalis o lumilipat. Gusto kong lumabas para puntahan iyon ngunit hindi ako maaaring umalis sa tabi ng kuya lalo't hindi pa siya tapos sa kanyang ginagawa. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay natapos na rin ang ginagawa ng Kuya. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. Lumabas sya ng bahay at ako naman ay mataman lamang na sumunod sa kanya. Tumigil kami sa likod ng bahay at mula sa pwesto namin ay tanaw ang lugar na pinanggalingan ng presensya kanina. Ngunit hindi gaya kanina, wala na ang magaang presensya na naroon. "Bukas, aalis tayo," matamang saad nya saka ako nilingon. Tumingin s'ya sa liwanag ng buwan kaya't pati ako ay napatingin din doon. Mula sa aking peripheral ay kita ko ang pagbalik tingin nya sa akin. "Ano man ang mangyari sa atin roon, sa iyo, palagi kang mag-iingat. Hindi ako palaging nasa tabi mo, pero ano man ay huwag mong kakalimutang mahal ka namin nina Ina." Naguguluhan akong napatingin kay Kuya Wyatt. Hindi ko maintindihan, saan ba kami pupunta? Bakit wala s'ya sa tabi ko sa pupuntahan namin? Hindi naman s'ya ganito ka madrama, ngayon lang ulit. Ngayon lang ba? Feeling ko nitong mga nakaraang araw ay malumanay s'ya sa akin. PAGOD akong nakatingin sa malaking gate na nasa harapan namin. Hindi ko alam kung ilang oras ang binyahe at nilakbay lakad namin para marating ang lugar na ito. Tiningnan ko ang paligid at naglalakihang mga puno at kagubatan na lamang ang kapaligiran. Weird dahil kanina ay umaakyat kami ng bundok, ngayon naman ay mukhang kagubatan sa kapatagan. Nagliliparan ang mga tuyong dahon sa sahig at ang gate na kahit gaano pa kakawangin at kaluma ay kita pa rin ang eleganteng disenyon nito. Sa taas ng gate ay kita ang Logo na may disenyong buwan sa nagniningning na Dyamante. Yun lamang ang tanging bagay na hindi mukhang luma roon. Hindi ba yan naiisipang nakawin ng sino mang magkita? Ay ewan. Feeling ko kung roon yan sa mga tao e nawala na yan, lalo pa't mukhang wala namang nagbabantay. Nang bumukas ang gate ay bahagya akong napapitlag at napatago sa likod ng Kuya Wyatt na kanina pa ring nagmamasid sa paligid. Pumasok si Kuya sa loob ng walang pag-aalinlangan kaya taas noo ko rin syang sinundan. Hindi inaalintana ang bahahagyang takot na nararamdaman. "Kuya, sure ka na ba dito? Baka naman nagkamali tayo ng lugar ha. Bahala ka, iiwan talaga rito at babalik na ako kina nanay," biro kong sabi. Pampalubag loob dahil sa bawat hakbang namin ay walang kahit ano akong nakikita bukod sa kagubatan. Maaga pa naman, siguro ay kalampas lamang ng alas dose. Ngunit sa kulimlim ng panahon at mukhang hindi pagsikat ng araw dito ay ani mo'y magsisilim na. Mula sa ilang minuto naming paglalakbay pagkapasok sa lumang gate ay muli akong nakatanaw ng isa pang tarangkahan. Iba ito sa nauna naming pinasok. Kita ang karangyaang isinisigaw ng bawat disenyo nito. Kuminang ang mga tiktik sa gate ng kami'y matapat na rito. Duon ko nakita ang nakasulat dito na sa tingin ko'y pangalan ng lugar o ng paaralang ito. Diamánti Panepistimío Scholí Dynatón Fylón
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD