As we enter the university, the gate closed at its own. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Horror movie ang atake.
Isang gwapo, maputi, at matangkad na lalaki ang lumapit sa amin. Yumako ito upang magbigay galang kay Kuya Wyatt.
"Kanina ka pa hinihintay ni Amang, hayaan mo akong ihatid ka sa kanya," magalang na sabi nya kay kuya at ngumiti. Tumingin din sya sa akin at binigyan ng maliit na ngiti sa labi.
Nilingon ako ni kuya na sya namang nakangiti ngayon sa akin. "Tara na," anyaya nya sa akin na pinigil naman ng lalaki.
"Hindi maaaring ang isang hamak na istudyante pa lamang ay haharap sa Amang, batid kong alam mo yan Adelfos," pagtawag nya kay Kuya Wyatt sa hindi ko maalamang pangalan.
Adelfos? Ano iyon? Pangalan ni Kuya?
Muli akong tiningnan ni Kuya. "Hindi tayo gaanong magkikita rito kaya palagi kang mag-iingat. Huwag na masyadonf pasaway at sundin ang makulit na kuryosidad ng iyong utak. Hindi na ito gaya noon. Iba na ang mundong iyong ginagalawan," paalala nya naman sa akin. Nahihimigan ko ang pag-aalala nya ngunit wala syang magagawa kundi sundin ang dapat. Ngumiti ako sa kanya para ipakitang magiging okay lang ako.
Dumating ang babaeng kasing taas ko lamang. Sa palagay ko, ang mga taong ito na nasa harap ko ngayon maliban kay kuya ay mga bampira.
Mabilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang tingin namin ng babae. Maitim ang kanyang kulot na buhok, hindi gaya ng akin na brown at wavy. Asul ang pares ng kanyang mga mata at may suot na itim na sa palagay ko ay unipormeng kasuotan kagaya sa lalaki, ang kaibahan lang ay naka skirt sya habang ang lalaki ay naka pants.
Yumuko si Kuya Wyatt sa kanya kaya't iyon din ang ginawa ko, kita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang madiing pagpikit ni Kuya Wyatt sa ginawa ko. Walang gana namang tiningnan ng babae ang kanyang kuko na tila sanay na sa ganitong trato sa kanya.
"This is Artemis, she's the Vice President of this School. I am Travor, the President," pagpapakilala ng lalaki sa babaeng nasa harapan ko ngayon. "Sya rin ang maghahatid sa iyo sa principal's office at sa village na tutuluyan mo," dugtong pa niya.
"Urgh!" irap na singhal naman ng babae. "How long does this gonna take? I have a date with the Alpha," reklamo niya.
Kung hindi ako nagkakamali, Alpha is the highest and most powerful among their race. Base lang yon sa pagkakaalala ko sa mga kwento ni Kuya. Hearing someone says it personally pertaining the real Alpha makes my heart throb in pain. Feeling ko ay ang sakit-sakit marinig ng mga iyon.
Feeling ko, yung mga ganong pakiramdam ang espesyalidad ko. Yun siguro ang dahilan kung bakit ako naging Shaman. Dahil may ganito akong kakayanan. Siguro ay kailangan ko lang talagang mag-aral pa nang mas mabuti ng sa ganon ay mailabas ang tunay na galing.
Maybe this woman is not just a vampire, but somewhat, one of those in high position and respected. Maybe that's why Kuya Wyatt give respect to her.
"I don't think it's okay kung si Miss Artemis ang maghatid sa kanya, she should go now and enjoy her time," kumento ni Kuya Wyatt. Tumango ako dahil naiisip kong baka mamaya ay lapain pa ako ng babae habang daan. She's still a vampire. Nothing could ever change that.
Hindi naman umangal ang dalawa. Umalis ang tinatawag nilang Artemis ng dumating ang isa pang babae. Sa tingin ko ay isang tao o shaman ang isang ito. Mukhang Istudyante rin sya rito, suot ang kulay Brown na uniform.
Inihatid muna kami ni Travor sa principal's office bago sila pumunta ni Kuya Wyatt sa pupuntahan nila. Alam kong marunong magteleport ang mga bampira ngunit nak-culture shock pa rin ako lalo nang maranasan ko sa personal.
Saglit na nagpaliwanag ang principal at binigyan ako ng Keycard para sa bahay na tutuluyan ko. Oo, Yes, Tama. Bahay! Akalain mo yon?
Ang lugar na ito ay hindi basta iskwelahan kundi literal na lugar ng may mga kapangyarihan.
Diamond University
School Of Strong Races
Yan ang ibig sabihin ng pangalang nakatatak sa Gate na pinasok namin kanina.
Inihatid ako ng babaeng kasama ko, Hiraya ang pangalan nya. Kagaya ko ay tao rin sya, ngunit hindi isang shaman. Isa ang ninuno nya sa nagkaroon ng tsansa mapalapit sa mga bampira na naging dahilan para ang mapasama sya sa taong nakapag-aral dito.
Tumigil kami sa tapat ng isang village na may sign board.
The Village of Guardians
Yan ang nakalagay sa sign board. Nagpaalam na si Hiraya dahil may pasok pa raw sya at isa pa, hindi sya sa Village na ito nakatira. Tahimik kong pinasok ang tahimik na lugar. Sa palagay ko ay walang kahit sino man ang nandirito dahil may pasok pa sila. Hinanap ko ang numerong nakalagay sa keycard ko sa mga bahay na nadadaanan.
Natigilan ako ng makita ko iyon, nasa dulo na ng Village at ang likod ay lawa bago ang kagubatan. Two storey small, white and brown, modern house iyon. Hindi kagaya ng ibang narito, nag-iisa itong modern house. Hindi kaya nagkamali yung principal?
Binuksan ko ang gate na hindi naman kagarbuhan, tama lang para hindi basta mapasok ang kung sino sa loob ng bakuran. Sinwipe ko ang keycard sa pintuan.
Hindi naman ito ganoon kalawak, tama lamang para sa dalawa o tatlong tao. At mag-isa lamang ako. Kung ito ay modern house, ang ibang bahay naman sa village na ito ay lamang sa lawak. Isinara ko ang pintong awtomatikong namang nagl-lock sa labas.
Ibinaba ko ang kaunti kong gamit sa lapag at itinapon ang katawan sa malapit na sofa. Ngayon ko lamang naramdaman ang matinding pagod. Sa haba ng aming nilakbay ay ngayon lamang humingi ng hustisya ang katawan ko. Hindi ko na namalayan ay nakatulog na pala ako. Ni hindi ko na namalayan ang oras o nakalipat man lang sa kwarto para roon magpahinga.
Bumangon ako para bitbitin ang kauntinf gamit ko sa itaas. Dalawang kwarto ang nakita ko rito. Kung titingnan ay ani mo magkasinglaki lamang ngunit sa loob ay makikitang mas malaki ang isa. Pinili ko ang mas malaki. Pumasok ako sa loob niyon at nakita ko ang ayos ng mga gamit.
Nakapatas na ang mga pangbabaeng gamit sa vanity mirror. Mayroon ding lampara, light blue ang kulay ng mga gamit na may halong puti. Sa walk in closet naman na katabi lamang ng banyo ay may laman na rin ilang damit na pambabae. Kaya siguro ayos lang kay Kuya Wyatt na kaunting gamit lang ang dalhin. May uniporme rin doon na kulay puting may halong pula. Mayroon ding pajama na pang iskwela at mga pambahay, pang-alis at pantulog. May nameplate na rin na kulay Silver na nakalagay sa glass drawer kasama ang ilang necktie na sa tingin ko ay kasama sa aming uniform. EPIMEDES ang pangalang nakasulat sa nameplate kaya alam kong hindi nagkamali ang principal sa keycard na ibinigay sa akin.
Pakiramdam ko ay alam nilang pipiliin ko ang kwartong ito dahil mag-isa lamang ako at mas malaki ito kumpara sa kabila. Kaya napaghandaan na nila ang mga gagamitin ko at kakailanganin ko.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog kong silky spaghetti pink dress na nakuha ko sa walk in closet ay bumaba na ako para maghanda ng hapunan. Kumain lamang ako at kalaunan ay lumabas ng bahay at naupo sa bench ng bakuran katapat lamang ng front door.
Saka ko lamang naramdaman ang kalungkutang dala ng pag-iisa. Hindi ko alam kung paano ako mag-adjust sa ganitong pamumuhay. Ni hindi ko alam kung saan ako mamimili o sa kung saan ako pupunta.
Sana, hindi ako mahirapan magkaroon ng kaibigan. Sana rin ay may mag-tour man lang sa akin sa lugar na ito. Hindi lang pala ito basta paaralan kung hindi parang isa mismong mundo, para talaga akong nasa isang bayan lamang.
Nam-miss ko si Kuya, ang Inay, at si Ama. Nam-miss kong panoorin si kuya na magdasal tuwing gabi. Tumingin ako sa buwan at nakita ang liwanag nito. (Nalalapit na sa waning gibbous.)
In the midst pf sadness of facing this new ambiance alone, something or somewhere in the moon calms me. Something inside me keeps telling me that, I am where I'm supposed to be.
Natigil ako sa isang kalampag ng kung ano sa loob ng bahay. Dali-dali kong pinasok iyon.
Nanlaki ang aking mata ng makita ang isang lalaking nakasuot ng polong puti at nangalat ang dugo. Kita ko ang kaliwang tagiliran nya na mukhang may tama ng kung ano at duon nagmumula ang karamihan ng dugo.
Lumingos ito sa akin at duon ko naramdaman ang kakaibang aura nya. Sa namumula nyang mga mata ang mabilis at malakas na paghinga ay alam ko ng hindi sya isang normal o kung ano, kundi isang bampira.
Nalipat ang tingin ko sa kamay nyang hinahalungkat ang lagay ng first aid kit na tinanggalan ko kanina ng laman dahil expire na ang iba. Bakit alam nya ang pasikot-sikot sa bahay na ito? Roommate ko ba ang bampirang ito?
"S-sino ka?" bakas sa tono ko at pagkakautal ang kabang nararamdaman. "Anong ginagawa mo rito?" dugtong na tanong ko pa. Humakbang sya nang dahan-dahan palapit sa akin. "Anong kailangan mo? Saan ka dumaan," tuloy kong tanong habang utay-utay na umaatras dahil sa paglapit nya. Natigil lang ako sa pag-atras ng matumba sya sa sahig at mukhang nawalan ng malay.
Hindi ko alam ang gagawin ko, bago lang ako rito at hindi ko alam kung saan ako dapat humingi ng tulong. Masyadong malayo ang principal's office at gabi na. Tiyak na ang night class student na ang nasa school, baka pagtinangka ko ay magkanda letche-letche pa ang unang araw ko.